Kabanata 14

1.1K 24 1
                                    


Lumingon si Kyzrrou sa kanya na may mga ngiti sa labi. Lumapit siya dito 'A-anong ginagawa mo dito Kyzrrou?? Di ba dapat doon ka pumunta kay Rachael. '   tanong ni Courtney na parang nagtataka. Tumawa naman si  Kyzrrou saka siya niyakap. 'Nandito ako para magpaliwanag sa iyo. Lahat ng mga pagkukulang ko say gusto ko punan ko dahil alam kong parati na lang akong wala sa tabi mo.' paliwanagni Kyzrrou sa kanya.


'Teka, ano na naman bang kalokohan ito?' sabay kalas ni Courtney sa yakap ni Kyzrrou. Hinawakan siya nito sa pisngi saka inilapit nito ang kanyang noo kay Courtney. 'Sino ba ang nagsabi na kalokohan lang ito lahat? Gusto ko nang makipag-ayo sa iyo Courts.'  ani ni Kyzrrou sa kanya. Napapikit naman ang dalaga sa sandaling iyon at dinama ang kamay ni Kyzrrou na nasa pisngi niya.



'Pero, baka si Rachael magagalit dahil sa ginawa mong pakikipag-ayos sa akin...---'  hindi na niya natapos ang kanyang sinabi nang hinalikan siya ni Kyzrrou. 'Narinig ko kanina na ia-arrange marriage siya sa ibang lalaki at tinaggap niya na nalang ang kagustuhan ng kanyang mommy. Pero sasabihin ko muna sa kanya mamaya na nagkaayos na tayo.' sabi ni Kyzrrou.


'Hep! Hep! Anong nagkaayos? Eh hindi ka pa nga humingi ng tawad sa akin eh.'  tumawa naman si Kyzrrou dahil ang mukha ni Courtney ay parang nanay na pinagalitan ang kanyang anak. 'Akala ko ba pinapatawad mo na ako?' tanong ni Kyzrrou. 'Hindi ko naman sinabi na pinapatawad na kita. Ikaw lang itong nag jump into conclusion.' sabi ni Courtney na nakasimangot. 


'Pero, sige na nga. Oo na. Pinapatawad na kita. Kaya huwag ka nang magpa-puppy eyes. Hahaha. Para ang duck eh..'  Sabi ni Courtney sa kanya. 'Ah. Ganun pala hah... Ito sayo..'  tapos kiniliti ni Kyzrrou si Courtney sa bewang. Tawa naman ng tawa si Courtney hanggang sa hindi na nila namalayan na nasa likod na pala sila ng bahay naghahabulan.


Takbo dito takbo doon. Hanggang sa nadakip na ni Kyzrrou  si Courtney. 'Gotcha!!!'  Sabi ni Kyzrrou. 'KYAAAHHHH!!' hindi pala nila alam na napahiga na sila sa damo. Nakapatong sa taas si Coutney kay Kyzrrou. Ilang minuto na ang lumipas at nakatitig pa rin sila sa isa't-isa.


Palapit ng palapit ang kanilang mukha... Nang.....

.

.

.

.

.

.

'AAAYYYIIIEEEEEE!!!!' sigaw ng kanyang mommy pati na iyung mga katulong nila, nakisigaw na rin.  'Storbo.' narinig naman niyang sabi ni Kyzrrou. Hindi niya napigilang kiligin ng mga oras na iyon. Hindi naman mapigilan ni Courtney na pisilin ang ilong ni Kyzrrou.


~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

Last chapter na ang kasunod nito pati epilogue.


VOTE,COMMENT AND BE A FAN ☺ LOVELOTX <3


Kunin Mo Na Ang Lahat Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon