Partners
"Hi Zai" bati ko kay Zai ng makasalubong ko siya sa canteen. Pero gaya noon ay tatanguhan niya lamang ako at aalis siya. Gosh, kailan ba mag- i improve ang love story namin? Lagi nalang bang ako ang hahabol sa kanya?
"Hanggang ngayon ba ay hindi parin nag i improve ang love story niyo?" Sasamaan ko na sana ng tingin ang taong nag sabi niyon ng paglingon ko ay si Vanessa iyon kaya napatili ako at nagtatakbo papunta sa kanya.
"You're back!!" Masayang wika ko. Dadambahan ko na sana siya ng bigla na lamang may humigit sa akin. Michael.
"Put me down. You jerk!" Nagpupumiglas na ako. I dont want to be with this stupid, ugly creature.
"Stop fidgetting, kaya lang naman kita pinigilan dahil tingin ko ay nakalimutan mo na buntis ang kaibigan mo" agad naman akong napatigil at humingi ng sorry kay Vanessa. Ngumiti naman siya at nilapitan ako para yakapin.
"I miss you bestie" sabi ko sa kanya na lumuluha.
"Ay ang drama niyo, para kayong bata" wika ni Trixie na ikinatawa na lamang namin. We may be act like a kid but we are a true lady.
"Oh? Wala pa bang improvement? Baka naman si Michael ang mahal mo?" Umakto akong nasusuka sa sinabi ni Vanessa na ikinatawa na lamang nila. Habang si Michael naman ay umalis na. Nakakita siguro ng ibang malalandi niya. Argh! The hell I care with that ugly creature?
Baka mahal mo pa?
Hell No! And shut up brain.
"Like eww, I rather chase Zai than that ugly monkey creature" sabi ko at nagsimula ng maglakad. That ugly creature really torture me.
"Alam mo Alpha, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw mo kay Michael e noon nga ay halos sabunutan mo lahat ng babae kapag may nanlalandi sa kanya" ani ni Vanessa.
"Noon iyon girl. Noong puti pa ang uwak" sabi ko na ikinatawa niya kaya natawa nalang din ako. Tss. They keep on telling me kung gaano ako ka head over heels sa ugly creature na 'yon pero wala na akong pakialam, they are all in my past and whats on past will always be on past. No more no less.
"So, how was life with Ace?" Tanong ko sa kanya ng makarating kami sa classroom.
"It's fine, he cares for me--- or for our baby only" napangiti ako at niyakap siya. I know that she's starting to fall for Ace and Ace only need to wait that time, sana hindi siya sumuko.
"Hay nako no negative nga at baka mahawa si baby mo at pumangit. Uhm papasok ka?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at umiling.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)
Novela Juvenil"You are my Mr. Right, you will love me till the last tick tock of your heart" -Alpha Roshen Rushtone