Chasing 9

2.7K 58 0
                                    


Rain Monteverde
Sa ilang araw na nagdaan masaya kaming dalawa, mas lalong naging masaya ng malaman kong ditto na siya sa Pinas mag- aaral at ako naman ay nakapili na ng paaralan na siyang inaprobahan ni daddy.
"Cup cake, may laro kami mamaya nood ka ha?" Nakangiti akong tumango sa kanya. Kasalukuyang nasa garden kaming dalawa at nakapatong siya sa may kandungan ko habang ako naman ay sinusuklay ang buhok niya.
"Anong oras ba sweet cake?" Tanong ko sa kanya at kumain ng dala niyang cup cake. Ganito naman kami linggo- linggo lalo na at hindi na masyadong seryoso ang klase kaya habang nagpapahinga kami ay kakainin naming ang cup cake na dala niya.
"Mamayang alas kwatro cup cake" tumango na lamang ako. Alam ko naman na makakapunta ako lalo na at kasali sina Zach at Ace malamang sa malamang andoon din si Gail at Trixie pero si Van hindi pwede buntis kasi eh tsaka madaming tao.
"Nga pala naka salubong ko si Trixie kanina, ba't ang tamlay niya?" ngumiti ako ng pilit.
"She's in love with someone that can't love her back" iyon lang ang sinabi ko pero alam ko na alam niya kung sino ang tinutukoy ko.
"Sayang no? Kung sana umamin siya"
"Yep ang kaso takot siyang masaktan at mawalan kaya ayon ngayon patago siyang umiiwas sa sakit pero alam ko she's a strong woman at kaya niya iyon"
"Sana no makakita siya ng lalaking para sa kanya kagaya ko nakilala ko ang babaeng katulad mo" kinurot ko siya sa tagiliran.
"Ang cheesy mo na ngayon ha" tumawa naman siya at bumangon tapos ay hinalikan ako sa labi ng mabilis at humiga ulit.
"I love you Cup cake" napangiti na lamang ako.
"I love you too sweet cake" dumukwang ako at hinalikan siya sa labi, smack lang naman sana iyon kaso hinapit niya ako sa batok at mas diniinan ang halik and with that position we shared a long yet passionate that full of love kiss.
"I love you" aniya na kinabigla ko. Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman. May kung ano sa mga mata niya at sa mga ngiti niyang malungkot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito mag mula noong panahon na umamin siya sa akin. Kahit na kinakabahan ay ipinagsa walang bahala ko na lamang iyon. Marahil ay wala naman talaga iyon at nag o- over react lang ako.
"Tulog muna ako ha?" tumango na lamang ako at sinuklay ang kanyang buhok. Napasandig ako sa kahoy na nasa likod ko.
Ano iyong naramdaman ko? Bakit ganoon? Bakit parang masakit na may hindi maayos sa relasyon naming? The way he said his I love you kanina ay parang iba, parang hindi sa akin.
Aish Ano ka ba naman Alpha, ngayon pa ba na mahal niyo ang isa't- isa? Ngayon ka pa ba mag dududa?
Pero-Argh! Just shut up Alpha.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. May nararamdaman akong kulang eh.

"PAPUNTA na kami diyan, wag kang mag- alala manunuod ako" sabi ko sa kabilang linya. Kanina kasi ay may practice sila kaya sumama na muna ako kaila Gail.
"Bye sweet cake I love you" pag kasabi ko no'n ay pinindot ko na ang end call at ng ibinaling ko ang atensyon ko sa mga kasama ko ay agad na napakunot ang noo ko.
"What?" Tanong ko sa kanilang tatlo, kasama kasi namin si Vanessa dahil pinapunta siya ni Ace.
"Simula ng maging kayo kinalimutan mo na kami" hindi ko alam pero natatawa ako sa kanila.
"Para naman kayong ewan alam niyo naman busy ako eh" sabi ko na lamang.
"Busy? Bakit nang maging kami ni Zach ay lagi naman akong sumasama sa inyo" hirit sa akin ni Gail na may halong pagtatampo ang kanyang boses.
"Ako man ay ganyan din, kahit na may inaalagan ako sa sinapupunan ko ay ni minsan hindi ko kayo nakalimutan" dugtong naman ni Van. Hindi ko alam pero agad na nag- init nang utak ko. Alam ko eh, na parang nanunumbat sila sa akin dahil hindi ko man lang sila magawang samahan.
"Guys, may kanya- kanya na tayong buhay-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mag salita si Trixie.
"May kilala akong babae noon na kahit may boyfriend na siya ay mas iniisip niya parin ang mga kaibigan niya. Noong mga panahon na kahit alam niyang kailangan siya ng boyfriend niya ay andoon parin siya umaalalay sa mga kaibigan. Na uunahin ang pagkakaibigan kaysa sa ibang lalaki" and with her statement natigilan ako. Anong ibig sabihin nito? Na Zai is a bad influence?
"Noon malaki ang pasalamat namin kay Michael dahil kahit alam naming kailangan ka niya hindi siya nagpakadamot. Pag nasa school kami ang kasama mo at kapag labasan na boyfriend mo na ang kasama mo pero ngayon kasi parang naiba. Parang may nagkulang at alam ko na ramdam niyo iyon lalo na ikaw Alpha. Nakalimutan mo na kami..." hindi ko alam pero bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.
"Sinusumbatan niyo ako dahil naiinggit kayo sa akin. I found my mr. right, nahanap ko na oh. Papakawalan ko pa ba?"
"Hindi naman kasi hinahanap ang pag- ibig. Diba nga sa tamang panahon? At tsaka diba sabi nila na ang totoong pag- ibig naghihintay kahit na anong mangyari. Umalan man o bumagyo andoon padin at hinihintay ka" tumayo na ako at tinignan silang lahat.
"So parang sinasabi niyo na hindi totoo ang mga nangyayari sa amin ni Zai? Na lahat ay palabas lamang? Youre accusing me sa mga maling salita. Mabait si Zai-" hindi ko na naman naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang akong inunahan ni Trixie.
"Kung mabait siya then ask him who is Rain Monteverde" hindi ko alam pero mukhang bumalik sa akin ang kaba na naranasan ko. Ang kaba na nadama ko kanina ng magsalita siya sa akin ng I love you. Bigla ay tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako, naguguluhan ano ba naman itong takbo ng kwento ko? Napakagulo naman kasi.
"You better ask him Alpha bago ka magmukhang tanga" at agad naman silang umalis. Habang tinitignan ko ang mga likod nila na palayo sa akin parang hindi ko magawang sumunod. Anong karapatan ko? Ako ang nang- iwan sa kanila. Ako ang umalis, wala akong karapatan na bumalik dahil kapag bumalik ako, alam kong huli na. Alam kong wala na dahil sa pagdaan ng mga oras lumalayo na ako sa kanila.

Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon