Epilogue

5.4K 83 4
                                    

Stop The Chase
"Before I will start my Valedictorian speech gusto ko na munang anyayahan ang mag- ina ko dito sa tabi ko" nagkatinginan kaming magbabarkada at napangiti kahit kailan talaga itong si Ace masyado ng in love.
"Gusto ko na siya ang magsasabi ng valedictorian speech dahil itong pwestong ito ay para sa kanya lamang, na minsan ko ng ninakaw dahil sa sobrang ingit kaya sinira ko siya kaya naman gusto kong siya ang magsimula nito" niyakap niya si Ace at bumaling sa aming lahat alam ko naman na hindi siya kinakabahan. Sanay na siya, at alam kong may hinanda na siyang speech dahil alam naman naming na siya ang Valedictorian nitong taon.
"Minsan sa buhay natin maiisip natin na kay sarap pala ng mga nangyari ano? Iyong mga bonding na hinding- hindi natin malilimutan. Iyong unang pag- ibig, unang- halik, unang iyak, at unang sakit ditto natin ito mararanasan sa high school. Ako naman hindi ko ito in- expect na ito ang magiging kahihinatnan ko pero kailan man ay hindi ako nagsisi. Mas naging masaya ang takbo ng buhay ko. Oo maraming mang lalait sa akin pero hindi ko sila papatulan dahil alam ko kung sino ako. At alam ko kung saan ako pupunta kapag hindi ko na kaya. Kaya naman sa mga kaibigan ko... salamat sa inyong lahat, sa pananatili niyo sa tabi ko. Sa pagiging maaalahanin salamat sa lahat ha? I owe you my life at ito naman sa soon to be partner ko. Salamat dahil sa kabila ng mga nangyari sa atin minahal mo parin ako. Bumawi ka at pinatunayan mong mahal mo ako... Mahal mo kami..." natawa kami ng natawa si Ace dahil umiyak si Vanessa. Pero alam ko naman na sa kabila ng mga luhang iyon masaya siya hindi katulad ko.
Sa lumipas na araw ni hindi na nagpakita si Zai sa akin, nagpa abot lang siya ng sulat na nagsasabing he is sorry of what he did. Masaya ako oo dahil kahit paano ay bumalik sa ayos ang buhay ko. I ask for forgiveness sa mga kaibigan ko na sinaktan ko. Humingi ako ng tawad sa mga taong nasaktan ko sa mga desisyon ko lalong lalo na siya. Si Michael. We already talked at ngayon nga ay magkaibigan na kami. Masaya ako syempre lalo na ngayon na nakapagtapos na kami. I also decide na pumunta na lamang sa US at sundin si daddy at masaya naman siya sa naging desisyon ko.
Noong gabing sumapit ang graduation ball namin ay hindi n asana ako pupunta kaya lang ay pinilit ako ng mga kaibigan ko at doon habang nagkakatuwaan, nagkakasiyahan, nag sasayawan bigla na lamang akong inaya ni Michael. Nahihiya ako dahil nasaktan ko siya pero labis din naman ang saya ko dahil alam kong hindi siya naiilang sa akin at tanggap ko na kung ano ang meron kami-ang pagkakaibigan namin na nabaon sa limot magmula ng maging kami.
Habang ginagawa ang graduation ceremony ay hindi ko mapigilang tignan ang mga mukha ng mga kaklase ko, kung paano tumulo ang mga luha nila sa saya at galak ng mga nakamtan. Masaya naman talaga kaso nga lang may mga bagay na nagpapaalala sa atin kung bakit malungkot tayo.
Natapos ang ceremonya at nag picture taking na kami. Iyong kasama ko ang mga kaibigan ko at pamilya ko. Ngumiti ako, hindi man sing tamis ng mga ngiti nila pero alam kong hindi din iyon pilit.
"Hi" napangiti ako at niyakap siya. Ang kaibigan kong matagal kong kinalimutan dahil sa puot na nararamdaman ko.
"Hello" sabi ko dito at kumalas na sa pagkakayakap. Gaya kanina ay nagpicture taking din kami. Mga ngiti na kuha ng litrato ang maging isang parti ng mga ala- ala namin.
"Congrats" nakangiting bati ko sa kanya. He did the same tapos ay pumunta siya sa mga kasama ko at ganoon din. Habang nakamasid sa palagid ay nakita ko si Zai, ngumiti ako, ngumiti siya pero iyon na lamang iyon. Wala ng habulan, wala ng nararamdaman dahil alam ko naman kung kanino dapat ako humabol. Dahil ngayon klaro na sa akin ang lahat. Malinaw na sa akin ang nararamdaman ko.
"Guys tara" anyaya nila sa amin kaya umuna na ako sa van. My mom and dad knows that this night will be my night with the girls at sila naman ay mag bo- bonding kasama ang pamilya ng barkada. Ngayon wala na naman akong hihilingin pang iba. Sapat na para sa akin ang makitang masaya. Siguro sa panibagong buhay ko mawawala din itong mga sakit na dinulot ng nakaraan ko pero alam ko din na hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanila at sa lalaking kasama namin ngayon. Hindi ko inamin na mahal ko pa siya dahil hindi ako handa sa maaring isagot niya. Oo he said that he loves me pero iyon lang naman iyon wala ng iba pa/ He never said na babalikan niya ako kaya sino ako para manatili diba?
"BAKIT ka nag- iisa dito?" tinignan ko siya at ngumiti.
"Wala lang" tumabi siya sa akin. Andito kami sa may terrace ng bahay nina Vanessa habang ang mga kaibigan ko ay andoon sa may pool at may kanya- kanyang mundo.
"I'm glad that you are okay"
"Wala na naman akong choice diba?"
"Would you still chase your Mr. Right?" napasinghap ako sa tanong niya kaya hinampas ko siya.
"Anong akala mo sa akin hillo? Aba! Ngayon ko lang nalaman na ang pagmamahal hindi minamadali, dadating din ang tamang panahon" tumawa siya at tumango.
"Alam ko naman iyon eh, so anong plano mo?"
"Aalis ako" sabi ko ng nakatingin sa kanya, bigla namang may dumaang lungkot sa mga mata niya. Kinuha niya ang kamay ko at ngumiti ng malungkot.
"Hindi ka na ba mapipigilan?"
"Hindi ako pabebe pero hindi na ako mapipigilan" tumawa siya at hinalikan ang mga kamay ko. Naiilang ako hindi dahil sa wala akong nararamdaman kundi dahil hindi pa maayos ang relasyon na meron kami, were just friends at iyon lamang 'yon.
"Alam mo naman na mahal kita diba?" tumango ako.
"Bakit kailangan mo akong iwan ulit? Hindi ba pwedeng manatili ka nalang ditto sa akin?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mahal kita eh, gusto ko patunayan ulit sayo na ako- ako ang para sa'yo" napapailing na lumayo ako pero hinapit niya ako sa bewang.
"Hindi ka pabebe diba?" natawa ako tsaka tumango.
"Mahal mo ba ako?" tumango ulit ako.
"Say it Alpha"
"Oo mahal naman kita eh, at kailan man ay hindi iyon nagbago"
"Mahal din naman kita eh, ako kaya ang Mr. Left mo" natawa ako pero umiling ako.
"You're not my Mr. Left dahil ikaw ang Mr. Right ko" ipinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg at ngumiti.
"You're my Mr. Right and you will love me 'till the last tick tock of your heart" and with that I kissed him. I kissed him under the moon light with full of love.
Siya ang Mr. right ko at hindi ko na kailangan pang humabol dahil...
"Mahal kita" sabi ko at mas nilaliman ang halik naming dalawa.
--***--
Sa wakas ay natapos na din. Yessss! Kaya una sa lahat I just want to say thank you for reading this one. Oo alam kong nakakalito pero bahala na basta naitaguyod ko at nabigyan ko ng hustisya ang kwento. Una talagang plot ay hindi ganito, hindi sila ang magkakatuluyan at iba talaga ang takbo pero habang nagsusulat ako ay mag tumatakbong estorya sa utak ko kaya ito ang nilagay ko. Itong kwentong ito ay hindi lang tungkol sa pag- ibig. Alam ko naman na alam nating lahat ang TAMANG PANAHON, nasa KALYESERYE iyon eh, kaya nga through this gusto ko ding ipaalam na hindi naman natin kailangang maghabol. Na hindi natin kailangan takbuhin ang pagkakataon at ipagsigawang ito na ang Mr. Right mo. Mahal mo man siya pero hindi iyon sapat. At sinaktan Kaman hindi ibig sabihin no'n ay wala ng magmamahal sayo dahil naniniwala ako na sa mundong ito ay may nakalaan sa atin. Na may forever ang bawat isa sa atin and all wee need to do is to wait until the right time.
Thank you ulit sa pagbabasa at dahil tapos na din naman ito, read my next series When her story is a Farce. Ang kwento ni Trixie na labis na nasaktan dahil sa kanyang bestfriend na si Zach. Makakahanap ba siya ng iba niyang pag-ibig?

Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon