Matapos ang pananghalian ay iniintay na ni Snow ang mangangaso na nagyaya sa kanyang mamitas ng bulaklak sa gitna ng kagubutan. Nasasabik na siya dahil makakalabas siya ng mansyon at makakakita siya ng ibang bulaklak. Magpapaalam sana muna si Snow kay Myrna kaya lang ay natutulog daw ito sabi ng isang kasambahay nila.
"Binibining Snow, tara na po para hindi tayo gabihin." sabi ng mangangaso.
"Sige po."
Sumusunod lang si Snow sa mangangaso. Hindi nya kabisado ang daan kaya hindi nya inaalis ang pagkakatingin sa mangangaso. Napapagod na si Snow dahil may kalayuan na ang nilalakad nila pero hindi nya yun ininda. Ang iniisip nalang nya ay ang mga bulaklak na makikita nya mamaya. Pinakapaborito niya sa lahat ng bagay kaya kahit sumakit pa ang paa nya dahil sa layo ng pupuntahan ay ayos lang sa kanya.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay tumigil na rin sila sa paglalakad. Lumingon sa kanya ang mangangaso at ngumiti, "Binibini, nandito na po tayo."
Napatayo ng tuwid si Snow at tiningnan ang paligid, "Ang ganda!" bulaslas nya. Nasa mataas sila ng bahagi ng bundok at nakikita nya ang mansyon nila. Parang ang ilit lang nun kapag titingnan sa kinatatayuan ni Snow.
Namangha din si Snow sa mga bulaklak na nagkalat sa pwesto nila. Iba't-iba ang kulay at uri ng bawat bulaklak.
"Ang ganda naman po dito." komento ni Snow at nagsimula na siyang mamitas ng bulaklak.
Masaya talaga si Snow kapag nakakakita siya ng mga bulaklak. Nakakalimutan nya ang kanyang mga suliranin dahil sa taglay na bango at kagandahan ng mga bulaklak.
Ang mangangaso naman ay hindi malaman ang gagawin. Kung susundin nya ba ang pinag-uutos ni Myrna o hindi.
"Ang ganda ganda niyo talaga." sabi ni Snow sa mga bulaklak. Nagulat na lang si Snow ng makita nya ang anino ng isang tao sa likuran nya habang nakataas ang may hawak nang isang matilos na bagay na kuminang pa dahil sa sikat ng araw.
Lumingon si Snow sa kanyang likuran at lalo pa siyang nagulat ng makita nya ang mangangaso pala ang nasa likuran nya. Nakaamang sa kanya ang patalim sa hawak hawak na to. Napaatras si Snow.
"Huwag po! Huwag po!" nagmamakaawang sabi ni Snow sa mangangaso. "Nagmamakaawa po ako sa inyo! Wag nyo po akong papatayin!"
Nang makita ng mangangaso ang itsura ni Snow ay lumamlam ang pagkakatingin nya kay Snow. Nabitawan nya ang kanyang patalim at naluhod sa harapan ni Snow.
"Takbo ka, Binibini. Tumakbo ka hanggang sa makakaya mo. Wag ka ng babalik dito kahit sa mansyon. Kapag nalaman ni Madam na hindi ko nagawa ang ipinag-uutos nya ay baka matuluyan ka na niyang ipapatay sa ibang tao. Humihingi ako ng dispensa. Papalabasin ko na lang na pinatay kita basta wag ka ng babalik dito." punong-puno ng paghihignagpis ang bawat salitang namutawi sa bibig ng mangangaso. Alam nyang walang ibang pupuntahan ang Binibini pero wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang ilayo ang Binibini kay Myrna.
Tumakbo na si Snow ng napakabilis. Nandung nadapa siya, nasugatan ang paa nya pero hindi nya yun ininda. Ang nasa isip nya ay makalayo sa lugar na yun, sa lugar na dati ay tahanan nya. Sa lugar na dati ay puno ng tawanan at halakhakan.
Habang tumatakbo si Snow ay masaganang pumapatak ang mga luha nya galing sa mata nya. Nanlalabo na ang paningin nya ng dahil sa luha pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo. Madilim na ang paligid kaya may mga pagkakataong natitisod si Snow sa mga nakausling ugat. Hindi na nya mabilang kung ilang beses siyang nadama at tumayo hanggang sa tuluyan na siyang mapagod at hindi na nya nakayanang tumayo.
Umiyak na lang si Snow sa sobrang sama ng nangyayari sa buhay nya. Ang una ay nawala ang Ama nya at eto naman ngayon, pinagtangkaan siyang patayin ng kanyang tinuturing na pangalawang Ina.
BINABASA MO ANG
Si Snow at Ang Pitong Binibini
FanfictionSnow... Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay napadpad siya sa isang lugar kung saan ay wala siyan kakilala o kahit na kamag-anak. Mabuti na lang at may tumulong sa kanyang pitong Binibini. Pero kaibigan nga ba ang Pitong Binibini katulad ng Pito...