Chapter 1: Le Fibrella

3.2K 88 10
                                    

Go ahead rip my heart out

If you think that's what love's all about


Sinasabayan ko ang kanta ng 5sos sa isip ko habang nakatingin sa malakas na ulan sa labas.


Hindi ako makaalis sa may entrance ng building namin na katapat na ay kalsada.


I want you to want me this way

And I need you to need me to stay


Aish. Alas cinco na! Anong oras na ako makakauwi samin?! 1 hour pa naman ang byahe pauwi kapag traffic!


If you say that you don't feel a thing

If you don't know

Let me go

Oh oh oh oh wa-


Tinanggal ko ang pagkapasak ng earphones sa tenga ko at itinago sa bag ang ipod.


Bahala na nga!


Binuksan ko ang payong ko at sumugod sa ulan.


Pero dahil malakas ang hangin, nasira yong payong kong green na hindi Fibrella!


Buti na lang at may jeep kagad akong nakita na papunta sa amin.


Medyo nabasa ako kaya pagsakay sa jeep ay naglabas ako ng panyo at nagpunas ng mga braso.


Kaso sa may pintuan ng jeep ako nakaupo kaya nababasa pa rin ako. Grrr. Ang malas!


Lumakas yong hangin kaya naman humampas sakin yong ulan.


Bakit ba walang plastic na pang-ano ang jeep na 'to!


Tinitigan ko ng masama ang payong ko na hindi Fibrella. Kung hindi ka lang sana nasira edi pinangharang na kita sa malakas na hangin at ulan na lumalapastangan sakin ngayon!


Bigla ulit humampas ang malakas na hangin at ulan sa'kin.


Yung ulan at hangin, madami-dami pa. Pero yung pasensya ko, konting-konti na lang!


"Uhm, miss, payong o," rinig kong may nagsalita at nakita kong may green na payong na nakaabot sa harap ko.


Tiningnan ko kung saan yon nanggaling, at dumako ang paningin ko sa katabi ng katabi ko sa kaliwa.


Saglit akong napatitig sa lalaking nakaabot sa akin ang payong.


Oh my gulay. Kuya, why so pogi?


Maputi siya. Hindi yung maputing koreano. Yung maputing, blooming? Ah, basta. Maputi. Tapos medjo makapal yung kilay kaya nagmukhang matapang yung mukha niya. Tapos matangos ang ilong. Yung labi niya-


"Uh, miss, kunin mo ba?" napatigil ako sa pagkilatis sa facial features niya nang magsalita ulit siya.


I blinked several times bago tumingin sa green na Fibrella at kinuha yon.


"A-ahh, salamat."


Binuksan ko yon at ipinangharang sa pinto ng jeep.


Kapag may bababa, sinasarado ko bago bubuksan ulit. Fibrella e! Kaya madali lang. Masaya siya gamitin! Bibili na nga ako ng Fibrella sa susunod.


After ilang minutes ng byahe (without looking at the guy na nagbigay sakin ng payong), pumara na siya. Kaya naman tiniklop ko yong payong.


"Uhm, yung payong mo. Salamat sa pagpapahiram," nahihiya kong sabi sabay abot ng payong niya.


Ngumiti siya at umiling. "You'll need it. Malakas pa ulan, oh," he said at ngumuso sa labas.


"Pero paano k-"


Hindi na niya ako pinatapos kasi nakababa na siya.


Ang lakas pa ng ulan!


Umandar na ang jeep at nakita kong nasa may waiting shed siya.


Nakatingin siya sakin habang nakasangga yung Jansport niya sa may ulo niya.


Bigla siyang kumaway!


Homaygosh!


Yung puso ko. Shet.




If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon