5th Expression

31 3 0
                                        

Ilang araw na din ang nakakalipas nang magka-ayos kami ni Nico. At mas naging open kami sa isa't-isa, ang gaan sa pakiramdam. I also tried confronting him about dun sa weird feeling ko kasi nababother talaga ako. But lagi naman akong nabobokya.

"Nico, ano nga kasi?" Kanina ko pa siya kinukulit. Feeling ko nga nakukulitan na siya. Naba-bother na ako eh!

"Ano nga alin?" He asked habang sinasabit niya sa tenga ko yung buhok na halos nasa mukha ko na.

"May problema ba or something?" I asked.

He raised a brow.

"Bakit parang may tinatago ka sakin?" Pagtutuloy ko.

"Bakit naman ako magtatago sayo? At ang tanong, ano naman ang itatago ko sayo? Magkasama tayo 24/7. Napa-paranoid ka lang." Sagot naman niya.

"Ang oa! 24/7 ka jan!" Hinampas ko nga. Napatungo ako. Ayoko sanang maramdaman 'to pero Hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko wala siyang  tiwala sakin. He then massaged my shoulder.

"Wag ka kasing mag-isip ng ganyan.  May tiwala ka naman sakin diba?" Tanong niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

I nodded.

"Good. Basta, mahal kita kahit anong mangyari." He said and kissed my right hand.

"Promise you won't leave me?" I asked.

Natigilan siya sa sinabi ko. But still managed to smile after a while. And nodded. "Promise." He said, rest assured.

Kahit medyo may doubt pa din, isinantabi ko na yun. He made a promise. May tiwala ako sakanya. Magka-iba sila. Alam kong hindi niya ako bibiguin.



"Anong mukha yan?" Bungad ko kay Ayen pagkapasok ko ng classroom.

"Sakit mo namang magsalita. Oo na. Ang pangit ko. Pangit naman talaga ako." Pagddrama pa nito.

"Drama." I sat beside her. "Anong nangyari sayo, ha?"

Hindi niya ako pinansin. Aba.

"Magkekwento ka o magtatanong nalang ako kay---"

"Elle!" She exclaimed. Overreacting ang lola niyo. Iba na 'to. "Subukan mo! FO na tayo." Pagbabanta nito.

"Bakit nga kasi?" Natatawang tanong ko dito.

"Bakit ano?" Tanong naman nito pabalik habang nakapangalumbaba.

Mas inilapit ko naman dito yung upuan ko. "Bakit ang lungkot mo?"

"Hindi kasi laging masaya." Kaswal na sagot nito sa akin. Saka niya ibinalik sa pagkakasubsob yung mukha niya sa desk niya.

I shrugged. "Sabagay. Why all of a sudden?"

She only shrugged without bothering to lift his head.

"Is it about---"

"Hindi!" Agad na pagpuputol nito sa sasabihin ko. "Hindi nga kasi. Hindi. Hindi. Hindi. Hindi, okay?"

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon