Paunang Salita

2.1K 45 7
                                    

Abala sa pagbuburda ng lampin ang isang Ginang na buntis. Lampin ng anak niya ang kanyang binuburdahan na gagamitin ng anak niya kapag naipanganak na niya ang sanggol. Nasasabik na siya na makita ang kanyang kauna-unahan magiging anak.

Humuhuni pa ng kanyang paboritong awitin ang Ginang habang nananahi. Masaya siya dahil sa tinatagal tagal nilang mag-asawa ng kanyang pinakamamahal na asawa ay biniyayaan na sila ng Maykapal ng anak.

Nalaman nilang mag-asawa na babae ang anak nila nung magpakonsulta sila sa isang Doktor. Tuwang tuwa ang Ginang dahil gusto niyang magkaanak ng babae na aayusan niya lagi ng buhok kapag lumaki na. Gusto niyang laging may dadamitan na parang mga manika.

Pero hanggang ngayon na kabuwanan na niya ay di pa rin nila alam ng asawa niya ang ipapangalan sa kanilang magiging prinsesa,

Napalingon ang Ginang sa labas ng bintana ng kanyang silid at nakita niya na nagsisimula na na mag-snow. Napangiti siya dahil nagagandahan talaga siya sa snow kahit na ang kapalit nun ay ang napakalamig na panahon.

Niyaya niya ang asawa niya na mangibang bansa sa Canada at dun nalang maghanap sa trabaho dahil pinangarap ng Ginang na manirahan kung saan may snow at dahil mahal na mahal siya ng kanyang asawa niya ay sumang-ayon ito sa kanya.

Binabalak din nilang bumalik sa Pilipinas kapag nakapanganak na siya dahil mas gusto nilang mag-asawa na palakihin sa Pilipinas ang anak nila. Mas gusto nila ang mga ugali ng mga tao dun na pwedeng mamana ng anak nila kapag lumaki na siya.

"Sana maging kasing puti ng snow nag magiging anak ko." hiling ng Ginang habang nakatingin pa rin sa labas ng binatana niya.

Inalis na ng Ginang ang kanyang mga mata sa may binatana at pinagpatuloy ang pagbuburda.

"Aray!" daing ng Ginang at nakita niya na ang kanyang hintutro na may dugong lumalabas buhat sa natusok ng karayom na ginagamit niyang pamburda.

Hindi alam ng ginang kung bakit tinitingnan niya lang yung dugong lumalabas sa may daliri niya. Nagandahan siya sa kulay sa kulay ng dugo habang tinitingnan niya yun.

"Sana maging kasing kulay ng dugo ang mga labi ng magiging prinsesa namin ng pinakamamahal kung asawa." nakaniti pang-anas ng Ginang.

Dahang-dahang bumukas ang pinto ng silid nila at bumungad ang kanyang asawa na nilalamig.

Nakita ng asawa niya ang dumudugong daliri niya at nagmamadali itong lumapit at hinawakan ang kamay ng Ginang at dinala sa kanyang bibig para sipsipin ang dugo.

"Mag-iingat ka asawa ko sa susunod." sabi niya at binitawan na ang kamay ng asawa.

"Alam ko na, Asawa ko, ang ipapangalan natin sa anak natin, Mahal ko." nakangiting sabi ng Ginang sa asawa niya na nag-aalala pa rin.

Umupo sa may tapat niya ang asawa niya at itinukod ang isang tuhod sa sahig para halos magkasing-taas lang sila ng Ginang na nakaupo sa upuan. Inalis sa kamay ng Ginang ang lampin na hawak hawak at inilagay sa kama.

"Ano yun, Asawa ko?" nakangiting tanong ng asawa niya sa kanya.

"Snow. Snow ang ipapangalan natin sa kanya." nakangiting sabi ng Ginang at tumingin siya sa may bintana na may naglalaglagang snow.

"Maganda ang naisip mo, Asawa ko. Sige Asawa ko, kapag naipanganak mo na ang anak natin ay ipapangalan natin sa kanya ay Snow." sang-ayon ng asawa niya at hinalikan niya sa kamay ang pinakamamahal niyang asawa.

---------

"AAhhh!!" sigaw ng Ginang. Sobra ng nahihinarapan ang Ginang sa panganganak niya.

"Push a liitlle more." sabi nung English na kaibigan nung Ginang na komadrona sa isang kilalang hospital. Hindi na kinaya ng Ginang na magpunta sa Hospital para manganak kaya sa bahay nalang siya pinapaanak.

"Hindi ko na kaya!" hirap na hirap na sigaw ng Ginang.

"Push a little more, I almost see the head of the baby." sabi ng kumadrona na busy sa pag-aasikaso sa Ginang.

"Konti nalang Asawa ko. Kaya mo yan," sabi nung asawa ng Ginang habang hawak hawak ng mahigpit ang kamay ng asawa niya.

"Aaahhh!!" hirap na hirap na ang Ginang. Gusto niyang sabihin sa baby niya na lumabas na aat baka hindi na niya kayanin. Nawawalan na ng lakas ang Ginang sa sobrang hirap ng dinaranas niya.

"Malapit na asawa ko. Wag kang susuko para sa prinsesa natin," sabi ng asawa niya at hindi niya binibitawan ang Ginang.

"Hindi ko na kaya asawa ko. Parang hindi ko na makakaya," naiiyak na halos pabulong na sabi ng Ginang. Pawis na pawis na siya kahit na sa labas ay sobrang lamig ng dahil sa pag-ulan ng Snow.

"One more try honey. She's coming," sabi nung Komadrona.

"Ahhh!!" umiri sa abot ng makakaya ang Ginang na nakapagpawala sa kanya ng malay.

"Don't sleep!" utos ng Komadrona pero hindi na kaya ng Ginang dahil sa sobrang pagod at skait na nararamdaman.

"Uwahh!! uwahhh!! uwahh!!" natuun ang atensyon nila sa Baby na umiiyak na nakalabas na sa sinapupunan ng kanyang Ina..

"Oh! congratulation," sabi nung Komadrona habang hawak hawak ang baby. "She's beautiful."

"Gising asawa ko. Wag kang matutulog. Tingnan mo ang anak natin ang ganda ganda niya," tarantang sabi nung asawa niya sa Ginang pero hindi na nagising sa Ginang.

"Asawa ko!!" sigaw ng may halong paghihinagpis nang asawa ng Ginang habang yakap yakap siya. "Gising Asawa ko! Wag mo kaming iiwan ng anak mo. Gising Asawa ko." umiiyak na daing ng asawa ng Ginang pero hindi na gumalaw ng Ginang kahit anong sabihin ng asawa niya.

------------------

mensahe ni michiimichie

ang isang madugong pagsusulat.. haha!!! yung moment na gumamit pa ako ng google trsnslator para sa ibang words diyan. haha! pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko paghahanap ng mga imaginary chracter......

 ako ay nagpapasalamat ng taos puso sa gumawa ng pabalat ng aklat, dedicated for you my dear!

Si Snow at Ang Pitong BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon