9th Expression

31 3 1
                                    

"Anak," Narinig kong bumukas yung pinto kaya mabilis akong napatalukbong ng kumot. "Kain na."

Nanatili naman akong tulug tulogan para umalis na siya. Wala akong gana kumain. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Naramdaman ko naman na naupo si Mommy sa kama ko.


"May sakit ka ba? Hindi ka ata malakas kumain nitong mga nakaraang araw." puna ni Mommy. Kung yung normal na ako, matatawa na ako. Pero iba kasi ngayon eh. Ang hirap maging masaya habang nadudurog ka naman sa loob.

Hindi ako kumibo. Gusto kong mapag-isa lang muna. Hindi rin naman nagtagal, narinig ko na ang pagsara ng pinto ko. Lumabas na ako sa kumot ko. Nakaka-suffocate.

Inabot ko yung phone ko na nasa ilalim ng unan ko. Bumilis naman yung tibok ng puso ko pagkabukas ko nito. May isang message.

From: 09xxxxxxxxx

Nak,kmsta nkyo jn?e2 n bgong # q.pkiloadn mo mna aq ng 200 kailngan q lng.miz ü

Nakaka-frustrate! Akala ko pa man din si Nico na yung nagtext. Hindi na bale. Itetext ko na lang siya ulit. Magmukha man akong tanga.

To: Nico

Good morning Nico! Miss na kita.. :(

*sent*

Tadtad na ang text messages ko sakanya, pero ni tuldok wala akong nakukuha mula sa kanya.

Hindi naman ako galit sakanya. Naiintindihan ko. Wala namang dapat magbago. Pwede namang LDR, eh. Basta magparamdam na ulit siya, basta bumalik na siya sa akin ulit. Dahil miss na miss ko na siya. At madami akong gustong itanong sa kanya. Kaya sana bumalik na siya. Bumalik ka na Nico, please. As if on cue, sabay sabay at nag-uunahan na naman sa pagpatak yung mga luha ko.

Guess I would have to once again spend this day crying. Again.

Weeks passed. I am now starting to get used to this feeling of no Nico in my life. I've been messaging him every now and then, pero no luck. May point na namimiss ko siya, pero meron din point na nasanay na ako. At nawawalan na din ako ng pag-asa na kakausapin pa ako ni Nico. I guess nagawa ko na ang lahat.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, anak?" natigilan naman ako dahil sa pagsalitang 'yon ng Daddy ko. "Nag-ooverflow na yung tubig. Patayin mo at sayang. Magagalit na naman sa atin ang mommy mo kapag mataas ang bill sa tubig"

Nasa harap kasi ako ng lababo ngayon at maghuhugas ng mga pinagkainan pero mukhang nagspace out ako at hindi ko namalayan na umaapaw na pala yung tubig.

Agad ko naman itong pinatay at inabot ang sponge saka sinimulang sabunin yung mga plato, baso, kutsara't tinidor.

"May problema ka ba anak?" tanong ni Daddy.

Gustong gusto kong mag-open up sa parents ko dahil ang hirap sarilihin nitong nararamdaman ko kaso banned ang usapang love life sa bahay na 'to. Alam ko na agad ang magiging reaksyon nila.

"Wala po." tanggi ko.

"May nanliligaw na ba sa'yo anak?" tanong ulit ni Daddy.

"Sa itsura ko po na 'to, tingin mo Daddy meron?" pagbibiro ko.

"Hindi ka naman pangit, nak." ani Daddy. "Kamukha kita kaya hindi ka pangit."

Nailing na lang ako.

"Yung boyfriend mo nung first year ka, nagkakausap pa din kayo?" pag-iiba naman ni Daddy. Napahinto ako saglit sa pagpupunas ng plato dahil doon. "Sino na nga ulit 'yon?"

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon