2nd Expression

44 3 2
                                        

F L A S H B A C K

Craig Torres wants to be your friend on facebook

Accept • Ignore

And who the hell is Craig Torres? I was staring at the request when I had accidentally tapped the name and it quickly redirected to his profile.

106 mutual friends.  Really? Goes to the same school that I go?   Really, again?

Okay, enough. Tinatamad na din naman ako magscroll. Pwede ko naman siyang iunfriend kung itatry niya akong iharm.

Accept.

You are now friends with Craig Torres.

Craig Torres: hi :)

What the? Sino ba talaga 'tong Craig na 'to?

Since nacreepy-han ako sa biglang pag-message niya, I immediately pm-ed my bestfriend.

Me: ayennnn

5 minutes passed.
20 minutes passed.
No reply.

Dalawa lang ang nakikita kong rason; tulog siya o wala siyang load, o pwede ding ayaw niya lang akong replyan talaga. Oh, tatlo pala.

Me: hello

Craig's typing...

Craig: hi, can we be friends?

Heck? Kaibigan agad? Ni hindi ko pa nga siya nakikita or what. Advance naman masyado! Pero, pwede din naman. Kaibigan lang naman eh. Tama! Kapag magkaibigan na kami dun ko nalang siya tatanungin ng itsura niya. You're so matalino, Elle!

Me: oo naman!

Sending message...

BATTERY EMPTY. SHUTTING DOWN.

Bigla nalang nangitim yung screen ng phone ko. Ang galing talaga sa timing eh.

Hindi kagaya ng iba, hindi ako tamad pumasok. Mas gusto ko ngang nasa school, kapag nasa bahay pauulanan lang nila ako ng utos dun.

"Boo!"

"Ay chickenjoy!" Biglang nagising yung diwa ko. Kunot noo kong hinampas si JC, ang salarin ng pagkagulat ko.

"Ang takaw mo. Puro ka pagkain." Nakangiti niyang sabi saka sumabay sa akin sa paglakad papuntang classroom. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Aray!" Lalo ko siyang tinignan ng masama. Pisilin ba daw yung pisngi ko.

"Ba't ka ba namimisil ng pisngi ng may pisngi? May pisngi ka din oh, ba't di yan pisilin mo?" Reklamo ko habang hinihimas ko pa din yung pisngi ko. Ang sakit kaya!

"Ang cute mo kasi" Nakangiti niyang sabi. Wow thank---- "Para kang baboy." Saka siya tumakbo pataas habang tumatawa. Leche!

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon