'And you may now kiss the bride.' wika ng pari sa harap ng altar habang ang dalawang ikinasal naman ay nagsimula nang maghalikan para maging official na sila na mag-asawa. 'Sa wakas ay ikinasal na rin si Rachael. Mabuti at inimbitahan niya tayo sa kanilang kasal dito sa Australia.'. ani ni Courtney na nakahawak sa braso ni Kyzrrou.
'Ikaw? Kailan mo ba gustong magpakasal sa akin?' pabirong tanong naman ni Kyzrrou sa kasintahan. 'Ayoko pang masakal este maKASAL sayo noh. Marami pa akong mga pangarap sa buhay.' aniya.
Hinawakan naman siya ni Kyzrrou sa kamay sabay sabing. 'Huwag kang mag-alala dahil sabay nating tuparin ang iyong mga pangarap kapag tayo ay ikinasal na.' pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo. Napasiksik nalang sa malapad na dibdib ni Kyzrrou ang dalaga dahil hindi niya mapigilang kiligin.
'O? Bakit ka namumula? Hindi mo napigilang kiligin sa mga sinabi ko noh? I know you cant resist my charm. Huwag kang mag-alala dahil MAS kiligin ka kapag nasa kama na tayo at nagse------ aray!' binatukan naman agad siya ni Courtney dahil sa sinabi nito.
'Alam mo? Hanggang ngayon, ang manyak manyak mo pa rin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo.' Ani ni Courtney. Inakbayan naman nito at sabay silang lumabas sa simbahan upang tumungo sa reception ng kasal.
'Eh di itali mo ako sa kama tapos------ aray!!! Nakadalawa ka na ah!!' sabi naman ni Kyzrrou habang hinihimas ang kanyang ulo.'Eh sa ang berde ng utak mo.Hay nako! Maka-alis na nga.' Pagkatapos ay sumakay na si Courtney sa kanilang sasakyan.
'Teka hintay!!' tapos ay nagmamadaling tumakbo papunta sa driver's seat. At pumunta na sila sa reception.
--------------------
Ilang taon na ang nakalipas at ito parin silang dalawa, matibay parin ang kanilang pagmamahalan kahit na parati silang nagbabangayan na parang aso't pusa. Noong paglipas ng limang buwan na kasal ni Rachael ay ikinasal na rin sila.
Iyak nang iyak ang mommy ni Courtney nang panahon na iyon dahil sa saya. Kaya ni-regalohan sila ng kanilang mga magulang ng malaking bahay sa isang sikat na subdibisyon.
.
.
.
.
.
Tumama sa mukha ni Courtney ang sikat ng araw at naramdaman niya ang marahang paghaplos ng kamay ng kanyang asawa papunta sa kanyang hita. 'Hhhhmmmm. Ano ba? Kagigising ko lang tapos minamanyak mo na naman ako.' sabay alis ni Courtney sa kamay ni Kyzrrou sa hita niya.
'Labidabs naman, naglalambing lang naman ako eh. Kasi hindi na ako makakalapit sayo mamaya dahil aalagaan mo na naman ang mga anak natin. Tapos papasok pa ako mamaya sa trabaho ko.' may dalawa na pala silang anak. Ang panganay ay lalake na ngayon ay limang taon na samantalang ang pangalawa naman nilang anak ay babae at ito ay isang taon pa lang.
'Hay nako. Oo na. Yayakapin nalang kita para hindi ka na magtampo.' at niyakap naman ni Courtney ang kanyang asawa. Hanggang sa narinig nila ang maliit na yabag ng paa na papunta sa kanilang kwarto. 'Mommy! Daddy! Open the door!' sigaw ng kanilang panganay na anak na si Kyle.
'Napaka-bossy talaga ng batang iyan. Ewan ko lang kung saan iyan nagmana.' mahinang sambit ni Kyzrrou. Napailing nalang siya sa sinabi ng kanyang asawa. 'Oh why baby? Anong problema.' sabi ni Courtney sa kanyang anak. 'Wala naman po. Gusto lang po namin na pumasok sa kwarto niyo.' wika ng kanilang anak na kasama pala ang isa nilang anak sa si Cyra.
Nanlumo naman ang mukha ng kanyang asawa nang pumasok ang dalawa nilang anak sa kanilang kwarto. 'Anyare sayo?' tanong ni Courtney sa kanyang asawa na ngayon ay ngumunguso. 'Akala ko makapag moment na tayo. Di bale nalang dahil itatakas kita bukas sa mga anak natin dahil pupunta tayo ng Tagaytay. Para naman masolo kita.' sambit ni Kyzrrou.
'Paano na ang mga anak natin?' ani ni Courtney. 'Eh di iiwan muna natin kina mommy tutal miss na nila ang mga apo nila.' kinurot na lang ni Courtney ang pisngi ni Kyzrrou saka sila bumaba para sa kanilang agahan.
'The best thing that happened into my life was having you and my kids. At wala na akong mahihiling pa. I love you' at hinalikan siya ni Kyzrrou sa labi tsaka sila tumungo sa kusina.
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Sa wakas at tapos na ang story na ito. Salamat sa mga readers at sa mga silent readers na bumasa nito. May God bless you all. Susunod na ang book two ng Mr. President kaya subaybayan niyo narin ang storya ni Kathy. :* STILL DON'T FORGET TO VOTE,COMMENT AND FOLLOW ME.
NOW SIGNING OFF~
BINABASA MO ANG
Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin
General FictionInagawan ka ng isang pinakamahalagang bagay na matagal nang sayo... Ang boyfriend mo.... Ang mas malala pa bestfriend mo pa ang umagaw sa kanya.. Gustuhin mo man siyang ipatiwarik pababa,hindi mo naman magawa dahil nga BESTFRIEND mo siya.. ...