Nang matapos silang kumain ay nagsiuwian na silang walong Binibini. Tahimik lang si Ella habang masama ang loob sa mga nangyari. Dapat siya itong napapansin ni Stephen hindi itong si Snow na kakakilala pa lang. Dapat siya itong nginingitian ni Stephen hindi si Snow.
Gusto niyang magalit kay Snow pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil alam naman niya na walang alam si Snow, na hindi nito nahahalata na iba ang pagkakatingin ni Stephen dito pero siya, pansin na pansin niya at nasasaktan siya.
Matagal na niyang tinatangi si Stephen pero ang turing lang nito sa kanya ay parang nakakabatang kapatid. Masakit iyon sa kanya pero nangangarap pa rin siyang mahihintay ni Stephen ang pagtanda niya at magugustuhan siya nito hindi bilang nakakabatang kapatid kung hindi ay bilang isang babae.
"Okay ka lang Ella?" tanong ni Hannah Eve ng mapansin niyang tahimik lang si Ella habang silang pitong Binibini, kasama si Snow, ay pawang nagkakasiyahan sa pagkukwentuhan.
Tumingin naman si Ella kay Hannah Eve at umiling.
"May sakit ka ba? Magpahinga ka na kaya muna," nag-aalalang sabi ni Hannah Eve at dinama ang noo ni Ella, "hindi ka naman mainit."
"Sakit sa puso yan. Broken hearted ang baby natin dahil hindi siya napansin ng kanyang pinakatatangi," sabi naman ni Lotilou.
Bigla namang tumayo si Ella dahil napipikon siya sa biro ni Lotilou. "Hindi naman nila alam ang sakit ng hindi mapansin ng matagal ng taong mahal nila kaya hindi nila alam ang nararamdaman ko," bulong nito at naglakad na siya papunta sa may hagdanan.
"Hayaan niyo na muna si Ella. Lilipas din yan," sabi ni Nicole Anne at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Ella.
"Snow, gusto mo daw magwork sabi ni Ella," tanong ni Georgia kay Snow.
Tumango naman si Snow, "oo, kung maari sana. Nahihiya na ako sa inyo dahil pinapakain niyo ako araw araw at binilhan niyo pa ako ng mga kasootan samantalang ay wala akong maitulong sa inyo."
"Marunong ka bang magpiano? Nangangailangan daw ng pianist sila Stephen," tanong ni Georgia.
Napatigil naman sa paghakbang si Ella ng marinig ang pangalan ng kanyang tinatangi.
"Marunong ako pero hindi ako gaanong magaling. Maari daw ba kahit hindi professional pianist?" tanong ni Snow.
Napatingin naman sa pagkagulat si Ella dahil sa pinapatunguhan ng usapan nila.
"Okay lang yun. So bukas, punta tayo sa restau at irerecommend kita kay Stephen. Payag ka?"
Napangiti naman si Snow. "Oo. Maraming salamat, Georgia. Salamat talaga."
Habang natutuwa si Snow sa sinabi ni Georgia ay nagngingitngit naman sa may hagdanan si Ella. Napapahigpit na ang pagkakahawak niya sa hawakang bakal ng hagdan ng hindi niya napapansin.
Tumatanggi ang kalooban niya na irecommend bilang pianist si Snow. Alam ni Ella na may posibilidad na mas maging malapit si Stephen kay Snow at baka mahulog ang binata dito kapag naging empleyado niya ito. At iyon ang pinakaayawan ni Ella. Ayaw niyang mahulog sa iba ang binata dahil para kay Ella ay para sa kanya lang ang binata at hindi kanino pa man.
Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi iyon matuloy.
---
Isang hapon ay maagang umuwi si Ella. Sinadya niyang umuwi ng maaga para makausap niya si Snow at makumbinsi na huwag ng pumayag kay Georgia na magtrabaho siya sa restaurant nila Stephen.
"Hi, Snow! I bought you some snacks," nagkukunwaring masayang bati niya kay Snow. Hindi pa rin siya masayang mas binigyan ng pansin ni Stephen si Snow kesa sa kanya.
Ngumiti naman si Snow kay Ella, "Hello, Ella! Kamusta ang araw mo?"
"Hindi masyadong okay," biglang lumungkot ang mukha ni Ella.
"Oh bakit? May nangyari bang hindi maganda sa'yo sa eskwelahan mo?" nag-aalalang tanong ni Snow.
Pabagsak na umupo si Ella sa sofa, "feeling ko kasi may aagaw sa mahal ko." sabi nito kasabay ng pagtingin kay Snow.
"Mahal mo?" tumabi si Snow kay Ella sa sofa.
"Oo, at ito namang mahal ko ay parang nagagandahan sa babaeng iyon," nakasimangot na tugon nito.
"Si Stephen ba ang tintukoy mo?" tanong ni Snow ng maalala niya kung paanong sumaya si Ella noong makita nito si Stephen.
Tumango si Ella, "sana hindi nalang namin siya isinama para hindi na siya nakita ni Kuya Stephen. Sana hindi nalang namin siya nakilala," mahina nitong sabi. Nakatungo ito.
Niyakap naman ni Snow si Ella at tinapik tapik ng mahina sa likod para pagaanin ang loob, "alam mo, sabi ng Ama ko, ang pag-ibig daw ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Maraming napagbabago ng pag-ibig, may mga bumabait at may nagiging masama ng dahil dito. Pero alam mong maganda sa pag-ibig? Napapasaya nito ang araw mo kahit wala pa namang ginagawa ang mahal mo. Nagiging maayos ang lahat basta kasama mo ang mahal mo," kumalas ng yakap si Snow at binigyan ng napakainosenteng ngiti si Ella, "gusto ko ring maranasan ang mga nararanasan mo ngayon. Ang magmahal. Gusto kong makaranas ng tinatawag na kilig, mga nagliliparang paru-paro sa tyan, katulad ng mga nababasa ko sa mga libro."
Lihim namang natitigilan si Ella. Napagtanto niya na ang sama niya para paringgan at isipan ng masama si Snow. Wala naman itong ginagawang masama. 'Napakainosente ni Snow," sa isip-isip ni Ella.
Hinawakan ni Ella si Snow sa kamay at binigyan ng totoong ngiti, "ang inaakala mong malaparaisong pag-ibig ay totoo pero marami kang hindi alam. Kung gaano kasarap magmahal, doble nito ang sakit lalo na at hindi matutumbasan ng lalaking mahal mo ang pag-ibig na inaalay mo."
Nagtaka naman si Snow, "Pu-pwede ba 'yon?"
Tumango ng malungkot si Ella, "oo."
"Parang ayoko ng makaranas magmahal kung hindi naman pala ako mamahalin ng taong mahal ko," sabi ni Snow at napahawak siya sa dibdib niya, "pero may parte sa akin na gustong maranasan ang masasayang pakiramdam ng dahil sa pag-ibig. Gusto kong maranasan ang naramdaman ni Ama kay Ina. Sayang lang at hindi ko iyon nakita," nakaramdam ng lungkot si Snow ng maalala ang Ama at Ina.
Napabuntong hininga naman si Ella, "sa panahon ngayon, hindi na ganun kadaling humanap ng hinahanap mo. Laging may defect. Minsan try ka ng try pero 'di mo pa rin nahahanap."
"Hola!" bungad ni Georgia at umupo sa pagitan nila Ella at Snow, "serious topic? Sali sana ako kaso may pupuntahan pa tayo, Snow. Kaya changes your clothes dahil maiinipin si Stephen."
Napatayo naman si Snow, "oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Sandali lang, Georgia ha?"
"Sure, sure. No worries," nakangiting sabi ni Georgia.
Nagmamadali namang umakyat sa ikalawang palapag si Snow para makapagpalit ng damit.
Tumingin si Georgia kay Ella na tahimik, "ano? Natauhan na ba ang baby ng barkada?"
"I'm sorry," hingi nitong paumanhin dahil sa pag-iisip ng masama kay Snow.
"She's too innocent, right? Just like you, kaya huwag masyadong kaseryoso dyan ha?" itinuro ni Georgia ang bandang puso ni Ella, "dahil bata pa 'yan at maraming maraming mararamdaman pa 'yan. Just feel the crushness that you felt for Stephen."
Tumango lang si Ella, "can I come with you? To the restau, I mean."
"Ahmn," nagkunwaring nag-iisip si Georgia, "sure."
"Yay!" biglang sumaya si Ella, "wait niyo ako wah? Kailangan ko lang magpaganda para kay Kuya Stephen," sabi nito at nagmamadali na ring umakyat sa hagdan.
Napapailing naman ang naiwan na si Georgia.
---
Mensahe ni michiimichie
Update daw e, hehe.
So,dedicated sayo. Enjoy!
BINABASA MO ANG
Si Snow at Ang Pitong Binibini
FanfictionSnow... Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay napadpad siya sa isang lugar kung saan ay wala siyan kakilala o kahit na kamag-anak. Mabuti na lang at may tumulong sa kanyang pitong Binibini. Pero kaibigan nga ba ang Pitong Binibini katulad ng Pito...