Isang gabi ay walang nagbabantay kay Snow sa Hospital dahil ang natirang magbantay kay Snow na si Stephen at Nicole ay napagkasunduang bumili muna ng makakain sa labas ng Hospital. Hindi sila nasasarapang kumain sa mismong Hospital kaya ganoon.
"Okay lang ba na iwan natin siya? Baka magising siya," nag-aalalang tanong ni Stephen kay Nicole.
"Okay lang naman siguro. Nagugutom na kasi ako at ayoko talagang kumain dito. Please? Take out na lang tayo," nagmamakaawang sabi ni Nicole.
Napangiti naman si Stephen at ginulo ang buhok ng dalaga, "okay. Okay. Bilisan na natin para makabalik tayo agad."
Isang ngiti ang nagform sa mga labi ni Nicole, "thank you, Kuya."
Umalis na nga ang dalawa para bumili ng pagkain. Habang may isang babae ang pumasok sa loob ng Kwarto ni Snow. Tumayo siya sa may gilid ng kama at hinawakan ang mukha ni Snow, "bakit ang ganda mo pa rin kahit nalason ka na at lahat?" mahinang tanong ni Miriam.
Pinadaan niya ang palad niya sa buhok ni Snow, "and I hate for being this beautiful," nagngingitngit na sabi pa nito.
Itinaas niya ang syringe na hawak niya at tiningnan ng mabuti. Isang nakakatakot na ngiti ang umukit sa mga labi niya, "kung hindi umepekto sa'yo ang isang mansanas na may lason. Sisiguraduhin kong ngayon ay eepekto na sa'yo ito."
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Snow at binigyan niya ng halik sa noo ang anak-anakan, "goodbye, Snow. Sleeptight and never wake up," bulong pa nito pagkatapos halikan si Snow.
Tumayo na siya ng tuwid at hinawakan ang isang instrumento sa Hospital kung saan niya ituturok ang lason. Unti unti niya iyong inilapit at nang halos maiturok na siya ang hawak hawak na lason ay bumukas ang pinto ay iniluwa si Ella.
"What are you doing here?" sigaw ni Ella kay Miriam.
Natigilan si Miriam at humarap kay Ella, "I'm doing this for you, honey. I'm doing this for you."
"Doing this for me or doing this for your own good? Get out hangga't iginagalang pa kita. Get out bago pa ako tumawag ng Pulis. Naloko mo man ako dati with your sweet voice but now? I don't think so. I'll never allow you to hurt Snow," halos pasigaw na sabi ni Ella at lumapit siya dito. Hindi na niya hahayaang mapahamak si Snow. Poprotektahan niya ang kanyang kaibigan hanggang sa abot ng makakaya niya.
Umiling si Miriam, "not now, Honey. Hindi ko pa nagagawa ang ipinunta ko dito," nakangiting sabi nito at ipinagpatuloy ang kaninang gagawin niya sana.
Nanlalaki ang mga mata ni Ella ng makita niyang may kung anong ituturok si Miriam sa aparatus na nakatusok kay Snow. Nagmamadali niya itong pinigilan. Nag-agawan sila sa syringe hanggang sa tumilapon ito palayo sa kanilang dalawa.
"Sh¡T!" pabulong na pagmumura ni Miriam. Kailangan niya nang maituloy ang mga dapat niyang gawin ngayon dahil baka mawalan na siya ng pagkakataon.
Tumakbo naman si Ella kung saan tumilapon ang syringe at dinampot iyon, "kailangan mo 'to?" nakangising tanong ni Ella.
Nabigla naman si Miriam sa bilis ng pangyayari, "yes, darling. Please, give it to me. Please, Darling," nagmamakaawang sabi nito.
Umiling si Ella, "no," matigas na pagtanggi niya.
"Gusto mo na ba si Snow? Akala ko ba gusto mo na siyang mawala nang tuluyan? Chance na 'to! Ako na ang gagawa para sa'yo."
"Shut up!" sigaw ni Ella at tinakpan niya ang magkabila niyang tainga.
"Ayaw mo sa kanya, 'di ba? Inagaw niya ang pinakamamahal mo, 'di ba? Why helping? Why don't you kill her instead?"
"I said, shut up!" nakapikit na sigaw ni Snow at napaupo siya. Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito at baka makagawa na naman siya ng bagay na pagsisisihan niya.
Biglang bumukas ang pinto.
"Ella?" nagtatakang tanong ni Nicole nang makita niya si Ella'ng nakaupo sa sahig habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tainga.
Napatakip si Nicole ng bibig nang makita niya na may iba pa palang tao sa kwarto, "sino ka?"
Ngumiti naman si Miriam at lumapit kay Snow, "binibisita ko lang ang anak anakan ko. Magpapasalamat na sana ako nang maabutan ko ang babaeng iyan," itinuro ni Miriam si Ella, "na pinagtatangkaan ang walang kamalay malay na si Snow."
Napatingin naman si Nicole kay Ella at napansin niya ang hawak nitong syringe, "Ella?"
Nahihintakutang napatingin si Ella kay Nicole at maraming beses na umiling, "Hindi ako, Nicole. Hindi ako, Nicole. I was just... I was just..."
"What's happening?" tanong ni Stephen ng makapasok siya sa loob ng kwarto.
Tumayo si Ella at lumapit sa kanya, "she tried to kill Snow. Kuya, she's lying! She's the one who tried to kill Snow!"
“Yeah! She tried to kill Snow,” segunda ni Nicole. Napatingin naman si Ella kay Nicole na nagpapasalamat dahil pinaniwalaan siya ng kaibigan, “siya siguro ang tinutukoy ni Snow na stepmom niya. Siya iyong nagtangkang patayin si Snow kaya napapadpad si Snow dito sa Manila.”
Nabigla naman si Miriam dahil sa narinig, “no!” sigaw niya, “hindi ko magagawa iyon sa aking anak-anakan! Tinuring ko siyang tunay kong anak! All I want is for her own good!”
“Hindi kami naniniwala sa’yo!” sigaw ni Ella kay Miriam.
Hinawakan ni Stephen si Ella sa kamay at pinapapunta sa may likod niya, “I already called the police and any moment ay nandito na sila,” sabi ni Stephen habang inilalagay sa bulsa ang phone. Naging mabilis si Stephen kaya nakatawag siya agad ng mga pulis.
Nahintakutan naman si Miriam sa narinig at mabilis na naglakad papuntang pintuan. Ang kamalas-malas lang niya ay nasa may pintuan nakatayo sila Ella at Stephen kaya nahawakan nila si Miriam. Nagpumiglas si Miriam pero dahil mas malakas si Stephen kaya hindi siya makawala.
“Bitawan niyo ako!” sigaw ni Miriam.
“No!” matigas na sabi ni Ella, “kailangan mong pagbayaran ang lahat!”
Tumawa naman si Miriam, “pagbayaran? So dapat pagbayaran mo rin ang lahat ng ginawa mo. Sino ba ang nagpakain ng apple na may lason kay Snow? Ako ba? Hindi ba ikaw? Ikaw itong nagbigay kay Snow, hindi kita pinilit noon. Ikaw ang kusang nagbigay ng masanas na may lason kay Snow.”
Natigilan naman si Ella at nakaramdama siya ng takot, “hindi ko… hindi ko sinasadya.. Hindi ko alam na may lason ‘yon. Hindi ko alam ang ginagawa ko noon,” sabay na pagtanggi ni Ella.
Lalong tumawa ng malakas si Miriam, “making excuse, darling? Sinong maniniwala sa’yo? You hate Snow so much because of some guy, am I right?”
Naitakip ni Ella ang dalawang kamay sa makabila niyang tainga, “hindi! Hindi ko alam! Hindi ko sinasadya!” sigaw ni Ella at napa-upo siya sa sahig.
Dumating naman ang mga pulis at hinuli si Miriam, pero dahil kasama ang pangalan ni Ella sa nagtangka sa buhay ni Snow ay isinama din siya para kausapin. Iyak lang nang iyak si Ella dahil alam niya, sa sarili niya na may kasalanan din siya. Hindi niya lang matanggap na nagpadaig siya sa galit at selos na nararamdaman niya.
Ang hiling niya lang ay sana, kapag nagising si Snow ay mapatawad siya nito.
----
mensahe ni michiimichie
one more chapter! Ang viola! I'm done!
BINABASA MO ANG
Si Snow at Ang Pitong Binibini
FanfictionSnow... Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay napadpad siya sa isang lugar kung saan ay wala siyan kakilala o kahit na kamag-anak. Mabuti na lang at may tumulong sa kanyang pitong Binibini. Pero kaibigan nga ba ang Pitong Binibini katulad ng Pito...