Chapter 9: Ariana Grande

1.3K 56 8
                                    

Hindi ako tanga, okay?


Alam ko.


Oo. Alam ko. Ramdam ko.


Denial was just my initial reaction pero afterwards ay nagising rin ako.


I mean, Jacob never even mentioned the girl's name. I remembered that time in Yellow Cab, yung sagot niya sa mga tanong nina Francis tungkol sa babaeng gusto niya.


"Balak ko pa lang..."


"Maybe when I get to know her more..."


And he said those while he was looking at me.


Alam kong may something.


Ever since the first time, alam kong meron.


I was just not ready para i-entertain yung spark na yun.


And I guess until now, hindi ko pa rin alam kung paano.


Kaya pagkatapos ng nangyari ng gabing yon ay hindi ko alam ang gagawing pakikitungo kay Jacob.


Lalo na nang magpost siya ng picture sa Instagram account niya ng picture sa Mt. Palay Palay.


Okay lang sana kung group picture naming lahat. Ang kaso picture yon na kaming dalawa lang at nakaakbay pa siya sakin.


Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ang caption.


"Thank you @manuellia for bringing us here! 'Til next time!"


Buti na lang it sounded like we're just plain barkada.


But the comments from his fangirls didn't help. Syempre gwapo ang kuya niyo. Some of the comments were:


"Oh my gosh, may girlfriend ka na kuya Jacob?"


"She's pretty! Girlfriend mo?"


"Noooo! Akin ka lang Jacob Cua!"


"My heart is breaking! Sana magbreak na kayo!"


Napa-poker face ako sa huling nabasa. Grabe ka, ate. Ni hindi nga kami e.




Ngayon ay araw ng enrolment at magkakasama na naman kami nina Francis at Daphne. Sina Jenn ay last week pa nagsimula ang klase dahil mas nauna ang calendar nila sa amin. Pati sina Jacob ay ganun din.

If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon