Kahit na lasing sila, dinala pa rin ni Kyzrrou si Courtney sa isang lugar na tanging sila lang dalawa ang nakaka-alam... Binuhat ni Kyzrrou si Courtney na pang bridal style tsaka ipinasok niya sa sasakyan.. Hindi na nakapalag ang dalaga dahil pinatakbo agad ni Kyzrrou ang sasakyan. 'Im so sorry Courts, but i have to do this para makausap kita.' ani ng binata sa natutulog na si Courtney sa passenger seat.
Pagkalipas ng ilang oras na byahe ay nakarating na rin sila sa isang bahay na ipinagawa nila..... Ang kanilang resthouse. Patay ang mga ilaw kaya alam na agad ni Kyzrrou na wala doon ang caretaker, mabuti at may susi pa siya sa bahay na iyon.. Binuksan na muna niya ang pinto at binuksan ang mga ilaw tsaka niya dinala si Courtney sa loob.. Doon niya sa kwarto inihiga ang dalaga na mahimbing na natutulog sa kanyang kama..
Hinaplos niya ang pisngi ni Courtney.. 'Hinding-hindi kita hahayaang maka-alis dito sa resthouse dahil marami pa tayong pag-uusapan.' parang nahimasmasan na si Kyzrrou sa kalasingan kaya bumaba muna siya at pumunta sa kusina para uminom ng kape.. Habang umiinom siya, bumalik lahat ng alaala na masaya kasama si Courtney.. (A/N: Pakinggan niyo po iyong kanta sa taas para naman maka-relate kayo sa flow ng story salamat... :) )
*FLASHBACK
'Halika Kycute!! Bili tayo ng pizza!! Nagugutom pa kasi ako ehhh..' Pagmamakaawa ni Courtney kay Kyzrrou.. Nasa kama sila ngayon at nanonood ng palabas. Naka-upo si Kyzrrou sa kama habang si Courtney naman ay nakahiga sa hita niya. 'Ang kulit mo naman Courtcute... Hahahaha pero sige, ibibili kita ng paborito mong pizza...' Masayang sabi ng binata.. Natuwa naman ang dalaga kaya niyakap niya agad si Kyzrrou at nagpasalamat siya...
Pagkatapos bumili ng binata ng pizza, nilantakan agad nila dahil pareho naman nila itong paborito kapag nagbo-bonding silang dalawa.. Nagsusubuan pa sila na parang mga bata at madumi na ang mukha nila dahil sa ketchup.. '*num* Kyzcute, salamat sa pagmamahal sa akin hah.. Kahit na isip-bata ako minsan at kahit na pasaway ako. I lalab youuu...' hinalikan ni Courtney sa pisngi si Kyzrrou kaya namula ang pisngi ng binata dahil sa kilig..
Inalis muna niya ang dumi na nasa pisngi ng dalaga at pagkatapos ay hinalikan niya ang sintido nito 'Basta tandaan mo rin na mahal na mahal na mahal kita...'
*FLASHBACK ENDS
Napangiti naman si Kyzrrou sa mga naalala niya na kasama si Courtney..
---------------------------
Samantala............
Nagising naman si Courtney at nabungaran niyang hindi niya pala kwarto ang tinutulugan niya.. 'Nasaan ba ako? Diba nasa bar ako kagabi? Oh my?!! Don't tell me may naka one night stand ako?? Pero, parang familiar ito na kwarto kanino nga ito---- Araayy!!!' hindi niya pala namalayan na sumasakit ang kanyang ulo dahil sa hangover.. At ngayon lang niya napansin na nasa resthouse pala siya..
'Paano ako nakarating dito?! Hindi naman alam ng mga kaibigan ko na may bahay ako. At anong ginagawa ko dito?!! Lumilipad ba ako habang natutulog?' ang daming mga tanong na bumabagabag sa kanyang isip. Kaya bumaba nalang siya at pumunta sa kusina, doon niya nakita ang lalaking kinaiinisan niya sa buong buhay niya.. Nakangiti ito at parang may iniisip.
Nilapitan niya ito at hinampas kaagad sa dibdib.. 'Walang hiya ka!! Bakit mo ako dinala dito..??!!! Ghadd!!!' nagulat naman ang binata sa presensya ni Courtney kaya agad niyang hinuli ang mga kamay nito.. 'Whooaahhh!! Easy ka lang babe wala akong ginawang masama sa iyo...' Nabigla naman si Courtney dahil tinatawag siyang babe kaya mas lalong nanlaban siya.. 'What??!! Babe mo mukha mo...'
At sa wakas, ngayon lang napansin ng dalaga na topless pala si Kyzrrou kaya bumitaw na lang siya at umupo sa isa sa mga silya... 'Oh? Bakit ka tumahimik? Nasisilaw ka na sa mga abs ko noh?? Huwag ka nang mahiya, libre lang ito, kita mo? 8 packs pa naman ito..' Nmula naman ang dalaga kaya tumakbo siya paakyat sa kwarto.. Tumawa naman ng malakas si Kyzrrou at sinundan niya ang dalaga...
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Supeerr pasensya na at ngayon lang talaga ako naka-UD... Hindi naman sa nakalimutan ko, sadyang busy lang talaga ako... ☺ Sooooo, here's my UD...
VOte naman po kaya para mas pag-iigihan ko pang magUD sa susunod... Salamat po ng marami.. :-)

BINABASA MO ANG
Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin
Fiksi UmumInagawan ka ng isang pinakamahalagang bagay na matagal nang sayo... Ang boyfriend mo.... Ang mas malala pa bestfriend mo pa ang umagaw sa kanya.. Gustuhin mo man siyang ipatiwarik pababa,hindi mo naman magawa dahil nga BESTFRIEND mo siya.. ...