Kabanata 12

1.2K 27 1
                                    


Dali-daling pumasok si Courtney sa kwarto niya saka ito ni-lock para hindi makapasok si Kyzrrou. 'Babe, buksan mo naman itong pinto.. *tok* *tok* *tok*' sabi ni Kyzrrou habang patuloy paring kumakatok sa pintuan. 'Sabi nang huwag mo akong tawaging babe ehh!! Umalis ka na nga!!' sigaw ng dalaga. Kahit na gusto pa ring kulitin ni Kyzrrou ang dalaga, umalis na lang siya.


Narinig naman ng dalaga ang tunog ng mga paa ni Kyzrrou palayo, saka pa lamang siya napa-upo sa sahig dahil sa kaba. Kinakabahan siya hindi dahil sa takot na mahuli siya, kundi dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya dahil baka maloko na naman siya ni Kyzrrou.. 'Ayaw ko na namang mahulog sa kanya dahil alam kong sila pa rin ni Rachael.' Humiga na nalang ulit si Courtney sa kanyang kama hanggang sa nakatulog siya..


---------------


-LUNCH-


*tok*


*tok*


*tok*


'Gising ka na diyan mahal na Prinsesa. Tanghali na po.' sabay katok na naman ulit ni Kyzrrou sa pinto ni Courtney. Nagising naman agad ang dalaga dahil sa lakas ng katok ni Kyzrrou sa kanyang pintuan kaya bumangon na lang siya saka sumabay sa kanilang tanghalian..


Tahimik lang silang kumakain. Kaya parang naiilang na si Courtney. 'Uhhm.' sabay pa silang nagsalita tapos tumawa naman sila. 'Ano, ikaw na mauna.' sabi naman ni Kyzrrou. 'Ano kasi, bakit mo ba ako dinala dito? Diba wala na tayo, so dapat hindi ka na makikialam sa buhay ko. Ikaw ang unang nakipag-break diba?' ani naman ng dalaga na may halong lungkot ang kanyang boses.


'Gusto ko pa sanang sabihin sayo na... ' Kyzrrou na parang nag-aalinlangan 'Na ano? Ano bang gusto mong sabihin?' sabi naman ni Courtney na parang handa na talagang makinig. Huminga naman ng malamim si Kyzrrou tsaka nagsalita. 'I-I still love y----' naputol ang kanilang pag-uusap nang tumugtog ang telepono na nasa sala.


'Ano nga ulit iyon?? Saglit lang, sasagutin ko muna iyong telepono. Mamaya mo nalang ituloy yung sasabihin mo ah.' saka umalis si Courtney patungong sala.. Pagkatapos niyang sagutin ang telepono, binalikan niya si Kyzrrou sa kusina tsaka niya sinabing 'Pasensya na pala Kyzrrou ah. Pero kailangan ko na talagang umalis. Dumating kasi kanina ang tita ko galing Canada kaya gusto niya daw na nandoon ako sa bahay.'


'Teka?Paano niya nalaman na nandito ka?' tanong naman ni Kyzrrou. 'Tinawagan ko kasi kanina yung katulong namin sa bahay.'  tapos nagmamadaling umakyat si Courtney patungong kwarto para mag-impake. 'Sayang.. Hindi ko tuloy nasabi sa kanya..' Ani ni Kyzrrou na parang nagsisisi..


~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Malapit  na itong matapos. SLR at hindi masyadong mahaba. 

Almost a month hindi na ako nakapag-UD. -_-

Still, don't forget to vote and comment if meron mang reaction. :) Salamat!!


Kunin Mo Na Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon