Kabanata Tatlo

531 22 1
                                    

Nagpapahinga si Snow sa kanyang silid ng may biglang pumasok ng walang kaabog-abog.

"Pinagbabawalan kitang lumabas ng silid bukas. May mga bisita akong darating sa mansyon at ayokong makita ka ng mga tao. Ang pangit mo at ayokong matakot sayo ang mga bata na kasama ng mga bisita ko." nakataas ang kilay na sabi ni Myrna kay Snow.

Magsasalita sana si Snow kaya lang ay biglang tumalikod si Myrna at naglakad na palabas ng silid. Sa paglabas ni Myrna ay siya namang pagpasok ng kanyang tagapag-alaga na si Maria

"Binibini, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong neto dahil nakatulala lang si Snow na nakatingin sa may pintuang nakasarado.

"Binibini?" tawag ulit neto.

Kumurap muna ng ilang beses si Snow at humarap sa napakalaking salamin sa silid niya. Tiningnan niya ang kanyang mukha. Ang balat at ang buhok niya. Wala naman siyang nakikitang pangit sa kahit saang parte ng katawan niya.

Humarap si Snow ka kanyang tagapag-alaga at nagtanong, "may pangit ba sa'kin?"

Napangiti si Maria, "Maayos naman po kayo Binibini. Maganda pa rin kayo katulad ng dati."

Napaupo si Snow sa kanyang kama.

"Bakit po, Binibini? Ano pong problema?" nag-aalalang tanong ni Maria.

Umiling nalang si Snow.

"Gusto niyo po bang magpunta ng hardin ngayon?"

Umiling nalang ulit si Snow at humiga sa kama niya. Lahat nalang nagbago. Wala na ang kanyang Ama at ang pumalit ay akala niya na mabait na Ina pero nagkamalli pala siya, sila ng Ama niya. Nagtataka siya kung bakit lahat nalang ng mga nangyayari sa buhay niya ay hindi maganda.

Napahikbi na siya.

"Binibini, umiiyak po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Maria.

"Namimiss ko lang ang Ama ko. Hindi ako sanay na wala siya tapos malalaman ko nalang na wala na pala siya. Hindi manlang ako nakapag-paalam ng maayos sa kanya. Gusto ko siyang hanapin. Gusto kong masigurado kung buhay pa ba o patay na ang Ama ko pero wala akong magawa." wala ng ibang mapagsabihan ng sama ng loob si Snow kung hindi ang kanyang mga tagapag-alaga lang. Pakiramdam niya nag-iisa lang siya sa buhay niya.

Lumapit sa kanya si Maria.

"Naniniwala rin po ako, BInibini na hindi pa patay ang Ama niya."

"Sana nga."

-------------

Nakita ni Snow sa labas ng bintana niya ang maraming taong nagpaparoot-parito sa loob ng hardin at bahay nila. Gusto niyang bumaba para sabihin na wag dun sa ibang part ng hardin dahil inaalagaan niya ng maayos ang bawat halaman dun ang kaso ay hindi maari dahil baka magalit sa kanya ang kanyang Madrasta.

Humiga nalang ulit si Snow sa kanyang higaan. Wala siyang ibang magawa sa kanyang silid, lagi na lang siyang nasa loob ng silid. Hindi siya makalabas dahil pinagbabawalan siya. Para na siyang isang bilanggo.

May narinig na kumakatok si Snow kaya napabalikwas siya ng bangon at nagmamadaling binuksan iyon. Nakita niya ang isang napagandang bata ang kaso umiiyak ang ito.

"Mama!" sabi nung bata habang umiiyak.

"Ano yun munting anghel? Nawawala ka ba? Nasaan ang magulang mo?"

"Mama!" patuloy lang sa pag-iyak ang bata at niyakap siya.

Nagulat si Snow pero hinayaan niya lang ang bata na yumakap sa kanya.

"Wag ka ng mag-alala munting Anghel, hahanapin natin ang Ina mo." sabi niya habang hinahagod-hagod niya ang likod ng bata para kumalma.

Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang bata. "talaga?"

Si Snow at Ang Pitong BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon