8th Expression

28 3 4
                                    

"Elle, papasok ba si Nico? Hawak niya kasi yung group report namin." bungad sa akin ng kaklase namin na si Queenie.

Napa-kibit-balikat ako bilang sagot sa kanya. "Hindi ko din alam, Queenie. Itetext ko na lang si Nico, sasabihan ko ng sa report niyo."

"Sige. Salamat. Baka kasi mapagalitan kami ni Sir Paul." Nginitian ko na lang siya. Umalis na din naman siya pagkatapos.

Tatlong araw na din na hindi pumapasok si Nico. Kinaumagahan nung birthday ni Yana, nauna na siyang umalis sa amin. Pinapauwi na daw siya ng Mama niya. Pagkatapos nun, wala na akong balita pa sa kanya. Nag-aalala ako kung baka napano na siya or kung may problema. Hindi siya sumasagot kapag tinetext ko siya, cannot be reached naman pag tinatawagan ko siya. Hindi naman niya binubuksan yung account niya. 'Wag naman sanang may masamang mangyari sakanya, pero hindi ko maiwasang maisip yun.

"Elle, tara." Yaya ni Ayen. Nandito na pala siya sa harapan ko.

"Saan?" wala sa sariling tanong ko dito.

"Sa canteen. Breaktime na, hindi ka nainform?" Nauna na siyang naglakad palabas. "Halika na. Nagugutom na ako."

Nalulutang ako dahil sa kaka-isip kay Nico. Nasaan ka na ba kasi, Nico? Habang naglalakad, may bigla naman akong naalala.

"Mauna ka na. Susunod na lang ako." sabi ko kay Ayen sa mabilis na naglakad palabas.

"Teka, san ka pup--"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Tumakbo na agad ako palabas ng classroom. Knowing her, alam ko namang hindi niya ako susundan. May kagandahan din yung pagiging tamad niya.

"Ron!" tawag ko. Tumigil naman ito at nagpalinga-linga. Nang makita niya ako, kumaway siya saka naglakad papalapit sa akin.

"Oh Elle, anong atin?" Nagtataka nitong tanong. Malamang talaga nagtataka 'to. Sino bang hindi, kung may taong hindi mo naman gaano ka-close ang biglang susulpot at tatawagin yung pangalan mo. Pero kinakapalan ko na yung mukha ko.

"Ano, hmm. Nakakausap mo ba si Nico?" Diretsa na agad yung naging tanong ko. Yun din naman talaga yng sadya ko atyaka ayoko magsayang ng oras, mukhang may training pa sila sa football.

"Ha? Hindi." Inayos pa niya ng bahagya yung buhok niya. "Bakit?"

"Tatlong araw na kasi siyang hindi pumapasok. Nag-aalala na ako, hindi din kasi siya sumasagot sa mga texts at tawag ko." rason ko.

Tinignan niya ako saka nag-iwas ng tingin ng bahagya. Bakit pakiramdam ko may alam si Aaron? Pero ayaw niya lang sabihin. Bakit ba ganito sila? Ganyan na ganyan din si Nico nung huli.

"Aaron please," Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Kung may alam ka, sabihin mo."

Huminga naman siya ng malamin saka ako tinignang muli.

"Zamora!"

Parang pang-asar lang din na kung kailan naman magsasalita na si Aaron, saka naman may nagtawag din ng pangalan niya. Right, timing.

"Tawag ka ni Coach! Asap daw!" Sigaw nito sa kanya. Na duda ko ay kasamahan niya sa football team.

"Pasensya na, Elle. Pero wala din talaga kasi akong alam. Last week pa din nung huli kong makausap si Nico. Pasensya na. Sige, una na ako." Tumatakbong umalis si Aaron. Lumapit siya sa tumawag sakanya saka sila sabay na tumakbo papuntang court.

Nanlulumo naman akong bumalik na lang sa classroom namin. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Nico?

"Thanks, Elle!" Bungad sakin ni Queenie pagkabalik ko ng classroom. "Buti nakahabol pa kami sa pagpasa nung report."

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon