Umuwi na rin si Kyzrrou sa kanila dahil wala naman siyang gagawin sa resthouse, naka-alis na kasi si Courtney. Habang nagmamaneho siya, hindi niya maiwasang mag-isip sa mga bagay na naranasan niya araw-araw. 'Kailangan kong maka-usap si Rachael ngayon. Oo, tama.' tapos pinuntahan niya ang condo ni Rachael.
Kakatok na sana siya nang marinig niya ang usapan ni Rachael at ng mommy ni Rachael. 'Mom! Alam niyo naman na nobyo ko si Kyzrrou tapos ipapakasal mo ako sa ibang lalake?! Mom! You know how much i love Kyzrrou.' nag-crack na ang boses ni Rachael. 'Anak, it's for your own good. Para rin ito sa company natin---' hindi na natuloy ang sinabi ng ginang nang sumabat agad si Rachael.
'Mom! This is not for my own good!! Paano kung hindi ko gusto ang lalaking maka-arrange marriage ko? I have many plans in life! Ayaw ko pang magpapikot. I know that i am a bitch back then. But i changed mom. Kaya nga naging martir na lang ako kay Kyzrrou dahil alam kong *sob* m-mahal niya pa si Courtney.' nagsimula nang humagulhol si Rachael. 'Anak..'
'But now i realized. Your right, mom. This is for my own good. Okay. Pakakasalan ko ang lalaking magiging asawa ko.' napa-buntong hininga naman si Kyzrrou. 'Hindi ko na pala dapat ipaliwanag kay Rachael ang lahat.' bulong ni Kyzrrou sa sarili. Bumalik na lang siya sa kanyang sasakyan at saka pumunta na nalang sa kanyang condo.
--------------------
Pagdating ni Courtney sa bahay nila, nadatnan niyang nagku-kwentuhan ang kanyang mommy at ang kanyang tita. 'O siya, aalis na muna ako dahil may aasikasuhin pa ako sa opisina. Courtney anak, ikaw munang bahala sa tiyahin mo.' tapos umalis na ang mommy ni Courtney.
'Tita, i'm so glad your back.' pagkatapos ay niyakap ni Courtney ang kanyang tiyahin. 'Oww!! Ang laki na nang pamangkin ko! Tapos ang ganda-ganda mo na, hija' ani ng kanyang tita. Napag-desisyonan nilang sa restaurant muna sila kakain ng pananghalian.
'Kamusta na pala sila Alice, tita?' tanong ni Courtney sa kanyang tiyahin habang kumakain sila. 'Well, mabuti naman siya. Alice is 4 months pregnant. Magiging lola na talaga ako nito.' pabirong sabi ng kanyang tita. 'Naku po. Kahit na magkaka-apo na po kayo, eh maganda pa rin naman kayo.' tapos sabay pa silang tumawa.
Pagkatapos nilang kumain, naglibot-libot muna sila sa mall para makapag-libang. Pumasok sila sa mga botique at bumili ng mga damit. Syempre, sagot lahat ng kanyang tita.
Gabi na sila naka-uwi at pagod na pagod na sila dahil sa kakalibot sa mall. 'Anak, may bisita ka. Puntahan mo sa kusina. Andoon siya.' sabi ng kanyang mommy na parang may dobleng meaning ang sinabi niya. Pagpasok niya sa kusina, nakita niya doon ang pamilyar na bulto ng lalaking matagal na niyang minahal....
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Malapit na itong matapos. Kaya subaybayan niyo na. :)
Please don't forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin
General FictionInagawan ka ng isang pinakamahalagang bagay na matagal nang sayo... Ang boyfriend mo.... Ang mas malala pa bestfriend mo pa ang umagaw sa kanya.. Gustuhin mo man siyang ipatiwarik pababa,hindi mo naman magawa dahil nga BESTFRIEND mo siya.. ...