Kabanata 15

1.2K 19 1
                                    


Ilang linggo na ang lumipas at patuloy paring pumupunta si Kyzrrou sa bahay nila Courtney. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag-uusap nang may kumatok sa kanilang pintuan. Hindi naman sila nag-expect kung sino ang bibisita sa kanila ng ganong oras dahil alas-nwebe na ng gabi.

Binuksan ng isa sa mga katulong ni Kyzrrou ang pintuan. 'Sir, may naghahanap po sa inyong dalawa ni Maam Courtney. Pinapasabing siya daw po si Rachael. Patutuluyin ko po ba?'


Nagkatinginan naman ang dalawang magkasintahan tsaka tumango si Courtney at sinabing 'Opo manang, patuluyin niyo po.' hinawakan naman siya ni Kyzrrou sa kamay saka pinisil iyon. 'Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Baka mag-away pa kayo.' ningitian naman siya ni Courtney '

Ano ka ba, baka may importante lang siyang sasabihin sa atin. Kaya huwag kang nega dyan.' pagkatapos ay hinalikan ni Courtney ang tungki ng ilong niya.


Ilang sandali ay pumasok na si Rachael na may mga ngiti sa labi. 'Kumusta na kayo?' pambungad na bati ni Rachael sa kanilang dalawa. 'Ayos lang naman.' sabi ni Courtney tapos ay inalok siyang umupo.

'Pasensya na at napadalaw ako dito ng wala sa oras. Hindi naman ako magtatagal dito kasi lilipad na ako patungong Australia mamayang madaling araw.' nagulat naman ang dalawang magkasintahan sa sinabi ni Rachael. Kaya hindi mapigilan ni Courtney na magtanong.


'Bakit bigla yata ang pag-alis mo? Anong gagawin mo doon sa Australia?' sunod-sunod na tanong ni Courtney. Hinawakan naman siya sa kamay ni Rachael. 'Doon na kami titira ng magiging anak ko. Tsaka andoon naman ang fiancè ko.' pagkatapos ay marahang hinaplos ni Rachael ang kanyang tyan.

'B-buntis ka?' tanong agad nila Courtney at Kyzrrou.


Napangiti naman si Rachael sa inasal ng dalawa saka marahang tumango. 'Pero diba may nangyari na sa inyo ni Kyzrrou? Baka siya ang ama.' pinisil naman ng binata si Courtney sa tagiliran.

'Gumagamit kasi ako ng pills noong may nangyari sa aming dalawa. Tsaka isang linggo pa naman akong buntis. Ngayon ko lang nalaman kasi pumunta ako sa doctor ko.'


Hanggang sa ipinaliwanag lahat ni Rachael ang nagyari noong naghiwalay sila Kyzrrou at Courtney. Naintindihan naman ni Courtney ang ibig sabihin ni Rachael. Dahil noong araw na inagaw ni Rachael si Kyzrrou kay Courtney ay gusto niyang maghiganti kay Courtney dahil nainggit si Rachael sa panahong iyon.


'Kaya tinaggap ko nalang ang alok ni mommy na magpakasal sa fiance ko dahil kahit na baliktarin mo man ang mundo ay uuwi at uuwi pa rin si Kyzrrou sa iyo. Kaya sana mapatawad mo pa ako, Courtney' walang sabi na niyakap agad ni Courtney si Rachael.

'Matagal na kitang pinatawad.'



~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Next chapter ay ang epilogue. VOTE AND COMMENT sakaling may violent reaction kayo.

Lovelots!! <3


Kunin Mo Na Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon