Chasing 6

3.1K 63 4
                                    

Mr. Right or Mr. Left


"Hoy Alpha Roshen Rushtone. Hindi ka ba lalabas diyan sa lungga mo" naalimpungatan ako ng madinig ko ang boses ni Gail.


"Love hayaan mo na siya okay? Siguro ay may sakit iyon kaya hindi siya pumasok" alam kong si Zach iyon.


"No, isang linggo na siyang hindi pumapasok tapos ano hayaan ko? Hindi Zach eh, mali kasi iyang pinaggagawa ng pinsan ko" napabuntong hininga na lamang ako. After that night ay hindi ako nagpakita sa kanila dahil hindi ko pa kaya. Oo na ang o.a na ng reaction ko pero masakit eh lalo na ng dinagdagan iyon ni Michael.


"Sabi naman kasi sa akin ni Tita na wala siyang sakit pero matamlay siya-" Hindi ko na siya pinagkinggan at pumasok na ako sa banyo. I guess my rest is enough at kaya ko ng makipagsabayan sa kalokohan nila.


"Tsaka haler baby shower ngayon ni Vanessa hindi pwede wala siya" napapailing na lamang ako. Hindi pa pala sila tapos sa pagtatalo nila.


"Hoy Alpha, pag hindi ka lumabas diyan kahit magalit sa akin si tito sisirain ko itong pintuan mo" napapakamot na binuksan ko at pintuan ko at pinapasok sila.


"Kahit kailan ang ingay mo. Hoy Zach! Sana naman pinatahimik mo iyan o kaya buntisin mo na ng manahimik na" agad naman akong napa aray ng hinampas ako ni Gail.


"Lagot ako kay papa pag ginawa niya iyon. Aba ililibing ko talaga ito ng buhay" napapailing na lamang ako, ng maging sila ni Zach mas naging playful si Gail habang si Trixie naman. Malungkot. Wala na kasi time itong si Zach para sa kanya dahil lahat ay na kay Gail na kaya minsan hindi ko din siya masisisi kung nagagalit siya kay Gail dahil alam ko ang pakiramdam na mag mahal ka at hindi ka kayang mahalin pabalik.


Ng matapos ako sa pag- aayos ay lumabas na kami at sumakay ako sa backseat ng kotse ni Zach.


"Diritso na ba tayo sa bahay ni Vanessa?" isa pa iyong babaeng 'yon. Masyadong pabebe at hanggang ngayon ay pinapahirapan si Ace na halos gusto ng sumuko ngunit hindi niya magawa dahil sa mahal niya talaga si Van.


"Nope, sabi niya ay sabay- sabay na tayong pumunta sa kanila at mukhang gustong surpresahin si Ace" tumango na lamang ako. Ace already prove his love to her pero hayon nga at masyadong pabebe ang drama ni sister kaya nahihirapan tuloy siyang alagaan ng mabuti si Vanessa dahil sa nagsusungit ito.


"Nga pala, ano ng nangyari sa school?" napakunot ang noo ko ng natahimik ang dalawa kaya sinamaan ko sila ng tingin na ikinatawa lang naman nila. Ang sarap pag untugin nitong dalawa.


"Ano nga?" atat na tanong ko.


"Iyon nga mahal na prinsessa, ang daming naghahanap sa iyo" ani ni Gail.


"Dalawa lang kaya!" hirit naman ni Zach.


"Ano ka ba more than one is many" napapailing na lamang ako ng nagkasagutan na naman sila ng kung ano- ano. Iba na talaga ang matalino dahil hindi nagpapatalo kaya nga minsan na aawa ako kay Ace, sa talinong iyon ni Vanessa alam kong mahihirapan siya at vice versa naman.

Chasing Mr. Right (Cycle d'Amis Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon