Chapter 5: Assumerang Christiana

1.5K 62 9
                                    

Lia: *thumbs up*

Sht! No! No! No! Bakit kasi hindi uso sa messenger ang pagbawi ng sinend e!

Nakita kong may nakalagay nang blue na check sa gilid ng *thumbs up* na sinend ko. Ibig sabihin nakita na niya!

No!

Jacob: Payag ka? :D

Hell, no!

Agad akong nagtype.

Lia: Sorry. Napindot lang.

Pagkasend ko noon ay pinatay ko na ang cellphone ko.

Napapikit ako ng mariin at napasandal sa upuan.

Whoo!

I heaved a deep sigh and went back to studying.

Kinabukasan ay kinwento ko kay Daphne at Francis ang nangyari kagabi. At nakatanggap ako ng mga irit at hampas.

"Ang swerte mo, girl! Palit nga tayo ng katauhan! Kahit isang araw lang!" sigaw ni Francis sabay hampas sa'kin ng handout na hawak.

Si Daphne naman ay nakangiti sa akin ng nakakaloko. Inirapan ko lang siya.

"Ewan ko sa inyo. Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Malay niyo, may masamang balak pala yon sakin," pagtatanggol ko sa sarili.

"Ano namang balak niyang masama sayo, aber? May ganun ba ka-gwaphong rapist?!" si Francis.

"Malay mo," sagot ko ng nakanguso.

"Ewan ka sa inyo. Mag-aral na nga kayo," singit ni Daphne.

Katatapos lang kasi ng isa naming exam ngayon. Bukas ay meron ulit. Kaya nagbalak kaming mag-group study ngayon.

Nang matapos ang exam week, ay para akong tinanggalan ng isang libong tinik sa dibdib.

Finally!

Makakahinga na ako ng maluwag!

Not!

Dahil midterm palang yon. Worse is yet to come. May finals pa.

"Let's go na, sisterette!" akay sakin ni Francis habang hawak naman sa kabilang kamay si Daphne.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang Yellow cab. Doon kasi kami magcecelebrate dahil sa wakas ay tapos na ang kalahati ng semester.

Pagkalabas ng building namin ay nagtataka ako dahil lahat ng babae ay nakangiti at may nililingon.

May isa kaming nakasalubong na narinig ko ang sinabi. "Te, bet ko yung mata niya."

"Ang gwapo talaga e!" sagot ng kasama nung nakasalubong namin.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil wapakels rin naman ang mga kasama ko.

Pero hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang mga drums sa dibdib ko.

May isa pa kaming nakasalubong.

"Sino kaya hinihintay niya?"

"Baka girlfriend?"

"Ang galante ha. Taga UCS tapos CMI? Bagay!"

Babaliwalain ko na sana kaso may nahagip ang mata ko na napatigil sakin sa paglalakad.

Naningkit ang mata ko ng ma-recognize ang uniform na taga kabilang uni.

Bigla akong tumalikod ng maramdamang titingin na sa direksyon ko ang lalaki.

If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon