Nagising si Courtney mga bandang alas-nwebe ng umaga,agad bumangon ang dalaga at pumasok sa banyo para maligo.. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya para magluto ng agahan..
Naalala niya na wala palang laman ang ref dito dahil minsan lang siya bumibisita dito.. Nagbihis nalang siya ng panglakad at lumabas patungong bayan..
Namili siya ng mga gulay,prutas at karne para mamayang tanghali... 'Tamang-tama dahil maglilinis pala mamaya si Aling Flora sa bahay..'
Ipinasok na muna niya sa kanyang kotse ang mga pinamili niya galing sa palengke at doon muna siya kakain ng agahan sa isang karenderya.. Bigla na lamang may kumulubit sa kanya..
"Ate pahingi po ng pera.. Pambili lang ng pagkain para sa mga kapatid ko.."-ani ng isang bata sa kanya.. Napatingin siya sa bata at gusgusin ang mukha nito.. Nabahid ang pagkaawa niya sa bata na nasa harap niya ngayon..
Lumuhod siya sa harap ng bata upang maka-level niya ito.. "Ilan ba kayong magkakapatid huh??"ningitian niya ang bata... Sinabi naman ng bata kung ilan silang magkakapatid..
Tutal nasa karenderya naman siya,binilhan na lamang niya ng pagkain ang bata at binigyan ng isang-daan.. Agad namang nagpasalamat sa kanya ang batang kalye bago,tumakbo ang bata ngumiti muna ito sa kanya at sinabihan siya ng
"Huwag po kayong mag-alala.. Maaayos rin ang lahat ate..".. Nabigla naman siya sa sinabi ng bata lalo pa't parang konektado sa kanyang sitwasyon ang sinabi ng bata..
Umuwi siya pagkatapos niyang kumain ng agahan sa karenderya... Pagpasok niya sa resthouse ay nabungaran niya kaagad ang kanilang caretaker.. Ito ay nasa mid-40's pa kaya makakakilos pa ito ng maayos..
"Mabuti at napadalaw ka dito hija.. Asan na ba iyang si Ky??" hindi alam ng kasambahay na wala na sila ng kanyang nobyo..
Hindi niya sinagot ang tanong ng kanilang caretaker.. Ngumiti nalang siya ng mapait.. "Manang maghanda na po tayo para sa ating tanghalian..
"Imbis na magkulong siya sa kwarto na parang EMO,nilakasan niya ang loob na parang wala lang nagyaring hiwalayan sa pagitan ng kanyang nobyo...
Samantala....
Ang ngiti ni Rachael ay abot hanggang tainga dahil nagtagumpay siya sa plano niyang agawin ang binata.. Nakayapos siya ngayon sa braso ng binata na parang ahas na ayaw humiwalay sa kanyang yakap..
"Akin ka alng, Kyzrrou. At walang makaka-agaw sayo dahil malalagot sila sa akin. Kahit na si Courtney pa iyan."
Pinagbantaan niya si Kyzrrou na pag hindi ito sumunod sa mga utos niya ay manganganib ang buhay ni Courtney.. Mahal na mahal ng binata ang kanyang nobya..
Kaya noong sinabi ni Courtney na maghiwalay na sila,parang pinagsakloban si Kyzrrou ng langit at lupa..
Kasalukuyan naman ngayong gumagapang ang mga kamay ni Rachael pataas sa hita ng lalaki.. Napaigtad ng konti si Kyzrrou.. Ang ayaw niya sa lahat eh yung hinihipo siya ng babae dahil alam niyang hindi ito tama..
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Sinipagan kong magUD ngayon kahit na tinatamad ako ng kunti.. Anyway, huwag niyo paring kalimutan mag vote,magbigay ng comments at kung maari ay i-add niyo ako sa inyong following list.. ♥ Nasa taas si Rachael pakitingin nalang.. :-)
Ang susunod na kabanata ay ipa-private chapter ko dahil sa maselang parteng hindi kagandahan para sa mga bata.. Chos..!! ☺
BINABASA MO ANG
Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin
General FictionInagawan ka ng isang pinakamahalagang bagay na matagal nang sayo... Ang boyfriend mo.... Ang mas malala pa bestfriend mo pa ang umagaw sa kanya.. Gustuhin mo man siyang ipatiwarik pababa,hindi mo naman magawa dahil nga BESTFRIEND mo siya.. ...