Pagkauwi ni Jenn galing uni nila ay agad kong ikinwento ang araw ko.
Simula sa paggising ko na gutom hanggang sa pagkikita namin ni Harris hanggang sa paghatid sakin ni Harris sa apartment. Nalaman ko rin kasi na sa village rin lang namin nakatira si Harris.
"Oh? Talaga?" walang kalutay-lutay na reaksyon ni Jenn.
Kaya sinapak ko siya.
"Yan lang ang masasabi mo?"
"Oo e. Sorry pero Team Jacob ako," sabi nito ng hindi tumitingin sakin.
"What? Sino namang may sabing may Team Edwa-"
"So, Team Jacob ka din?" putol nito sakin.
Sht. She caught me off guard.
"You're obvious, Lia. Para namang hindi ka nagk-kwento sakin. At tuwing nagk-kwento ka, lalo na kung tungkol kay Jacob, I can see something in your eyes. Parang ang saya mo."
Nagkunwari akong hindi siya naririnig.
"Hindi ka ba nakukulangan sa buhay mo, Lia? I mean, your family is okay. Your studies are okay. Scholar ka pa ha. Love life na lang ang kulang girl. Hindi mo ba ramdam na may something missing?"
Siguro ay mukhang hindi ako nakikinig pero damang-dama ko ang mga sinabi ni Jenn.
Biglang parang naging blanko yung dibdib ko. Parang nawalan ng laman.
Naramdaman ko bigla yung sinasabi ni Jenn na 'something missing.'
Oo. Alam ko kung ano yon. Kulang ako sa pag-ibig.
"You already know the reason to that Jenn. Alam mong takot ako, diba?" I finally faced her.
"Jacob won't hurt you."
Bahagya akong natawa. "Bakit naman napunta si Jacob sa usapan?"
"Because I can see that he's the guy who's gonna fill up the spaces, Lia!" halos pasigaw na niyang ganti.
Saglit kong tinitigan ang kaibigan. Halata sa mukha nito na gusto niya akong sumaya at ma-experience ang bagay na dapat ma-experience ng isang teenager na tulad ko -ang umibig.
I sighed.
"I'll try, Jenn. Hindi ko pipilitin, pero susubukan ko."
Ngumiti ang kabigan ko.
"Hindi mo na kailangan pilitin, Lia. Kasi madaling magmahal. Lalo na kung kasing gwapo ni Jacob," she laughed after saying that kaya pati ako ay natawa.