Pagkauwi sa bahay ay naisipan naming sa garden kumain. Ang mga lalaki ay nag-ihaw ng bbq habang ang mga babae ay gumawa ng iba pang ulam.
Masaya kaming nagkwentuhan kasama ang magulang at mga kapatid ko habang kumakain sa garden.
"May pumoporma na ba dito sa anak ko?" biglang tanong ni daddy na ikinalaki ng mga mata ko.
Nagkatinginan kami ng nina Francis bago nagtawanan.
"Sa pagka amazona po ng anak niyo, walang nakakalapit diyan!" kumento ni Jenn kaya naman inirapan ko siya.
"Sa inyo bang mga binata, wala?" si mommy naman sabay ikot ng tingin sa mga lalaking kaibigan.
Nagtawanan naman sila.
"Taken na po ako," sagot ni Kent habang nakatingin kay Jenn.
Gusto kong masuka!
"Ganun ba? E sa inyong apat?" baling ni mommy kina Jacob, Enzo, Tom, at Law.
Nagpalitan ng mga ngisi ang tatlo maliban kay Jacob na nakatingin ng masama sa mga kaibigan niya.
"Mi naman!" sumingit na ako bago pa magkaroon ng kung ano.
Iniba ko na lang ang topic at nagpatuloy kumain.
Pagkatapos noon ay nagsiakyatan na kami sa kwarto na tutulugan. Hiwalay ang boys at girls of course. Sa kwarto ko kaming girls, sa guest room naman sa taas ang boys.
Pero for the meantime, lahat kami ay nasa guest room at nanonood ng horror movie.
Tabi- tabi kami sa sofa ni Francis, Daph, at Jenn. Nakalupasay naman sa lapag ang mga lalaki at nasa unahan ko si Jacob, nakasandal sa mga tuhod ko.
Ang landi talaga ng lalaking to.
Maya- maya, sa kalagitnaan ng panonood ay naramdaman kong tumingala siya sa akin kaya binalingan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Penge Tomi," bulong nito.
Iniabot ko naman sa kanya ang hawak kong chichirya at bumalik sa panonood.
Nang mapunta sa nakakatakot na part ang movie ay naramdaman kong may umiipit sa legs ko.
Napatingin ako kay Jacob na todo na sa pagsandal sa tuhod ko. Kaya ni-wiggle ko ang legs ko para maalis sa pagkakaipit niya.
"Ang sakit!" pasigaw kong bulong.
Nilingon niya ako and he smiled apologetically. "Sorry," sabi niya at umusod ng konti.
Natapos ang movie na halos tulog na ang lahat pwera sakin. Kaya pagkalipat naming girls sa kwarto ko ay bagsak agad sila.
Minutes passed and I can't seem to sleep. Ganito talaga ako. Hindi madali makatulog. Pero kapag nag-aaral na, mabilis antukin.
I decided to go out of my room. Hindi din kasi ako sanay na may katabi sa kama. Hiwalay kasi kami ng higaan ni Jenn sa apartment.
Pumunta ako sa balcony namin at muntik nang sumigaw nang may makitang pigura ng tao na naroon. Katatapos pa naman manood ng horror movie.
Pero nang marealize ko kung sino yon ay nilapitan ko siya. He smiled at me while I join him. Sumandal din ako sa balcony at tumingin sa kawalan.
"Bakit gising ka pa?" tanong ni Jacob.
"Same reason as yours, perhaps?"
Tumango lamang siya.
A moment of silence.
![](https://img.wattpad.com/cover/49783742-288-k482642.jpg)