Special Chapter: Lazy Day

1.9K 73 7
                                    

Alam niyo yung feeling na parang puro usok yung dibdib niyo? Tapos in an instant, nawala lahat nang yon? Ganun ang pakiramdam ko ngayon.

Kasi finally, tapos ko na ang buhay Med Tech; tapos ko na ang board exams at nakapasa ako.

Pero alam ko namang for the meantime lang ang lahat ng 'to dahil balak kong pumasok sa med school.

So, basically, this is my first summer na nakakahinga ako ng maluwag. Saka ko na iisipin ang med school dahil nakapagpasa na naman ako ng requirements for application College of Medicine ng university. Alam ko namang tatanggapin ako doon. Subukan lang nila kung hindi. Naku!

Hmm. Si Jacob? He's doing well. Actually, sabay kaming grumaduate since he's a year ahead. In a week ay magsisimula na siya sa kanyang training sa isang construction firm. Two years yon bago siya mag-board exam.

Hanga din ako sa isang 'to dahil napapagsabay niya ang pag-aaral niya, pamilya, at ako. Salute! Kaya naman, I'm also doing my best para maipakita sa kanya na lahat ng effort niya sakin ay hindi nasasayang.

Ngayon nga ay magkasama kami. For the first time since I don't know when, nagkasabay ang bakanteng araw namin. And we choose to spend it inside Jacob's house. Nasa out of town job ang ate niya at ang parents niya ay nasa US.

Nakahilata kami ngayon sa couch sa loob ng kwarto niya (mayamanin) at nagmamarathon ng Marvel movies. Currently, The Winter Soldier ang nasa screen. Ang hot lang talaga ni Chris Evans. Idagdag mo pa 'tong si Bucky.

I felt Jacob's hands playing with my hair. Nakadapa kasi ako sa kanya. Nakahiga siya sa sofa tapos nakasandal sa arm rest. Ako naman ay nakaunan sa torso niyang matigas. Hihi. Tapos my lower body is in between his legs. Ang landi ko lang.

Katatapos lang namin magtanghalian pero ngumangata na naman kami ng chichirya.

Naramdaman kong nawala na sa buhok ko ang kamay ni Jacob. Napunta na yon sa pisngi ko. He's caressing it. Napapikit ako dahil nakakarelax.

"Hmm," I don't know why I made that sound.

"Antok ka?" I heard him ask.

Umiling ako ng bahagya.

To hell with Chris Evans. May Jacob ako!

Nag-angat ako ng mukha at tiningala siya.

Nakatingin siya sa screen pero wala na sa kabila niyang kamay yung Potato Chips.

Gumalaw ako para sumiksik sa leeg niya. Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero pinulupot naman niya ang mga kamay sa bewang ko.

I felt him chuckle. "Naglalambing ba ang baby ko?"

Ako naman ang tumawa ng mahina. "You think?"

Hinaplos haplos niya ang likod ko. I kissed his jaw and I heard him groan.

"Wag kang ganyan, Lia," saway niya.

Hinaplos ko ang dibdib niya at naramdaman kong pinisil niya ang bewang ko.

"You asked for it."

Napatili ako nang pinagpalit niya ang posisyon namin. Siya na ngayon ang nakadagan sakin. Ako naman ay tumatawa. Oo. Dinadaan ko na lang sa tawa, pero deep inside ay medyo kinakabahan ako. Baka kung saan kami mapunta. We never did it. Kuntento na si Jacob sa pahalik-halik lang. At alam kong nirerespeto niya ako.

I felt him nuzzle my neck. Kinikiliti niya ko roon using his nose. Ako naman ay patuloy sa paghagikhik.

"Jacob! Ano ba?" hiyaw ko dahil dinagdagan niya pa ng pagkiliti sa tagiliran ko.

If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon