Umuwi ako sa Batangas para magbakasyon. Inayos ko muna ang mga dapat ayusin sa school tulad ng clearance bago umuwi sa bahay. Siguro ay two weeks akong maglalaki doon bago ako pumunta sa Cebu para bumisita sa mga lola ko doon.
Nakarating sa mga kaibigan ko ang balita na hindi ko sinagot ng 'oo' si Jacob. Agad nila akong binomba ng mga text at tawag. Hindi ko sinagot ang mga pangi-istorbo nila.
I just sent Jacob a simple text message.
Lia: Ikaw na bahala magsabi sa kanila :) ake care.
He replied with an okay, a take care, and an I love you. Pagkabasa ko noon ay hindi na ako nagreply.
Nagkwento ako kay mommy tungkol sa nangyari. I tried my best not to tear up while telling her everything. Akala ko maiinis siya kasi Jacob has been very nice to me and to my family tapos hindi ko mabigay kahit ang 'oo' ko man lang.
What she said made me feel lighter. What she told me made me feel like I made the right decision.
Mabilis lang nagdaan ang two weeks ko sa Batangas. Jam-packed ang stay ko doon kasi nagyaya ang mga tita ko na mag beach bumming kami sa Nasugbu. Well, being a beach-bitch, go na go ako. And somehow, all my worries went away with the waves.
Nagpalit din ako ng number pero temporary lang. Ibabalik ko rin yung dati kong number once na maayos ko ang isip ko.
Mag-isa akong nagboard ng plane papuntang Mactan. Hinayaan ako ng mommy at daddy ko kasi sanay na naman akong bumyahe sa eroplano mag-isa. Medyo lakwatsero ako e.
When I reached Mactan, sinundo ako ng tita ko, pinsan ni mommy, at hinatid sa Bus Terminal. Bi-biyahe ako papuntang Ginatilan kung saan nakatira ang mga lola ko. It will be a four hour trip din.
10 days ako nalagi sa bahay ni lola. At sa loob ng 10 days na yon ay sisiguraduhin kong may time for adventure at time for relaxation ako.
The first on my itinerary was Canyoneering. I always wanted to try this extreme sport kaso ngayon lang ako pinayagan ni mommy na gawin to. Kasama ko ang mga tito ko na pumunta sa Alegria kung saan mags-start ang downstream canyoneering. Pagkatapos ng ilang oras ng paglangoy at paglalakbay sa river canyon ay narating din namin ang Kawasan Falls.
The next few days, I spent it waterfall hopping sa mga kabilang bayan ng Ginatilan. I went to Cancalanog Falls, Dao Falls, Aguinid Falls, Inambakan Falls, and such. I even went to Oslob to swim with the whale sharks and experience the majestic Tumalog Falls.
Nag-hike rin kami ng mga pinsan at tito ko roon sa Osmena Peak. It was an easy trek dahil na rin siguro naka-experience na akong maghiking ng ilang beses.
At dahil sobra akong nag-enjoy sa bakasyon ko sa Cebu, nawalan ako ng time makapag-isip isip tungkol sa sitwasyon ko.
Pero to be honest, there were times I felt lonely. Well, maybe I was missing him. Medyo nasanay na rin kasi ako sa presensya niya, the way he held my hands, the way he comfortably put his arm around me, the way he pinches my cheek, the way he kisses my forehead, the way he makes me feel, the way he does everything.
Okay.
Fine.
I am finally admitting, in full sentence, that I am in love with Jacob Andrew Cua.
It took me some time to convince myself that this feeling that I am feeling is the feeling of love.
Bakit hindi ko sinagot si Jacob?
Kasi nga hindi sapat ang pagmamahal ko para panindigan ang magiging relasyon namin.
Kasi nga may takot. Na-explain ko na yon ng paulit ulit kaya hindi ko na uulitin pa.
On my last day in Cebu, I spent it in the city. I stayed at my tita's house at doon nakabonding ang mga pinsan ko. Kinabukasan ay hinatid nila sa airport para sa flight ko pabalik sa Manila.
I thought my trip would end peacefully. But then, nang magconnect ako sa wifi ng airport ay hindi ako nasiyahan sa nakita sa Facebook.
I saw a picture of Jacob and a girl on my timeline. Naka-tag ang picture kay Jacob sa picture. Ngiting-ngiti ang babaeng kasama niya sa litrato habang siya naman ay blurred ang mukha dahil siguro sa paggalaw niya.
I read the caption and it says, "The photo may be blurred but it doesn't change the fact that we had our first picture together. Thank you Jacob Andrew Cua."
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Parang may pumipilipit na mainit na bagay sa kaloob-looban ko.
Mas hindi nakatulong nang makita ko ang mga tuksuhan sa comments.
I had the urge to throw my phone to the farthest part of this airport!
"Chill, miss," may nagsalita sa tabi ko.
Nilingon ko yon at isang babae na siguro ay nasa late 20s na. Hindi ko siya kilala kaya naalerto ako.
Baka mamaya, mabiktima pa ako ng laglag bala na yan.
"Boyfriend mo ba yan?"
Hindi ko siya pinansin at niyapos ang gamit ko sakin. Ang maleta ko naman ay chineck in ko na.
I heard her giggle. "I loved someone once. He was my first love. And I could say that he's my greatest love."
I continued to ignore her habang ang atensyon ko ay nasa bagahe ko lamang.
"Siguro ay nasa edad mo ako noon nang ligawan niya ako."
I don't know but I found myself listening to her.
"Patay na patay siya sakin noon. Ako naman, hindi alam ang nararamdaman. First love nga e. Hindi ko alam kung love na ba yung nararamdaman ko."
"I was scared. Kaya hindi ko siya sinagot."
Nanigas ako sa inuupuan ko.
"He said he'll wait for me hanggang sa mawala yung takot ko. So, I let him love me from afar. And I let my feelings for him grow nang hindi ko namamalayan."
"Time passed when I finally realized that my love for him is greater than my fear."
Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.
"Bumalik ako. I came back for him."
"But he wasn't there anymore. Hindi niya ako nagawang hintayin kahit nangako siya noon."
"I watched him love another woman. And I watched the woman love him back in a way that I can't."
Napatutop ang kamay ko sa bibig.
"I should've followed my heart instead of my brain. Nakakainis no? Sabi nila, gamitin daw ang utak sa pagmamahal. Pero hindi naman nila sinabi kung kelan natin ito paiiralin. Hindi nila sinabi kung kelan ito dapat gamitin. Ayan tuloy. Nagamit ko ng wala sa oras ang utak ko imbis na ang puso ko ang dapat na ginamit ko noong mga panahong yon."
Nagpatuloy lang siya sa pagk-kwento pero wala na akong naiintindihan.
Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni mommy sakin.
"Follow your heart even though it will break."
Napasinghap ako to fight back my tears.
Maybe this is the sign.
Maybe this is the right time to finally ignore the fear and listen to my heart instead.
Ayokong maggaya kay ateng katabi ko.
I will follow my heart.
Even if it means breaking it in the process.