Kabanata Labing-Apat

321 11 0
                                    

Ipinagwalang bahala na lang ni Snow ang kanyang nararamdaman. Inisip niya na kinabahan lang siya sa hindi niya malamang dahilan. Kapag nagtagal ang mabilis pagtibok ng puso niya ay saka lang siya pupunta sa doktora para ipatingin kung may sakit ba siya. 

Huminga muna ng malalim si Snow. 

"Let's go?" wika ni Stephen. 

Tumango lang si Snow at sumunod kay Stephen. Nang nasa bukana na sila ng restaurant ay hinawakan na naman siya sa kamay ni Stephen. Nakaagaw sila ng pansin dahil sa pahawak sa kanya ni Stephen at dahil na rin sa taglay niyang kagandahan. 

Ngumiti lang si Snow kahit nakakaramdam na siya ng pagkailang. Gusto niyang hilahin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Stephen pero alam niyang kabastusan iyon kung gagawin niya. Hindi naman niya gustong mapahiya sa harap ng maraming tao ang kanyang Amo. 

Inihatid siya ni Stephen kung saan naroroon ang piano. 

"Salamat," nakangiting sabi ni Snow sa Binata. 

Ngumiti lang ang binata na dahilan para makaramdam na naman ng kakaiba sa may bandang dibdib niya. 

Napahawak siya d'on at napatingin na lang sa likod ng binata na papalayo sa kanya. 

Ilang beses huminga ng malalim si Snow para pakalmahin ang kung ano man ang hindi pangkaraniwang nararamdaman niya. Umupo na siya at nagsimulang tumugtog sa piano. Habang tumutugtog siya ng isang napakatamis na awitin ay bigla na lang lumabas sa kanyang balintataw ang nakangiting mukha ni Stephen. Hindi niya alam kung bakit naiisip niya si Stephen pero nakakaramdam siya ng kaba pero masayang pakiramdam. Naguguluhan siya pero wala siyang makuhang kasagutan kung ano ba ang nararamdaman niyang iyon. 

Habang abala sa pagtipa sa piano si Snow ay hindi niya napansin ang isang tao na nakatayo sa may bandang gilid ng restaurant. Halos mabasag na ang basong hawak hawak nito dahil sa mahigpit na pagkakahawak. 

"Snow..." nanggigil na tawag nito sa pangalan ng butihing Binibini. 

Si Stephen naman ay nakatayo sa hindi kalayuan sa Binibini. Humahanga ang Binata sa Binibini dahil hindi lang ito maganda kung hindi dahil ang galing niyang magpiano. Unang pagkikita pa lang nilang dalawa ay nakaramdam na ng paghanga ang Binata sa Dalaga. 

-- 

Nakakailang pyesa na rin si Snow kaya tumigil muna siya sa pagtugtog. Naglakad siya papasok kung saan ay pwedeng magpahinga ang kapwa niya empleyado. Umupo siya at pinikit ang mga mata. Nakakaramdam na rin ng antok ang Binibini dahil malalim na rin ang gabi. 

Hindi na niya napansin si Stephen na lumapit sa kanya. Tinitigan siya ng Binata at hinawakan ang mamula mulang pisngi niya. 

"Snow..." tawag ng Binata sa pangalan nito. 

Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ng Binibining natutulog. Malapit ng maglapat ang mga labi nila ng matigilan ang Binata. Tinitigan niya sa malapitan ang mukha ng Binibini. 

Ngumiti si Stephen dahil sa kagandahan na nasa harapan niya. Binigyan niya ng halik sa noo ang dalaga at nakangiting lumabas ng kwarto. 

Naalimpungatan si Snow at napahawak siya sa noo niya. Naguguluhan siya dahil parang totoo ang napanaginipan niya.Ngumiti na lang si Snow at bumalik na sa loob ng restaurant. 

Habang naglalakad ay hindi siya tumitingin sa harapan niya dahil napukaw ang atensyon niya kay Stephen na masayang nakikipag-usap sa ibang babae. Napako ang paningin niya dun. Gusto man niyang tanggalin ang pagkakatingin kay Stephen pero hindi niya magawa. Parang namagnet ang kanyang mga paningin kay Stephen. 

Napaiwas siya ng tingin ng mapatingin sa kanya si Stephen at sobrang nagulat ang Dalaga ng may makita siyang Binibini na naglalakad sa kung saan siya dumadaan. Iiwas sana si Snow pero huli na ang lahat dahil nabunggo na siya. Napaupo siya sa sahig at natapon sa damit niya ang hawak hawak na iniinom ng Binibini. 

Nabasag ang baso. 

"Gosh! What was that! Look at your way, Bitch!" sigaw ng Binibining nakabunggo kay Snow. 

"Pawatad," mahinang sabi ni Snow. Pinagtitinginan na sila ng ibang tao. 

"Tatanga tanga kasi," bulong pa ng Binibining nakabunggo kay Snow, "tabi!" sigaw nito at parang basurang dinaanan lang si Snow. 

Nakaramdam ng pagkaawa sa sarili niya si Snow. Ito ang pangalawang pagkakataon na itinuring siyang parang basura. Maluha luhang tumayo si Snow at napatingin sa kanyang dress na natapunan ng inumin. 

"Are you okay, Snow?" 

Napatingin si Snow sa humawak sa kanya sa braso. Ngumiti siya at pinahid ang luhang sumungaw sa mata niya, "patawad. Nakagulo pa ako sa event na ito. Nadumihan ko pa ang ibinigay mong dress sa akin. Patawad, Sir. Patawad." 

"Are you okay, I said," pag-uulit na tanong ng Binata dahil nag-aalala siya dito. 

Tumango na lang si Snow bilang tugon. Kahit sobrang natapakan ang pagkatao ng Binibini kanina. 

"Come here," hinawakan ni Stephen ang kamay ni Snow at hinila. 

Napasunod naman si Snow, "aw," mahinang daing ni Snow ng may maramdaman siyang kirot sa may bandang binti niya. 

Napatigil sa paglalakad si Stephen ng marinig niya ang daing ng binibini. Tumingin siya kay Snow, "Why? Anong masakit." 

Iiling sana si Snow pero nakita na ni Stephen na may tumutulong dugo sa may parte ng binti ng dalaga. Umupo si Stephen at tiningnan. Kinuha ni Stephen ang panyo sa kanyang pantalon at ito ang ginawang pampahid sa may tumutulong dugo. Hindi naman kalakihan ang nahiwa ng basag na baso. 

"Yan ba ang okay? Nabubug ka na and yet hindi mo man lang sinabi sa akin," pagalit na sigaw nito kay Snow. 

Tumulo naman ang luha ni Snow dahil sa pagsigaw ng Binata. Hindi niya nakalakihang sigawan ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya madali siyang mapaluha. 

"Patawad," bulong ni Snow at pilit pinipigilang tumulo ang luha niya, "patawad," paulit ulit na paghingi ng tawad si Snow. 

"Hindi naman ako galit pero sana nag-iinga--" hindi na naituloy ng binata ang sinasabi dahil may naramdaman siyang pumatak na likido sa braso niya. Tumingala siya at nakitang umiiyak ng tahimik si Snow. 

"Patawad," sabi pa ni Snow. 

Nag-aalala namang tumayo si Stephen at pinahid ang luhang ayaw tumigil sa pagpatak galing sa magagandang mata ni Snow. 

"Bakit? Sh¡T! Sorry, sorry," natatarantang sabi ni Stephen. Hindi niya malaman kung paano papatahanin sa pag-iyak ang dalaga kaya niyakap niya na lang ito at hinagod ang likod ng dalaga, "sorry. Hindi naman ako galit. Nag-aalala lang ako sa'yo. Sorry kung nasigawan kita. Sorry, Snow." 

Umiling iling si Snow para sabihing maayos siya, na wala namang dapat ihingi ng tawad sa kanya. 

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay inihatid ni Stephen si Snow. Tahimik ang dalawa habang nasa daan. 

Tumikhim si Stephen para mabasag ang katahimikan. 

Napatingin naman si Snow, "ayos ka lang po ba? Nauuhaw ka po ba?" magalang nitong tanong. 

Tumingin sandali ang Binata sa Binibini, "ikaw? Okay ka na ba?" 

Napangiti naman si Snow sa tanong ni Stephen. Tumango siya at nagsalita, "salamat. Napakabuti mo sa akin."

Si Snow at Ang Pitong BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon