Chapter 20: End of the Day

1.4K 67 14
                                    

This is the last chapter. Wala na pong Epilogue :)

Thank you sa lahat ng sumubaybay sa kwento ko- este ni Lia at Jacob. 

Shout out sa lahat na consistent sa mga comments and votes haha. 

All the love and love all around x 

---------------


"YES, JACOB!"

Parang tumigil yung roller coaster nang marinig ko ang matamis niyang 'oo.'

Ang tanging nararamdaman ko ng mga sandaling yon ay ang palad niya sa palad ko, ang mga daliri niyang nakapulupot sa mga daliri ko, at ang puso kong bumilis ang tibok, hindi dahil sa Space Shuttle kundi dahil sa pag-oo ni Lia.

The next thing I knew, tumigil na ang roller coaster at pababa na kami.

Nang makababa, ay nagsihiyawan ang mga kaibigan namin. Inakbayan kaming dalawa at kumantsaw ng kumantsaw.

"Yun naman o! Gusto pa pala sa roller coaster sagutin e!" si Enzo.

Binatukan ko siya.

Hinanap ko si Lia na siya namang pinalilibutan nina Francis, Daph at Jenn.

Kita kong namumula ang mukha niya. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha siya sa mga kaibigan niya.

"Solohin ko muna, ha?" paalam ko at nauna na kaming maglakad.

Nakaakbay ako sa kanya habang naglalakad kami pero walang imikan.

Tinusok ko ang pisngi niya, dahilan ng pagtingin niya sakin. Yun. Tiningnan din ako.

"Thank you," sabi ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, not expecting it. Mukhang nagets naman niya kung bakit ako nag-thank you.

She smiled back and I think I just saw heaven.

Kinawit niya ang kamay sa bewang ko. Kilig much. Bakla amputs.

"'wag mo kong sasaktan, ha. Patayin kita," banta niya, and I find it cute.

"Asa pa," sagot ko.

And we enjoyed the day together. Gabi na nang napagpasyahan naming sumama na ulit sa barkada. Nagkita-kita kami sa entrance at doon nagpicture taking ulit, as requested by Francis.

Nang nasa parking lot na kami ay kinantsawan na naman kaming dalawa ni Lia. Nagrequest pa nga na magcouple photo daw kami. Wala akong alam don.

Tiningnan ko si Lia na mukhang naaasar na sa mga kaibigan namin. Kaya naman napangiti ako. Ang cute e. Nakasimangot haha.

Pinagbigyan namin sila kaya naman umakbay ako kay Lia at siya naman ay isinukbit ang braso sa bewang ko. Ngumiti kami sa camera para matapos na.

Hanggang sa byahe pauwi ay high-energy ang mga ulupong. Parang hindi napagod sa rides buong araw.

Unang inihatid ay sina Francis at Daphne. Pagkatapos ay sina Jenn at Lia.

Bumaba din ako ng sasakyan and walked them to their room.

After saying her thank you, Jenn walked in their apartment, leaving only Lia and I.

Sumandal kami sa pasilyo at inakbayan ko siya.

Yes, I like her close to me. Not in the perverted way. I like her really close. Ramdam na ramdam kong akin na siya.

I kissed the top of her head. "Akin ka na diba?"

I felt her nod. Gusto ko sanang marinig ulit ang 'oo' niya pero baka naman sabihin niya, demanding ako kaya solve na ko sa simpleng tango niya.

"At sa'yo na ako?" hirit ko pa.

I felt her giggle, so, I kissed her hair again.

Humiwalay siya sa akbay ko, to my dismay. Pero nang humarap siya at niyakap ang bewang ko habang nakatingala sakin. Joke lang yung pagkadismaya ko kanina.

"Ngayon lang 'to," she said, almost a whisper.

Naguluhan ako.

Wait. Anong ngayon lang 'to? Ngayon lang magiging kami? Ngayon lang siya akin? Anong ibig sabihin niya?! Anong 'ngayon lang 'to' ang pinagsasasabi ne-

Nagulantang ang buong universe ko nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Her face is so close at naduduling na ako sa kahahanap sa mga mata niyang nakasarado naman, kaya sinarado ko na rin ang mga mata ko at dinama ang halik niya.

Then, I kissed her back. And I'm glad she didn't pull away.

God, this day could not get any better.

This is the best thing that ever happened to me.

This is the best night of my life.

Just me, her, and the moon.




If You Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon