Kinabahan na hindi mawari si Snow. Ang lakas ng tibok ng puso niya na animoy may nagtatambol. Napahawak siya sa may gilid ng palda niya na parang doon kumukuha ng lakas.
Nang mapansin iyon ni Georgia ay hinawakan nito ang kamay ni Snow at binigyan niya ng isang ngiti.
Pilit namang ngumiti si Snow, "salamat. Sana matanggap ako."
Kumindat naman si Georgia, "of course! Wala ka bang tiwala sa akin? Papasara ko 'tong restau kapag hindi ka tinanggap," pagbibiro nito.
Natawa naman ng mahina si Snow sa tinuran ni Georgia, "masama iyan. Baka lalo akong mawalan ng trabaho."
Natawa naman si Georgia dahil kahit papaano ay nakakasabay na sa biruan si Snow.
Sa tabi naman nila ay halos magkandahaba ang leeg ni Ella sa paghahanap kay Stephen. At lumapad ang pagkakangiti niya ng makitang papalapit sa kanila ang binata. Nagmamadali ni Ellang inayos ang kanyang buhok kahit hindi naman magulo.
"Georgia, do I look good?" natataranta nitong tanong.
Tinapik naman nito si Ella sa balikat, "kapag sinabi ko bang 'you look bad', maniniwala ka?"
Napanguso naman si Ella sa sagot ni Georgia.
"Maganda ka, Ella," nakangiting sabi ni Snow.
Napangiti naman si Ella, "buti ka pa, Snow, maayos kausap. Hindi katulad ng iba diyan," sabi nito at tumingin kay Georgia.
Nagkunwari namang walang narinig si Georgia.
"Hi beautiful ladies!" bati ni Stephen ng makalapit ito sa table ng tatlong Binibini.
Ngumiti lang si Snow bilang bati, umirap naman si Georgia, at umabot naman hanggang tainga ang pagkakangiti ni Ella.
"Hello, Kuya Stephen," bati ni Ella kasabay ng pag-ipit ng buhok sa tainga nito.
Natutuwa namang hinawakan ni Stephen ang ulo ni Ella at ginulo ang buhok, "todo lipstick ka na ngayon ah. Sinong crush mo?"
Sumimangot naman si Ella at pilit tinanggal ang kamay ni Stephen na nakapatong sa ulo niya, "alam mo naman eh."
Natawa naman si Stephen, "alam mo nama din, di ba?"
Napabuga ng hangin si Ella at tumingin sa kamay niyang nakapatong sa table, "... na nakakabatang kapatid lang? Oo."
"Hep!" putol ni Georgia sa usapan ng dalawa dahil alam niyang nagdadrama na si Ella at baka umiyak pa 'to maya maya, "kailangan pa bang interviewhin si Snow?"
Napatingin naman si Stephen kay Snow. Naiilang naman si Snow na ngumiti dito.
Ngumiti si Stephen, "no."
"No?" naguguluhang tanong ni Snow.
Nakataas naman ang kilay ni Georgia.
"You play your piece and let's see if you're in," sabi ni Stephen at tumayo na siya, "tara."
Tumayo naman si Snow at tumingin kila Georgia, nagpapasama siya.
Umiling si Georgia, "kaya mo 'yan."
Tatayo naman sana si Ella pero pinigilan siya ni Georgia. Nakasimangot nalang na umupo muli si Ella at tumingin kay Snow, "goodluck."
Walang nagawa si Snow kung hindi ang sumunod mag-isa kay Stephen. Pinuntahan nila ang piano na nasa may bandang gilid.
"Ito lang ang pagkakaabalahan mo. You have to take care of this piano 'cause this is the piano of my late Mom," turo ng binata sa piano at pumindot siya ng isang piyesa sa piano.
Tumango naman si Snow bilang tugon. Nakaramdam siya ng pagkasabik na mahawakan at makapagpatugtog gamit ang piano na nasa harapan niya.
"Can you play a piece of yours? I want the melody one para bumagay sa ambiance ng restaurant. And if I like it, you're hired," nakangiting sabi ni Stephen.
Sobrang natuwa naman sa tinuran ni Stephen si Snow kaya napayakap siya dito, na ikinabigla ni Stephen, kahit nila Georgia at Ella na nasa di kalayuan.
"Salamat. Kung alam mo lang napakalaking bagay na ang pagtanggap mo sa akin dito. Huwag po kayong mag-aalala dahil gagalingan ko ang pagtipa sa bawat pyesa," kumalas ng yakap si Snow at nakangiting tumingin kay Stephen, "salamat talaga ng marami."
Ang pagkabigla ni Stephen ay napalitan ng ngiti sa labi, "you're not yet hired. I need to hear, first, your piece."
Umupo naman si Snow sa harapan ng piano at nagsimulang pindutin ang mga pyesa. Sa bawat pagpindot niya sa piano ay naiisip niya ang kanyang Amang nawawala. At ngayon, nagkakaroon na siya ng pag-asang mahanap muli ito dahil magkakaroon na siya ng trabaho para kumita ng perang panggastos niya sa paghahanap dito. Sana lang ay nasa mabuti itong kalagayan.
Ang mga kumakain naman sa loob ng restaurant ay pawang napatigil sa pagkain, pag-uusap at naengganyong makinig sa pagtugtog ng piano ni Snow. Ang tinutogtog ni Snow ay nakakapagpalubag ng loob, masarap pakinggan sa tainga at mararamdaman ang bawat emosyon sa bawat pagtipa ng mga daliri ni Snow sa piano.
Nang matapos ang pagpipiano ni Snow ay tumingin siya kay Stephen na lubusang nagalak sa narinig niya.
"Snow, you're great. That was awesome. Are you really playing piano? I mean, you're professional?" natutuwang tanong ni Stephen.
Nakangiting umiling si Snow. Kahit papaano naman ay tumatalon ang puso niya sa saya sa tuwing may pumupuri sa kanyang magagandang katangian, "Thank you."
"Walang anuman. So, from now on, I am the boss and you are my employee," inilahad ni Stephen ang kamay niya. Tumayo muna si Snow bago tinanggap ang nakalahand na kamay ni Stephen, "Congratulation, Snow."
"Salamat ng marami. Huwag po kayong mag-aalala dahil gagawin ko ng maayos ang trabaho ko. Lubusan po talaga akong nagpapasalamat dahil nakakilala ako ng kasing babait ninyong mga tao dito sa Manila." taos pusong pasasalamat ni Snow.
Hinawakan ni Stephen ang balikat ni Snow, "I do not know what to say. I feel like I'm that too good on you or maybe you just appreciate every little things that given to you."
BINABASA MO ANG
Si Snow at Ang Pitong Binibini
FanficSnow... Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay napadpad siya sa isang lugar kung saan ay wala siyan kakilala o kahit na kamag-anak. Mabuti na lang at may tumulong sa kanyang pitong Binibini. Pero kaibigan nga ba ang Pitong Binibini katulad ng Pito...