Sa malaking kabahayan na pag-aari nila Snow na malayo sa kabihasnan ay pabalik balik sa paglalakad sa loob ng silis ang pangalawang ina ni Snow na si Myrna. Nakita ng kanyang dalawang mga mata si Snow na buhay at masayang tumutugtog ng piano. Iniisip niya kung paano nangyari iyon gayong ipinakita sa kanya ng mangangaso ang puso ni Snow.
Natigilan si Myrna, “maliban na lang kung hindi puso ni Snow ang ipinakita sa akin ng mangangaso.”
Dahil sa nararamdamang pagkainis at galit ay napasigaw si Myrna. Naibato niya ang hawak hawak niyang basong babasagin. Nagkalat ang mga bubug sa parte ng silid kung saan niya iyon inihagis. Akala niya ay wala na ang nag-iisang taong kinamumuhian niya sa balat ng lupa. Ang pag-aakala niya ay wala na ang hahadlang sa kanya sa kanyang mga balak na angkinin ang mga kayamanan nila Snow.
Pero nakita niya, nakangiti at masayang tumutugtog ng piano si Snow. Kailangan niyang gumawa ng plano para mawala ng tuluyan si Snow sa mundong ibabaw. Kailangan niyang mabura ng tuluyan ang lahi nila Snow.
---
Kinabukasan ay iniutos niya sa mga katulong na ayusin ang mga gamit niyang dadalihin papunta sa Maynila. Hindi niya magagawa ang isang bagay kung malayo siya sa taong pinagbabalakan niya ng masama.
Napangiti na parang bruha si Myrna, “pakasaya ka muna diyan, Snow at sisiguraduhin kong hindi ka na masisilayan sa mundo ang iyong Ama, hindi na kayo magkikita kahit kailan.”
Nang maayos ng mga katulong ang mga gamit niya ay ipinadala niya agad iyon sa sasakyang dala dala niya.
Habang nasa biyahe ay abala siya sa pagkontak sa taong kanyang uutusan para gawin ang dapat gawin kay Snow. Kung sa pangalawang pagkakataon ay hindi siya mangyayari ang kanyang nais ay siya na mismo ang gagawa ng paraan, ang kanyang sariling mga kamay ang kikitil ng buhay ni Snow.
Napangiti si Myrna. Nasasabik na siyang mangyari ang gusto niyang mangyari. Hindi lang naman ang kayamanan ang gusto niya kaya nais niyang mamamatay si Snow, kung hindi dahil si Snow lang nag-iisang taong nagparamdam sa kanya na hindi siya maganda gayong ang napakarami na niyang operasyong pinagdaan para maging perpekto ang kanyang mukha at maging pinakamaganda.
---
“Snow…”
Napalingon si Snow sa tumawag sa kanya na si Ella. Malungkot ang mukha nito at namamaga ang mga mata. Nag-aalalang lumapit si Snow kay Ella.
“Anong nangyari? Umiyak ka ba? May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang tanong ni Snow. Hinawakan niya ang noo ni Ella at pinakiramdaman kung mataas pa ang temperature ni Ella.
“Wala akong sakit,” ngumiti ng malungkot si Snow, “ang masakit lang sa akin ay ito…” itinuro ni Ella ang dibdib niya.
“Anong nangyari?” natatarantang tanong ni Snow, “kailangan ba nating pumunta ng ospital para mapatingnan natin iyan?”
Umiling si Ella, “hindi mapapagaling ng isang dalubhasang doctor ang sakit na nararamdaman ko. Si Kuya Stephen lang ang makakapagpagaling nito,” sabi nito at may tumulong luha sa kaliwa niyang mata.
Pinunasan ni Snow ang luhang tumulo sa pisngi ni Ella, “tahan na, Ella. Mapapansin ka rin niya at masusuklian niya rin ang pagmamahal na inaalay mo sa kanya.”
“May gusto siya sa’yo, Snow. Nakita ko iyon noong umattend ako ng event sa restaurant. Kahit hindi niya aminin ay nakikita ko sa mga mata at kung paano ka niya itrato. He treats you more than an employee. He even bought you some dress to wear for that occasion kahit hindi naman kailangan. Nagseselos ako, Snow pero wala naman akong karapatan.”
Niyakap ni Snow si Ella, ”patawad. Wala akong magawa para gumaan ang pakiramdam mo. Patawad dahil ako pa ang naging dahilan para makaramdam ka ng kakaibang sakit sa dibdib. Kung may magagawa lang ako.”
“Meron kang magagawa,” bulong ni Ella at kumalas ng yakap kay Snow, “may magagawa ka, Snow,” pag-uulit pa niya at tiningnan ng seryoso si Snow.
Napataas naman ang kilay ni Snow, naghihintay ng sasabihin ni Ella.
“H’wag ka nang makikipagkita kay Kuya Stephen. H’wag ka nang pumasok bilang pianist sa restaurant niya,” boo ang loob na sabi ni Ella. Hindi na niya napigilang sabihin iyon kay Snow dahil desperado na siyang paghiwalayin ang dalawa. May posibilidad na magkagusto si Snow kay Stephen dahil sa paraan ng pagtrato ng Binata kay Snow.
Natigilan naman si Snow at naguguluhang napatingin kay Ella, “bakit?”
Napatungo naman si Ella, “hanggat nakikita ka ni Kuya Stephen ikaw lang lagi ang makikita niya at mapapansin.”
“Gusto ko mang gawin ang gusto mo pero hindi ko magagawa,” sabi ni Snow. Nalulungkot si Snow dahil wala siyang magawa.
“Bakit?”
“Kailangan kong magkaroon ng sapat na pera para mahanap ang Ama ko. Hindi ako makakalikom ng pera kung wala akong trabaho,” tapat na sagot ni Snow.
“Ihahanap kita ng ibang trabaho,” sabi pa ni Ella.
Umiling si Snow, “sa edad at sa estado ko sa buhay, mahihirapan akong maghanap ng trabaho dito sa Maynila. Patawad, Snow.”
“Sige na, Snow,” halos pagmamakaawang sabi ni Ella.
“Ella!”
Napatingin ang dalawang Binibini sa tumawag kay Ella. Natigilan silang dalawa sa pag-uusap.
Napatikom naman ang bibig ni Ella nang makita niya si Georgia.
“Let’s talk,” seryosong sabi ni Georgia.
Napakagat ng pang-ibabang labi si Ella at nakatungong lumapit kay Georgia. Naiwan namang naguguluhan si Snow.
----
Nakatungo si Ella habang magkatabi sila sa isang upuan ni Georgia. Hindi ngumingiti si Georgia kaya kinakabahan siya sa sasabihin nito.
“Ella.”
Napapitlag pa si Ella ng marinig niya ang pangalan niya.
“Ella, look at me,” utos ni Georgia.
“I’m sorry,” mahinang sabi ni Ella, ”I know I am too desperate na mapaghiwalay sila pero wala na akong ibang alam na gawin. Hindi ko naman kayang palayasin dito si Snow at ibalik sa pinanggalingan niya dahil alam kong nasa masama itong kalagayan ngayon pero Georgia..”
“Stop that lame excuses, Ella. H’wag kang ganyan. Inalagaan ka ba namin dito para maging selfish? Obviously, Snow didn’t do anything. Hindi niya inakit si Stephen kaya wala kang karapatang utusan siyang palayuin kay Stephen. Alam mo matagal na, na wala sayong gusto ang lalaking iyon pero umaasa ka pa rin. For ghad’s sake, Ella. Move on! He doesn’t want you dahil parang kapatid lang ang turing niya sa’yo.”
“Pero---“ napaiyak na si Ella dahil wala siyang maapuhap na sasabihin. Lahat ng sinabi ni Georgia ay pawang katotohanan.
Napapailing na lang si Georgia at niyakap si Ella, “Snow needs our help kaya sana don’t be like a spoiled brat. She needs money so badly dahil kailangan niyang mahanap ang Ama niyang nawala na lang bigla. Kailangan niya ng matitirahan dahil nanganganib ang buhay niya. Kailangan niya tayo, Ella kaya please, don’t be like that. Para ka nang hindi si Ella sa mga inaasal mo.”
“Sorry… sorry… sorry….” Paulit-ulit na paumanhin ni Snow. Alam naman niya eh. Pero nanaig ang selos na nararamdaman niya.
“H’wag kang magsorry sa akin. Kay Snow ka magsorry,” sabi ni Georgia at kumalas ng yakap. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi ni Ella, “sana ito na ang huling pagkakataon na kakausapin kita about this matter, Ella. Don’t disappoint me.”
Tumango lang si Ella bilang pagsang-ayon. Kahit sa loob loob niya ay ayaw niya.
Ngayong nasa buhay na nila Snow ay ang hirap nitong tanggalin dahil lahat ng tao ay nakatingin sa kanya, pawang inaalalayan si Snow. Samantalang siya, wala man lang nakakainti. Hindi ba nila alam na kahit si Ella ay kailangan din ng alalay dahil nasa stages siya ngayon na hindi malaman ang gagawin.
Nang dahil kay Snow, nawalan siya ng kakampi.
BINABASA MO ANG
Si Snow at Ang Pitong Binibini
FanfictionSnow... Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay napadpad siya sa isang lugar kung saan ay wala siyan kakilala o kahit na kamag-anak. Mabuti na lang at may tumulong sa kanyang pitong Binibini. Pero kaibigan nga ba ang Pitong Binibini katulad ng Pito...