10th Expression

11 1 0
                                    

Dahil vacant at wala naman kaming schoolwork na kailangan gawin, kumakain na naman kami ni Ayen dito sa canteen. Pero this time ako naman ang may mas maraming inorder kaysa kay Ayen. Gutom na gutom ako, hindi ko alam kung bakit. Nagbreakfast, snack, and lunch naman ako.

Tahimik akong kumakain ng binili kong chips nang maubos ko yung sandwich ko habang inaabangan na din na mag-online si Nico. Pinagmamasdan ko lang yung phone kong nakapatong sa mesa na nasa harap ko. Inaantay na tumunog. Natigilan naman ako nang tumunog ito ngunit hindi gaya ng inaasahan ko ang lumabas.

You have a direct message. Tap here to open.

It's a twitter notification. And it's obviously not Nico. Wala namang twitter si Nico. Ah, baka may tinag na naman sa akin si Ayen na kung ano sa twitter. Napatingin naman ako kay Ayen na nasa tabi ko lang na kasalukuyan din na tutok sa phone niya habang kumakain ng Skyflakes. Kung kahapon puro junks kinain niya, ngayon ay daig niya pa ang nagdadiet sa pa-Skyflakes at tubig niya. Napailing na lang ako. I tapped the notification anyway.

@crgtrss: Yo, sorry nakalimutan kong may access si Karen sa account ko.

Napapunas naman ako sa panyo ko nung daliri ko na puno ng cheese dahil sa chips na kinakain ko at nagtype ng reply kay Craig.

@elle_snchz: Wala yun. Okay lang haha.

@crgtrss: No, sorry pa din. Baka kasi iba isipin mo.

@elle_snchz: Hindi naman ako ganun.

@crgtrss: I know. Basta. Sorry uli.

@elle_snchz: :)

@crgtrss: Good morning

"Boo!" Agad ko namang naisara yung phone ko. "Ano yan ha?" Pag-uusisa ni Ayen.

"Wala." Sagot ko saka inabot yung chips ko at nagsimulang kumain ulit. "Malapit na din mag-uwian, kain tayo sa labas nina Yana bago umuwi?" Pag-iiba ko.

Tumango naman ito at mukhang nagustuhan niya yung suggestion ko. Buti naman. Hindi na ito nagpumilit pa at kulitin ako. Matamlay ata siya ngayon?

Patuloy lang ako sa pag kain nang mahalata kong nakatitig sa akin si Ayen. Pinanliitan niya pa ako ng mata, "You're suspicious." saad niya.

Hindi ko na lang ito pinansin. "Gusto mo?" alok ko sa kanya nung kinakain ko.

Umiling lang siya at saka tinuro ako habang nanliliit pa din ang kanyang mga mata.

"What?" nanghahamon na tanong ko. Agad ko namang nasilip mula sa likod ni Ayen si Rex, ang kanyang bestfriend. Mukhang palapit siya sa direksyon namin. "Rex!" tawag ko.

"Yah, as if he's he--OW." ani Ayen ngunit hindi na siya natapos dahil pinindot siya sa tagiliran ni Rex na kasalukuyang nasa likod niya. "Oh, anong ginagawa mo ditong asungot ka?" mataray na tanong nito dito. Napailing na lang ako. Heto na naman sila.

"Nag-aaway na naman ba kayo?" natatawa at mapanloko kong tanong.

"As usual" natatawang tugon naman ni Rex. Nagets ko naman agad ang tinutukoy ni Rex kaya natawa na lang din ako. Binalik ko na lang kunyare yung atensyon ko sa phone ko saka sa pag kain at hinayaan sila doon sa harap ko, pero sa totoo lang nasa kanila yung atensyon ko.

"Sorry na nga. Di ka naman mabiro eh." rinig kong panunuyo ni Rex kay Ayen.

Samantala itong si Ayen naman ay dinededma si Rex, nagpphone lang at tila walang naririnig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon