Tuluyan nang nagising ang buong diwa ko dahil sa text na yon ni Jacob.
Putakte! Nantitrip ba siya?!
Kinapa ko ang dibdib ko. Sobrang lakas ng dagundong. Oo! Dagundong talaga!
Maya-maya ay nagbeep ulit ang phone ko.
Jacob: Sorry, Lia! Sht. Si ate yun! Ang kulit kasi!
Hindi ko alam ang mararamdaman sa sunod niyang text.
Ang bilis talaga ng tibok ng dibdib ko.
Lia: Gagu ka!
Oo! Minura ko siya! Close naman kami kaya ayos lang.
Jacob: Si ate talaga yun! Sorry!
Hindi na sana ako magrereply pero...
Jacob calling...
Sasagutin ko ba?
Kapag sinagot ko, ano namang sasabihin ko?
Kapag naman hindi ko sinagot, iisipin nun na galit ako, which I'm not.
Bahala na.
I swiped the green button on the screen.
"Lia, hello?"
"Jacob, bakit?"
"Sorry sa text! Si ate talaga yon!"
"Psh. Tumawag ka para lang don?" I sounded my best to be casual.
"Oo. Baka kasi magalit ka," mahina niiyang sabi sa kabilang linya.
"Sus. Hindi ako galit," and I heard him sigh. "O sya, inistorbo mo ang tulog ko. Magagalit na talaga ako," I joked.
"Sorry ulit. And sorry sa pangistorbo. Si ate kasi e. Sige na. Good night."
"Good night."
Pagkababa ng phone ay hindi ko alam ang dapat maramdaman. Should I be relieved na walang meaning yung I love you na yon? Or should I be disappointed because it's not real?
I have already established na parang meron akong nararamdaman for Jacob. And I don't know what it is. Basta para akong kinikilig kapag nandyan siya.
Okay. Enough. Matutulog na ako ng maaga kahit wala pang pasok bukas. Matutulog ako kasi ayoko maramdaman to. Matutulog ako kasi I want to shut down every feeling I'm feeling right now. Matutulog ako kasi ayokong mag wander ang isipan ko at maisipang in love ako kay Jacob. Pero mas ayoko na matutulog ako na hindi in love, pero magigising ako na in love na pala ako.