Chasing 7

3K 57 1
                                    

Why not?


It's almost thirty minutes na nakatayo lamang ako dito sa gitna ng dalawang passage. My right and my left. Saan ba ako? Sino ba ang mas matimbang? Habang iniisip ko ang magiging desisyon ko ay bigla ko na lamang naalala ang isang taong nakilala ko noon sa parke. Isang babaeng umiiyak na katulad ko ay naguguluhan kung sino bad aw ang pipiliin niya pero isa lang ang tumatak sa isip.


My past already did his best yet he hurt me and now that he wants me back I know that there's a chance that he will hurt me again.


At iyon ang gagamitin ko. Suminghap ako ng hangin at naglakad papunta sa right ko. Alam ko naman na sa pagkakataong ito tama ang magiging desisyon ko. Na tama ang lahat ng iniisip ko. Na hindi ko ito pagsisisihan.


Habang naglalakad ay may nakita akong mga bulaklak kaya kinuha ko iyon. Hanggang sa anim na iyong hawak ko at nakarating ako sa quadrangle kung saan andoon si Zai at nakangiti sa akin at si Michael na malungkot namang nakatingin sa akin pero hindi ko na lamang siya pinansin. Alam ko naman eh kung sino ang para sa akin. Zai will always be my Mr. Right and I will chase him until I will get him.


Ng makarating ako sa harapan niya ay niyakap niya ako at ibinigay sa akin ang isang bulaklak.


"That night when you turn your back marami akong na realize. Na matagal na kitang gusto pero pinipigilan ko para kay Michael. He is a good friend to me at alam kong off limits ka kaya umiiwas ako pero nag- usap na kami ng masinsinan ni Michael na hahayaan niyang ikaw ang pumili sa aming dalawa" ngumiti siya ng kay tamis sa akin.


"Hinayaan ka niya na mag desisyon ng kung sino ang tingin mo ay karapat- dapat sa pagmamahal mo" hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ang mga palad ko.


"Gusto kong hayaan mo na ngayon ay ako naman ang hahabol sa'yo. Na ako naman ang gagawa ng paraan para ipakita sa iyo na may tayo—na ikaw ang ms. Right ko" nakangiting tumango ako. Alam ko na hindi ko ito pagsisisihan.


"CONGRATULATIONS!!" sabay- sabay naming sigaw kay Ace at Vanessa. They will have a healthy baby boy at ayon nga masayang- masaya si Vanessa lalo naman si Ace.


"Pero guys, may isa pa akong balita sa inyo" ani ni Vanessa at umupo na muna na siya namang inalalayan ni Ace ngunit tinabig iyon ni Vanessa kaya napatawa kaming lahat ng napakamot na lamang ng ulo sa Ace.


"Doon ka umupo dahil may sasabihin ako" tumango naman si Ace. Masaya ako sa mga nangyayari ngayon sino naman ang mag- aakala diba? Na ganito ang mangyayari sa buhay nila. Andito kami sa bahay ni Vanessa. It's a new house at alam kong bahay nila ito ni Ace pero dahil nga ay hindi pa sila bati kaya hindi siya nakatira dito.


"Matagal ko na itong pinag- iisipan at alam ko na magiging masaya kayo kapag ito ang gagawin kong desisyon sa buhay ko..." agad kong inilibot ang patingin ko at ng magtama ang tingin namin ni Michael ay agad akong nag- iwas alam ko naman kung bakit siya andito. He is Ace friend at bukod sa aming barkada ay andito din ang iba naming kaklase na kaibigan ni Ace.


"Alam ko naman na dapat matagal ko na itong sinabi pero may isang tao kasi na gusto siyang pahirapan at sang- ayon ako. After what happen to me dahil sa kakagawan niya ay maraming buhay ang nasira. Ang buhay ko... buhay niya... at ang buhay ng isang tao na siyang tumulong sa akin" tumingin siya kay James at ngumiti.


"Salamat sa lahat ha?" tumango na lamang ito. Tumayo si Vanessa at pinuntahan ang teary eyed na si Ace.


"Alam mong galit na galit ako sa iyo pero napatunayan mo sa aking mahal mo ako. Na sa kabila ng lahat ay alam kong ako ang tinitibok ng puso ko. Sa maliit na panahong pinakita mo sa akin ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal ay unti- unti namang lumalambot ang puso ko at iyon nga nalaman ko nalang isang araw na—" hindi na niya nasabi iyon dahil bigla na lamang siyang hinapit ni Ace at hinalikan. Nag palakpakan naman ang mga kasamahan ko at iyon nga ng matapos ang halikan nila. He cupped her face and she did it vice versa.


"Mahal kita" napa- iwas ako ng tingin. Ang mga salitang iyon na minsan ng nagpaloko sa akin. Tumayo na muna ako at lumabas. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero iniisip ko din na sapat na ang lahat ng ito na sa kabila ng mga nangyari alam ko na tama na itong mga pinagdaanan ko.


"Okay ka lang" tinignan ko iyon at nakita ko si Zai.


"Yup, masaya ako para sa kanila" sabi ko pa sa kanya. Hanggang ngayon kasi hindi ko padin ma take lahat ng mga nangyari.


"Alpha" tinignan ko siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.


"Alam ko na naguguluhan ka. Alam ko na sinabi ko noon na hayaan mo akong iparamdam sa'yo na mahal kita at sana bigyan mo ako ng oras dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag wala ka. Ikaw ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay. Iyong buhay ko na minsan ng namatay" napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero agad din iyong nawala ng ngumiti siya.


"Gusto kong malaman mo na ikaw at ikaw lang ang magiging laman ng puso ko. Oo sabihin na nating we we're too young para sa ganitong pag –ibig pero alam ko kasi na sa pag- ibig lahat ay pwede. Na walang pinipiling lugar at pinipiling araw, oras, edad basta mahal niyo ang isa't- isa okay na"


"Ikaw lang Alpha" ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.


"Ikaw lang din naman Zai" sabi ko sa kanya habang yakap- yakap ko siya. Ng kumalas siya ay nagulat ako ng bigla na lamang siya lumuhod.


"Habang papatunayan kong ikaw ang mahal ko. Would you be my Ms. Right?" lumuhod ako para pantayan siya.


"Why not?" at doon niyakap na naman niya ako, sa pagyakap niyang iyon ay nakita ko si Michael. Hindi ko alam pero parang umiiyak siya. Malungkot ako pero masaya at hindi ko alam kung para saan ito.

Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon