Kabanata Lima

521 23 3
                                    

Nagising si Snow sa pagkakatulog niya sa likod ng truck dahil sa ingay ng mga sasakyan. Napapikit pa siyang muli ng masilaw ang kanyang mga mata sa sikat ng araw. Ang taas na ng araw at pawis na pawis na rin siya. Lumabas siya sa pagkakatago sa may gilid ng truck at tiningnan ang paligid. 

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Sobrang dami ng mga sasakyan at iba iba ang kulay ng bawat isa. Kahit saan siya tumingin ay puro sasakyan ang nakikita niya. 

"Nasaan na ako?" bulong niya. Ngayon lang siya nakarating sa ganitong lugar. 

Napatingin siya sa langit at imbes na bughaw na kalangitan ang mapansin niya ay isang bagay na napakalaki na hugis kwadrado at larawan ng isang tao na nakapaloob sa kwardrado. Puro ganun ang nakikita niya sa buong paligid, yung iba ay pagkain ang nakalarawan o kaya ay mga kasangkapan sa bahay. 

"Saan na bang lupalop ako ng mundo napadpad?" naguguluhang tanong ni Snow sa sarili niya.

"Kailangan nang ma-idelever itong mga prutas na to ngayong araw at baka mabulok to kapag pinagpabukas pa. Inaantay na rin to sa Maynila." 

Naalala niya ang sinabi ng Ginoo sa nagmamaneho ng sasakyan na to.

"Maynila?" napaisip si siya, "nasa Maynila na ako?" 

Nakaramdam siya ng pagkasabik ng maalala niya na nasa Maynila siya. Sa kumpyuter ko lang nakikita ang Maynila pero dahil hindi ako sanay na nakaharap sa ganung aparato ay hindi ko na lang pinapansin. Wala ding koneksyon ng internet sa Hacienda nila dahil napakalayo na noon sa kabihasnan.

*peep-peep* 

Nagulat pa si Snow sa pagbusina ng isang sasakyan kaya napatago siya sa sulok. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. 

"Nakakagulat naman dito sa Maynila," sabi niya habang hawak hawak ang kanyang dibdib. Malakas pa rin ang tibok ng puso niya sa pagkagulat. 

Habang daan ay tinitingnan niya ang mga gusali. Ang tataas ng mga iyon at labas-masok ang tao sa bawat gusali habang may nagbabantay na lalaking nakaputing damit at nakatayo lang sa may bandang pasukan. Iba-iba ang disenyo ng bawat gusali. Iba-iba rin ang taas ng bawat isa. May mga bago at may mga medyo kalumaan na. 

Sa mga tao naman siya tumingin. Pinag-aralan niya ang bawat kilos ng bawat tao. Napatuun ang pansin niya sa paraan ng pananamit nila. Hindi niya alam ang tawag sa suot ng isang Binibini. Kita ang hita ng babae pero hindi naman palda ang suot nya. May mga nakapalda na sobrang ikli. 

Napatingin siya sa kasuotan niya. Ang suot niya sa pambaba ay isang mahabang palda na kulay dalandan na hanggang talampakan. Hindi niya pa nararanasang magsuot ng ganung kasuotang katulad sa nakita niya sa dinadaanan nila at hindi niya ata makakaya iyong isuot sa sobrang ikli. 

Ang kasuotan naman sa pantaas ang tiningnan niya. At nagtaka siya dahil ang iba ay kita na ang dibdib. Ang iba naman ay kita ang likod, pusod. 

May iba naman na nakabestida pero ibang-ibang talaga sa mga kasuotan nila sa kasuotan ni Snow.

"Bakit parang naiiba ako kapag nakihanay ako sa kanila?" naguguluhan niyang bulong sa sarili niya.

-----------

Dumidilim na ang kalangitan ng tumigil ang sasakyan. Dahan-dahang bumaba si Snow para hindi siya mapansin ng Manong na nagpapaandar ng sasakyan. Napasama pa ang bagsak niya sa semento dahil parang namilipit ang ilang ugat niya sa paa. 

"Aw," inda niya habang paika-ika siyang naglakad papalayo sa sasakyan. 

Parang katulad lang sa kagubatan ang nangyayari sa kanya ngayon. Naglalakad siya ng walang patutunguhan. Ang pinagkaiba lang ay hindi na mga puno ang nasa paligid ni Snow kung hindi mga gusali na nagsisimula ng magsindi ng kani-kanilang ilaw. Ang mga damuhan na inaapakan niya ay naging patag. Wala na siyang mga hayop na nakikita kung hindi mga tao na paroot-parito. 

Si Snow at Ang Pitong BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon