Nakatingin ako ngayon ng masama kay Francis, kaibigan kong bakla, na yapos- yapos ang green na Fibrella galing kay kuya na nasa jeep kahapon.
"Hmm," at inamoy pa ang payong!
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Paano pala kung pangit yong lalaking sinasabi ko? Ano na lang gagawin mo sa payong na yan?"
Nanlaki ang mata niya at inihagis sa akin ang payong. "Leche ka!"
"Grabe ka kung makahagis ha? Buti matibay to!"
Kinuha niya ulit sakin yong payong at hinaplos-haplos siya.
"Pero sorry ka. Pogi yung boylet mo at malayo sa sinasabi mong pangit."
Kilala na kasi namin si kuya na nagpahiram sakin ng payong. Dahil sa stalking skills ng bakla kong kaibigan, nagawa namin mahanap sa Facebook yong lalaki. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Francis ang pangalan ni kuya Fibrella a.k.a. Jacob Andrew Cua.
Tumaas ang kilay ko. "Really, Francis? Boylet ko? Pinahiram lang ako ng payong, boylet na agad?" I countered.
At inirapan naman ako ng bading. "Sparks ang tawag dun, ateng! Pwede naman niyang wag ka na lang pahiramin ng payong, but he chose to lend it to you!" paliwanag nito with matching gestures.
It was my turn to roll my eyes. I didn't answer, though.
"Yan! Yan ang rason! Kaya walang tumatagal na manliligaw sa'yo e."
Ugh. Not that topic again!
"Girl, maganda ka. Matalino. Mabait? Pwede na. Pero ang dense mo te!"
Umiwas ako ng tingin sa baklang yon.
I'm not dense. I just choose to ignore the way guys look at me. Kahit gusto ko yong lalaki, I don't show them.
"Remember, Carl? Yong nanligaw sa'yo simula first year high school hanggang grumaduate tayo? My goodness, Lia Christiana! Sayang yon! Varsity, pogi, matalino, member ng church choir, sincere, ma-effort. Pero pinakawalan mo pa!" the gay said while snapping his fingers.
"Edi sana ikaw ang sumagot sa kanya," malamig kong sabi.
"At si Jonathan? Yung sinurprise ka pa sa harap ng mga kaibigan niya? Te, pinahiya mo yung tao! Nag walk out ka! Ang lamig mo."
Dahil naiinis na ako, pinili kong gayahin na lang ang buka ng bibig ng baklang kausap ko.
"Hay, nako, Lia. I don't know what to do with you na. Bakit ba ayaw mo sa mga lalaki?" he said and sighed.
"Hindi sa ayaw ko sa lalaki, Francis. I told you before, ayoko pa magkaboyfriend. Not until I'm on the right age," paliwanag ko.