Hindi pa tuluyang nauunawan ni Snow ang mga nangyayari pero nagkanya kanya na anim na Binibining umalis sa harapan niya. Ang naiwan lang ay si Ella. Pumunta ang iba sa taas gamit ang hagdan na paikot. Hinila naman siya ni Ella sa may banyo.
"Take a bath para mapreskohan ka," nakangiti ni Ella na sabi. "You can use everything."
Ngumiti si Snow kay Ella at hinawakan si Ella sa dalawang kamay.
"Salamat," maiyak iyak ni Snow na sabi.
"Tss! Don't cry, baka makita tayo ni Eve. Ayaw nun na nakakakita ng umiiyak." pagbibiro ni Ella.
Pinunasan naman agad ni Snow ang luha na tumulo sa kanyang magkabilang pisngi at ngumiti.
"Ligo ka na. You can use the bath tub. Basta, ikaw na bahala."
Pumasok na si Snow sa banyo. Parang maliit lang kung titingnan sa labas ang banyo pero sobrang lawak neto kapag nakapasok na sa loob.
Natigilan si Snow ng maalala niya na hindi pa pala siya marunong magtanggal ng damit ng mag-isa. Nasanay si Snow na laging may umaalalay sa kanya kahit na sa simpleng gawain lang.
Lumabas ng banyo si Snow at nakita niya si Ella na nakatayo lang kung saan siya iniwan ni Snow kanina.
"Ella..." nahihiyang tawag ni Snow.
"Yes?" nakangiting netong tanong. Nakataas pa ang dalawang kilay at napakaaliwalas ng mukha.
"Hindi ko alam kung paano ko huhubarin ang kasuotan ko." nakatungong sabi ni Snow.
"What!?" napasigaw si Ella kaya napatingin si Snow kay Ella. Hindi sanay na sinisigawan si Snow kaya ganun.
"I'm sorry," hingi namang paumanhin ni Ella sa pagsigaw niya kay Snow.
"Ano yan?" tanong ni Georgia at lumapit sa kanila ito dahil narinig niya ang pagsigaw ni Ella. Hindi ang klase ni Ella ang sumisigaw ng walang dahilan maliban nalang kung nagulat o may kaaway.
"Ano..." hindi malaman ni Snow kung sasabihin nya o hindi pero wala naman siyang magagawa. "Hindi ako marunong magtanggal ng kasuotan ko. Nasanay ako na laging nakasunod at umaalalay sa akin ang tagapag alaga ko." nahihiya na talagang sagot ni Snow. Ngayon niya lang napagtanto na dapat ay wala ng tagapag-alaga na laging nakasunod kapag ganito na ang edad. Silang pitong Binibini ay namumuhay ng sila lang pito na walang taga-pag alaga. Kaya alam ni Snow na hindi normal ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang Ama.
"Hay! Come here," pinalapit ni Georgia si Snow sa kanya.
"Paumanhin kung nakakaabala na ako sa inyo," nakatungo na namang sabi ni Snow. Ngayon lang siya nanliit sa harapan ng ibang tao.
"Okay lang. Ginusto namin to eh. Matutunan mo na rin naman ang mga dapat mong matutunan kapag nagtagal ka na sa puder namin," sabi ni Georgia. Itinaas ni Georgia ang pantaas na damit ni Snow. "Itataas mo lang ng ganito itong blouse mo kung walang butones. And then, tanggalin mo lang yung pagkakahook ng palda mo," pinahawak ni Giorgia sa kanya ang parte ng palda na tinutukoy neto. "Tapos ibaba mo lang yung zipper."
Sinunod lang lahat niya ang sinabi ni Giorgia. Huhubarin na sana ni Snow ang palda niya ng pigilan siya ni Georgia.
"Huwag na huwag kang maghuhubad sa harapan namin. May mga inosenteng bata dito. Sa loob ka na maghubad. May lalagyan dun ng mga maruruming damit. Ilagay mo nalang dun. Wait pala." tumakbo si Georgia at tumigil sa may malaking bilog na butas sa ikalawang palapag.
"Mag hagis nga kayo ng bagong bath robe. Bilis." sigaw neto at may naghagis naman kaagad ng isang uri ng kasuotan na tinatawag na bath robe.
Napansin ni Snow na hindi pinagbabawal sa tahanang ito ang pagsigaw.
BINABASA MO ANG
Si Snow at Ang Pitong Binibini
FanfictionSnow... Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay napadpad siya sa isang lugar kung saan ay wala siyan kakilala o kahit na kamag-anak. Mabuti na lang at may tumulong sa kanyang pitong Binibini. Pero kaibigan nga ba ang Pitong Binibini katulad ng Pito...