My Mr. Right
"Good morning cup cake" agad akong napangiti ng makita ko si Zai na may dalang box of cup cake at bouquet of flowers.
"Good morning too sweet cake" tumabi naman siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Andito na kami sa classroom and today is our weeksary, kaya naman ito ang sobra na naman kami sa sweet.
"Nga pala cup cake after class may pupuntahan tayo" tumango ako at kinain ang dala niya.
"At isa pa, nakaisip ka na ba ng course mo?" napatingin ako sa kanya at nilunok muna lahat ng kinain ko.
"Oo sweet cake at tsaka naghahanap na ako ng paaralan na pwede kong pasukan ang kaso ayaw ni daddy eh, gusto niya sa US ako mag aral kung saan siya nag- aaral" paliwanag ko dito. Muntik na nga kaming mag- away ni daddy dahil sa hindi ko susundin ang gusto niya ang kaso sabi niya kung makakahanap ako ng magandang paaralan na mas maganda pa sa paaralan niya doon ay hahayaan niya ako.
"Ikaw sweet cake saan ka mag- aaral?" kinuha nito ang kamay ko at ipinagsalikop sa kamay niya.
"Hindi ko pa alam cup cake eh, baka kasi may plano si dad na sa korea ako paaaralin pero ayaw ko naman kasi nga mapapalayo ako sayo" napangiti naman ako. Ito ba talaga pag in love, hahamakin ang lahat makapiling ka lang?
"Nako sweet cake wag na muna natin iyang pag- usapan tsaka isang buwan pa iyon marami pang pwedeng mangyari alam mo na"
"Tama ka naman diyan cup cake" nag kwentuhan pa kaming dalawa hanggat sa dumating ang teacher namin. Umayos naman kami ng upo at nakinig sa kanya lalo na ngayon na mukhang may anunsyo siya sa amin.
"Dahil nga sa nalalapit ninyong graduation ay naisipan ng paaralan natin na magkaroon ng graduation ball at gaganapin ito sa susunod na linggo." Ani ni Maam at sinabi pa ang ibat- iba naming activities sa mga susunod na araw. Ang sabi niya ay ang motif ng ball namin ay Princess and Prince kung saan of course na magsusuot kami ng crowns and gowns. Para lang siyang Senior Ball o Junior Ball.
Marami pa siyang sinabi sa amin na kailangan naming gawin lalo na sa nalalapit naming katapusan. Masaya naman ako lalo na ng mag anunsyo siya ng mga running for honors.
"Of course dahil sa nangyari kay Vanessa na siya sanang maging Valedictorian natin ay napalitan ito at iyon nga ay si Ace, our second is Gail, followed by Michael, Joy, Trixie, Zach, Zai, Alpha, Fred at Theedy" napangiti ako at binalingan si Zai.
"Congratulations sweet cake"
"Sayo din cup cake"
"GUYS CONGRATS" sabay- sabay na bati naming ng magkasama kaming kumakain ngayon sa canteen.
"So mamaya may lakad kayo?" tanong sa akin ni Gail, tumango na lamang ako at kumain.
"Love sabi nga pala ni daddy na punta daw muna tayo sa bahay mamaya, family dinner daw" agad namang namula ang pisngi ni Gail kaya napa- irap ako. Masyadong pabebe eh.
"Eh kayo ni Van may lakad din ba kayo?" Tanong na naman ni Gail kay Ace na ngayon ay nakangiting nakatitig sa cellphone, malamang ay kalandian na naman niya si Vanessa.
"Alam mo Ace, kung hindi ka titigil baka maging dalawa agad ang anak niyo ni Van." Hirit ko pa sa kanya na ikinailing lang niya.
"Patapusin mo muna siya sa pag- aaral niya bro" ani naman ni Zach.
"Alam niyo ang o.a niyo, ka text ko lang naman siya eh at iyon lang kaya ako napapangiti dahil naiinis na naman sa akin kaya sabi ko okay lang mainis siya at least ako ang pinaglihian niya o diba, magiging gwapo ang anak namin" natawa kaming lahat sa hirit ni Ace.
"Wooo ang hangin"
Natapos ang araw naming ng masaya dahil sa magkasama kami, wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang makasama lamang si Zai dahil para itong dream do come true. Siya lang eh , ang mananatili sa puso ko.
Gaya ng sabi niya sa akin kanina ay may pinuntahan kami. Habang nakatingin sa labas ay nakadating kami sa mountain view kung saan may mga extreme adventures doon, zip lines and such. Ng inihinto niya ang sasakyan ay lumabas siya at inalalayan akong lumabas. I am his Princess naman talaga.
"Halika" aniya at pumunta doon sa isang lalaki na parang bantay, ewan hindi ko alam kung ano ang tawag doon eh.
"Zip line tayo?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Wala ka bang takot sa mga heights?"
"Wala naman, ito pa nga ang gusto ko eh" natatawang usal ko sa kanya.
"Buti naman, magkakasundo tayo sa ganto eh mahilig ako sa mga adventures" aniya pa.
"O edi sa sususunod umakyat tayo sa bundok" sabi ko pa habang nilalagyan kami ng safety equipments.
"So ready ka na?" aniya pa kaya natatawang tumango ako, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nagpadausdos at tinignan ang tanawin.
"HOOOOO!" Sigaw lang ako ng sigaw.
"I love you Alphaaaaaa"
"I love you too Zaiiii" natatawang hirit ko sa kanya. I am happy now lalo na sa mga pinapakita sa akin ni Zai. Matapos naming mag ziplines ay may iba na naman kaming ginawa hanggat sa nagdesisyon siyang lumipat kami ng lugar kaya sumakay ulit kami sa sasakyan niya at nag drive na siya.
"Tops?" natatawang tumango siya at binigyan ako ng Jacket. Kung may Baguio naman kasi ang manila ay may Tops naman ang Cebu kung saan daig pa ang ginaw ng Baguio.
"Bakit dito?" tanong ko sa kanya.
"Dahil gusto kong na maramdaman mo na kahit magiging maginaw ang pagdadaanan natin andito ako at gawing mainit ang pagsasama natin. Mahal kita at handa akong gawin ang lahat para sayo." Tumango na lamang ako at umupo sa may bench doon. Tumabi naman siya sa akin at yumakap.
Ngayon alam ko na na hindi namin kailangan ng mga salita para iparamdam ang pagmamahal na meron kami, na ito at ganito lang kaming dalawa. Na tama ang mga desisyon ko. Na tamang siya ang pinili ko dahil alam ko naman na siya ang mahal ko. Na siya at ako ang para sa isa't- isa at masaya ako because he is mine. He is my Mr. Right.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)
Teen Fiction"You are my Mr. Right, you will love me till the last tick tock of your heart" -Alpha Roshen Rushtone