Chasing 10

3.2K 61 0
                                    

The Last Chase
Nakatingin lamang ako sa kalangitan. Andito ako sa sasakyan ni Zai at hinihintay siya, sinabi ko na lamang na hindi ako makakapunta sa laro niya dahil masama ang pakiramdam ko kaya dito ko na lamang siya hihintayin sa kotse. Habang nakahiga ay bigla ana lamang may tumabi sa akin. Tinignan ko ito at napangiti na lamang ako ng mapait.
Michael
"Anong ginagawa mo dito?" Alam ko kasing nagsimula na ang laro kaya impossibleng andito siya.
"Masaya ako at si Zai ang pinili mo hindi dahil sa hindi kita mahal pero dahil alam kong mas mapapasaya ka niya. Tama naman ako diba?" hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya pero gusto ko siyang pakinggan. Dahil naniniwala ako na the only way for me to understand everything is to start which it should be started. At iyon ay ang pag- uusap naming ngayon.
"When I saw you laugh like that again nasabi ko sa sarili ko. Hindi ko na iyon maibabalik pa. I already caused you too much pain kaya ano pang silbi ko? Nasaktan ko na ang babaeng kailan man ay pinangakuan kong mahalin habang buhay pero hindi ko man lang magawa." Huminga siya ng malalim at tumingin sa kalangitan.
"Minsan noon habang nag- iisa ako, iniisip ko na nakatingin ka din sa mga bituin at ang bituin ang magiging kaisa- isang connectado sa mga puso natin pero lahat ng iyon nawala. Lahat ng iyon nag laho lalo na ng makita kong masaya ka na sa piling niya" tinignan ko siya at nakatingin din siya sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko.
"Bata pa tayo-Oo parti lang ito ng mga buhay nito pero alam ko, ikaw mismo ang tatatak sa puso ko. Na ikaw at ako lamang panghabambuhay-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla na lamang may sumuntok sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Zai at pinagsusuntok si Michael.
"Zai! Zai stop it!" sigaw lang ako ng sigaw habang umiiyak. Wala akong magawa hindi lumalaban si Michael.
"Michael lumaban ka naman" sigaw ko pa pero tumingin lamang siya sa akin at ngumiti ng malungkot at doon tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kaya-hindi ko kaya iyong ganito... nakikita ko siya na nahihirapan. Bakit ganito? Diba si Zai ang mahal ko? Diba si Zai lang? Anong nangyayari sa mga nararamdaman ko?
"Zai please" panghuling suntok at lumapit na sa akin si Zai pero nakita kong tumayo si Michael at tinignan kami.
"Zai, walang secretong hindi nabubunyag. Malalaman at malalaman niya ang lahat..." tinignan ako ni Michael.
"Hindi ako lumalaban dahil ayaw kitang masaktan... mahal kita eh... I -ikaw parin naman" tumalikod na sa amin si Michael, binaling naman ako ni Zai at halos manlaki ang ulo ko ng bigla na lamang niya akong sinampal.
"Iyon ba? Iyon ba ang dahilan kaya hindi mo ako pinanuod kanina? Dahil mas gusto mong makipaglandian sa kanya?" Naguguluhan ako, hindi ko alam. Hindi ko alam na kaya pala niya akong saktan.
"Ano pa ba ang kulang ha? Ano pa! Siya nalang ba palagi?" naguguluhan na ako hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya, nakatanga lang akong nakatingin sa kanya pero agad din akong nagising ng sinampal na naman niya ako.
"Hindi pa ba ako sapat? Bakit may nangyari ba sa inyo? Iyon ba ang kulang kaya siya ang pinili mo? Pwes! Kayak o din iyang gawin sayo" agad na bumalot sa loob ko ang kaba at takot. Hindi siya si Zai! Hindi siya ang lalaking minahal ko!
Agad akong napasinghap ng sinunggaban niya ako ng halik, pinagtutulak ko siya pero kinuha lamang niya iyon at inipit niya ako sa sarili niya at sa sasakyan. Gusto kong humingi ng tulong magmakaawa pero alam kong walang makakadinig kaya iniyak ko nalang ang lahat. At habang hinahalikan niya ang katawan ko ay doon naalala ko ang lahat. Na sa kabila ng mga pangyayari ang bilis lang ng takbo ng buhay naming. Kaya napaisip ako, mahal ba talaga ako ni Zai? Minahal niya ba talaga ako? Hindi ko alam gusto kung malaman pero paano? Kanino?
"Kuya Z?" Agad siyang napahinto at tinignan ang nagsalitang iyon ako naman ay walang kibo, ni hindi ako gumalaw dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May nadinig akong isang sampal pero alam ko na hindi ako ang sinampal.
"Anong ginawa mo kuya? Nahihibang ka na ba?" may lumapit sa akin, itinayo niya ako, nilagyan ng jacket ang katawan kong hubad.
"Ate Rain?" Ayan na naman ang pangalang iyan, sino ba si Rain? Ano ba ang parte niya sa buhay na ito?
"Kuya anong ginawa mo kay Ate Rain?" at parang doon, parang ang salitang iyon ang nagpagising sa kanya. Lumapit siya sa akin pero umiwas ako. Ayaw ko siyang makita, ni ayaw ko siyang makasama, hindi ko siya kilala.
"A-alpha" gusto kong matawa, gusto kong umiyak, nababaliw na ata ako. Ganito ba ang pag- ibig? Nakakabaliw?
"Alpha I'm sorry" tinignan ko siya ng masama. Iyong tingin na alam kong makokonsensya siya sa ginawa sa akin.
"Sabihin mo sa akin sino si Rain?" Tanong ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at napaupo.
"S-she's my wife" para akong binuhasan ng malamig na tubig.
"She died... almost a year dahil sa a-akin... sinaktan ko siya lalo noong mga panahong nakita ko siyang kasama si Michael pero mali ako... h-hindi pala siya si Rain... kundi ikaw ang kasama ni Michael. Namatay siya sa mga kamay ko kaya ng malaman kong naghiwalay kayo lumapit ako, nilapit ko ang sarili ko sayo dahil alam ko... na ikaw ang Rain ko na ikaw ang babaeng mahal ko pero nakita ulit kita kasama si Michael. Gusto kitang saktan dahil nasasaktan ako-" napahikbi ako. All this time, walang may kasalanan, naghiwalay kami ni Michael para lang sa wala. Pinili ko si Zai para lang masaktan. Nag mukha na naman akong tanga.
"Sabihin mo sa akin Zai, ni minsan ba minahal mo ako?" Alam ko naman ang sagot sa sarili kong tanong...
"H-hindi. I tried pero-" hindi ko na siya pinatapos pa.
"Pero hindi ako si Rain" Nag- iwas siya ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingala. Inaway ko ang mga kaibigan ko para sa kanya. Iniwan ko sila para sa kanya pero ito... nag mumukha naman akong tanga.
"S-sana ... sana masaya ka na" at pagkasabi ko no'n ay umalis na ako, ni hindi ko siya ni lingon. Para saan pa? Tapos na ako sa kakahabol sa kanya ito na ang huli kong paghahabol. This is my last chase

Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon