Chasing 3

3.4K 61 0
                                    

The past

"Shhh... its okay... you can shout, talk or whatever you want just dont mind me. Wag mong isipin na may kasama ka" umiling ako. Noon paman lagi akong mag- isa pero ni minsan hindi ko naipalabas lahat ng sama ng loob ko sa mga taong nakapalibot sa akin.

"C— can I ask you something?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Tinignan niya ako and he nodded.

"Pwedeng... ikaw na muna ang maging diary ko ngayon? Ikaw ang sasabihan ko kung bakit ang sakit sakit na... never ko kasing..." before I can continue what Im asking he stopped me.

"Just go on... makikinig lang ako" I smiled at tumingin sa langit. This one... walang nakakaalam kung ano ang nangyari. Kung bakit, naghiwalay kami.

Third year highschool end of class. Iyon ang araw na hinding- hindi ko makakalimutan dahil... ito ang araw kung saan isusurprise ko ang aking mahal. Yep mahal ang tawag ko sa kanya dahil mahal na mahal ko siya. His my Mr. Right ika nga sa kanta ni Kim Chui. Siya ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Corny oo pero wala eh. Basta pag- ibig ang pag- uusapan. Walang tama o mali sa paningin mo dahil lahat ay balanse na aayon kung ano ang paniniwalaan mo.

Habang naglalakad sa school biglang may bumangga sa akin si Bettina ang Queen bee ng eskwelahang ito.

"Ooppss sorry losers" aniya at ngitian pa ako. Inirapan ko naman siya at tumayo ako ng tuwid. Standing brave and proud.

"Oww... the losers want a play?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Seriously Bettina. Losers? Bakit naduling ka na ba at marami ang nakikita mo?" Ang totoo kasi ay kami lang dalawa dito.

"Oopps my bad. Sorry but Im not sorrt okay?.." tumalikod na siya at akmang aalis pero mukhang may hindi pa siya sinasabi sa akin kaya humarap ulit siya at may ibinigay sa akin.

"Punta ka ha? Bitch" aniya at umalis na. Agad ko namang binuksan ang ibinigay niya at binasa.

Halos manlumo ako sa nabasa ko.

Michael Esidro ♥ Bettina Anderson Nuptials.
04- 01- XX

Ayaw kong maniwala hanggat hindi niya sinasabi sa akin kaya naman ay dali- dali akong nagpunta sa parking lot dahil sabi niya doon kami magkikita mamaya.

Pagdating ko doon ganoon na lamang nawala lahat ng nabasa ko ng makita ko ang mga rose petals na nagkalat sa parking lot. Mga card board na may nakasulat kung gaano niya ako kamahal. Ang daming tao na halos hindi na nila ako mapansin.

I was about to walk papunta sa madaming tao ng marinig ko ang pagstrum ng guitara. Nakita na ba niya ako?

'Girl, you just caught my eye...' panimula nito sa kantang You and I. Sumuot ako sa mga tao at nakangiting tumayo sa gitna ng nakita ko ang pangyayari...

Michael is there. Standing in front of the crowd, struming his guitar and looking at.... Bettina.

Ang sakit lang dahil akala ko ako lang... akala ko siya na si Mr. Right... akala ko... Ang daming akala pero lahat ng iyon akala lang.

Aalis na sana ako ng biglang may bumato sa akin ng ice water.

"AHHH!" Tili ko dahil sa ginaw. Lahat ng ingay natigil. Lahat ng atensyon nasa akin at ang galit ni Bettina nasa akin.

Nakatayo lang ako doon habang nakalagay ang kamay ko sa ulo ko. They keep on throwing ice water to my face.

'Panira ka ng moment te'

'Umalis ka diyan. Feelingera to'

Marami pang salita pero ni isa walang tumulong... Walang umawat at higit sa lahat... Iniwan niya ako.

Ang sakit dahil ang taong inakala ko ay tinalikuran ako. Iniwan ako dito sa harap ng mga tao. Napaiyak na lamang ako at umupo. Masakit na ang katawan ko lalo na ang puso ko.

Ganoon lang ang nangyari hanggat sa dumating ang puntong natigil ang lahat. Naiwan na naman akong mag. isa. Tumayo na ako at naglakad palabas ng school pero may humila sa akin at niyakap ako. Hindi ko na kailangan pang sumigaw dahil kilala ko siya.

Siya lang naman ang lalaking nang- iwan sa akin. Ang lalaking tinalikuran ako dahil sa babaeng iyon.

"Mahal sorry" aniya at niyakap ako ng mahigpit. Nakatayo lang ako doon ni hindi ko siya tinignan dahil kapag ginawa ko iyon alam ko... masasaktan ko siya.

Hinubad niya ang coat uniform niya at isinuot sa akin. Inalalayan niya akong makapasok sa sasakyan niya. Hinayaan ko lang siya. Wala akong pakialam dahil wala na akong lakas na makipagtalo pa sa kanya. Noong mga oras na iniwan niya ako. Nagsisimbolo iyon na wala ng kami.

Nagdrive siya pero tahimik lang ako.

"Baby, please talk to me... iyon lang talaga baby. Pakinggan mo ako. Sorry sa nangyari" salita siya ng salita pero hindi ko siya naiintindihan. Tila wala na akong naiintindihan sa mga sinabi niya. At bigla na lamang nagdilim ang aking paningin.

Nagising ako sa sinag ng araw kaya bumangon na ako. Mapakla akong napangiti. Alam ko naman na hindi bangungot ang nangyari kahapon dahil pagkagising ko palang ay bumungad na sa akin ang nag- aalalang mga mata ni Michael.

"Baby" mahinang usal niya at niyakap ako. Hinayaan ko lang siya hanggat sa magsawa siya kakayakap sa akin.

"Baby" ulit na naman niya na ikinailing ko na lamang. Tinignan ko siya sa mga mata bago umalis sa pagkakayakap niya. Alam ko naman na andito ako sa bahay niya kaya hinanap ko ang gamit ko at nakita ko ito sa study table niya. Lahat ay andoon na. Magmula sa bag ko at uniporme. Kinuha ko ito at pumasok sa banyo. Ramdam ko amg titig niya pero alam ko din na alam niyang ayaw ko siyang kausapin. Nagbihis na ako at lumabas ng banyo. Isinukbit ko sa aking balikat ang aking bag at naglakad na palabas ng pinto pero pinigilan niya ako.

"Where are you going?" Napapikit ako at nagpatuloy na sa paglalakad. He kept on asking me those question pero tila bingi ako. Hindi ko siya nadidinig.

Akala ko ay kukulitin niya parin ako pero mali ako. Gaya noon... tinalikuran niya ako. Iniwan niya ako. At higit sa lahat he unlove me.

Since that day hindi na kami nagkita at hindi na siya nagpakita. Hindi ko alam kung dahil ba sa wala siya o dahil iniiwasan ko siya.

Ilang linggo din akong naging laman ng balita.

"Alpha" tinignan ko si Vanessa at ngitian. Ngayon lang din niya nalaman ang lahat dahil galing siya sa isang competetion.

"Okay ka lang?" Ngumiti ako at tumango. Okay na naman ako ngayon dahil alam ko na iyon ang kailangan ko.

"Tara na?" Tumayo na ako at tumango. Alam ko sa mga oras na ito magbabago na ang buhay ko.

At tama nga ako. Dahil, kinulit na naman ako ni Michael hanggang sa isang araw nasabi ko na ang isang bagay na ikinatigil niya.

"Wala na tayo! At alam kong alam mo iyan!"

***
Updated (Y) Thank you for waiting :)
P.S. Dahil nga matagal akong nawala. Dalawang update ngayon :)

Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon