Chapter 5

3.1K 70 2
                                    

Let Go

Hindi ko alam kung ano ang e- re react ko. Masakit-oo pero ngumiti lang naman ako as if wala lang sa akin iyon.


"Sos, Joke lang naman iyon eh, 'to naman sineryoso agad" nakangiting wika ko sa kanya. Halos pasalamatan ko ang sarili ko dahil kahit papaano ay naitago ko ang sakit na nasa puso ko.


"Akala ko naman totoo na pero salamat ha? At hindi naman pala" sabi niya sa akin kaya napalunok ako. Shit ang sakit lang.


"Nako alam mo kasi may iba akong gusto kaya pinag practisan kita. Sorry ulit" nahihiyang sabi ko dahil ayaw kong mapahiya sa kanya. Nadinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.


"Ano ka ba naman okay lang 'no tsaka isa pa alam ko ang pinagdaanan mo. How he-" hindi ko na siya pinatapos pa dahil ayaw kong bumalik ang lahat ng sakit na naidulot sa akin ng aking nakaraan.


"Nako wag mo ng ibalik iyon" sabi ko pa kaya tumango na lamang siya pero alam ko, na gusto niya akong tanungin pero salamat na din dahil nirerespeto niya ako.


"Salamat pala sa pag- sama mo sa akin ngayon ha?" tumango na lamang ako at kumain pa. Habang kumakain kami ay hindi ko naiwaglit sa isipan ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ako kailan man magiging Miss Right para sa kanya pero bakit? Dahil ba ito kay Michael? May ginawa ba si Michael sa kanya o sadyang iyon lang ang iniisip niya o kaya ay talagang hindi kami bagay sa isa't- isa. Baka iniisip niya na langit siya sa sobrang kagwapuhan niya habang ako ay ito at nasa lupa, isang simpleng nilalang na nakatingala sa langit na kagaya niya?


"Stop over thinking things Alpha hindi tama ang mga iniisip mo" aniya na para bang nababasa niya kung ano ang nasa isip ko kaya tumango na lamang ako at ngumiti ng pilit.


"After this iuuwi na kita sa inyo"

"Sige okay lang kasi for sure hinahanap na din ako sa amin ngayon" tumango siya at nagpatuloy sa pagkain kaya iyon na din ang ginawa ko.

"Pero seryoso ako Zai... I really like you, pansinin mo man ako o hindi pagkatapos nito bahala na basta alam kong alam mo ang nararamdaman ko sapat na iyon" bulong ko na sana ay nadinig niya.

"Don't like me Alpha, I'm not worth it may ibang taong karapat dapat para sa iyo" umiling ako.

"Sino naman ang tinutukoy mo? Si Michael? He already did but he just gave me pain in return na parang ipinapakita niya na his not worth it" nailing pa na saad ko. Alam ko naman kung bakit niya ito sinasabi. Zai and Michael are in the same basketball team. Michael is the captain and Zai is in the second at hindi naman ako tanga para hindi isiping minsan na silang nag- usap.

"He loves you Alpha more than you think. Pero takot siya-" I cutted him off.

"Takot saan? Takot na maulit ang nangyari? Langhiya naman pala siya eh. He was the one who did it and not me Zai at alam kong alam mo ang nangyari pero please lang Zai. I tell you that I like you but that doesn't mean na may karapatan ka ng saktan ako at ipagtabuyan. I didn't ask for more ang akin lang pinapakinggan mo ako... na alam mo ang nararamdaman ko" tumayo na ako at tinignan siya.

"Huli na 'to Zai sana maitatako mo siyan sa isip mo. I like you-not just like but I guess I already love you. I will chase you hanggat sa mapagod ako. Hayaan mo ako Zai dahil hindi ako humihingi ng kahit na anong kapalit just let me then I will let you go..." Naglakad na ako papasok ng villa at kinuha ang mga gamit ko. Nagbihis na din ako, ng lumabas ako ay nakita ko si Zai na na andoon pa din sa kinalalagyan niya. Na andoon pa din kung saan ko siya iniwan. Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit sa kanya. I hugged him and kissed him in his cheeks.

"Alis na ako Zai, pero ito ang tandaan mo, hindi pa ito ang pagpapaalam ko. Hayaan mo akong magpakatanga dahil alam ko naman na mahahanap ko ulit ang sarili ko." Ng maglakad na ako paalis ay bigla na lamang niya akong hinawakan sa kamay.

"Hatid na-" Hindi ko na siya hinayaan pang mag salita. Kinuha ko ang braso ko na hawak niya.

"No... Ayaw ko dahil hindi ko pa kaya sa ngayon" and with that ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Palayo sa taong hinabol- habol ko. Pero alam ko naman na kahit na tumakbo ako palayo sa kanya ay babalik at babalik pa din ako. Para kasi siyang magnet, kahit anong pilit mong lumayo babalik at babalik ka pa din kung saan ka nararapat.

"Manong sa Vista Grande po" alam kong malayo pa ang bahay namin. Kaya ninamnam ko ang bawat oras na nagdaan sa kakaiyak dahil alam ko na sa pag- uuwi ko tatanungin ako ng papa ko at ng mama ko kung bakit wala ako sa school. Alam kong sa mga oras na ito ay tinanong na nila ang pinsan kong si Gail.

Iyak lang ako ng iyak at sakto pang bumuhos ang ulan sa labas na tila nakikisimpatya sa nararamdaman ko. I want to let it go pero hindi ko kaya dahil hindi pa ako nagsisimula. Wala pa ako sa climax eh nasa rising palang ako at kapag itigil ko ito parang nawala lang lahat. Ayon nga sa isang kanta 'SIYA' nalang ang kulang para mabuo ko ang love story ko. Dahil na din sa traffic ay matagal akong nakaabot sa amin kaya binaling ko ang pansin ko sa labas ng bintana at doon nakita ko si Michael. Ang lalaking dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kasama ang isang babae. Napabuntong hininga na lamang ako. Alam ko naman na wala na talagang pag- asa na maging kami ulit kaya hindi ko na siya hinayaan na makalapit sa akin. I already let him go at sapat na iyon. Na hanggang doon na lamang kami at wala ng iba pa.

I already let him go. And that started when he prove to me that his not worth it. Letting go doesn't mean giving up, sometimes its mean that I am tired of doing the fight when I know that you're not worth it.


Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon