Chapter 5
Icy's pov
Sinusumpa ko ang araw na nagkita kami sa mall at ang araw na naging kaklase ko siya, kinagabihan ng araw na halos atakihin ako sa puso dahil sa akala ko ay mamamatay tao siya ay gumawa agad ako ng voodoo doll, ibon nga lang ang itsura nito.
"Uunahin kong baliin ang binti mo para hindi kana makapasok sa school at hindi ko na makita ang mukha mong kasing kinis ng puwet ng sanggol." sabay bali ko sa binti ng voodoo ibon doll.
"Ngayon naman ang mga kamay mo para hindi kana makahawak pa." Panggigigil ko sa pakpak ng ibon, naalala ko na naman tuloy ang ginawa niya kahapon na pananakot sa akin grrrr!.
"At ang pag huli ay ang leeg mo." sobrang inis kong pilit na paikutin ang uli ng ibon
"Hahaha hindi ko alam na may isang probinsiyanang manok na mangkukulam, sino ang makakapag akala na ang mangkukulam na manok ay nagbabalat anyong tao." Tumayo ako sa pagkakaupo at hinanap ang boses ng taong kinaiinisan ko.
"Bakit hindi mo subukan tumingala." Sinunod ko naman ang sinabi niya at tumingala.
Napahalakhak ako ng sobrang lakas nang makita ko ang isang ibon na nasa puno.
"Hi-hindi ko alam na pwede ka palang maging komedyante hahaha kaloka ka ibon alam mo bagay na bagay ka sa puno lalo na ngayon, two faces ka pala your a monkey bird hahahahaha" tawa ako ng tawa dahil sa wakas nakahanap na siya ng lugar kung saan siya pwede.
"Aray ko!." Pagrereklamo ko sa kanya dahil binato niya ako ng maliit na sanga na tumama sa noo ko pero ng makita ko ulit siya napatawa ulit ako.
Grabe ang sakit na ng tiyan ko at naluluha na ako sa sobrang tawa.
"Hoy hindi ka parin titigil?." Wala akong pakialam kung galit na siya dahil wala akong pakialam.
Ang pinapakialam ko lang ngayon ay kung paano tumigil sa pagtawa, kailan ba ang huli kong pagtawa ng ganito? na halos hindi na ako makahinga. I owe him for this day for making me a crazy happy kid.
Naramdaman kong nasa tabi ko na siya at ramdam ko din ang matatalim niyang tingin pero hindi ko ito pinansin, pinunasan ko ang mga luhang dulot ng pagtawa saka kinalma ang sarili nang medyo nahimasmasan na ako ay sinalubong ko na din ang tingin niya.
"Hoy ibon alam kong maganda ako at ilang minuto mo na ba ako tinitignan?." Sabay tingin ko sa relo ko "1500 pesos bayad sa pagtitig mo sa akin." Nilahad ko ang kaliwang kamay ko habang ang isang kamay naman ay naka pameywang.
Tinabig niya ang kaliwang kamay ko kaya napataas naman ang kilay ko at mas lalo pang tumaas ang kilay ko dahil papalapit siya ng papalapit hanggang sa isang pulgada nalang ang agwat namin, aatras sana ako kaso hinawakan niya ako sa beywang.
"A-anong gagawin mo?" Nilayo ko ang mukha ko dahil nilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Hahalikan ka." Walang pakundangang sagot nito.
Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niyang kulay brown, nagbibiro lang siya di ba? Katulad kahapon nantritrip lang ulit siya.
"Nagbibiro ka lang ulit di ba?." kabadong sabi ko na halos manghina na nag mga tuhod ko.
"My answer is..."
Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan nang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sagot niya.HE is serious ng sabihin nya na hahalikan niya ako magkalapat ang mga labi namin ngayon at nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
Napahawak ako sa leeg niya dahil hindi ko na kayang tumayo lalo na ngayon hindi lang simpleng magkalapat ang mga labi namin. He is kissing me gentle at unti unti kong nararamdaman na umiinit na ang paraan ng paghalik niya gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa.
"Ibon." Hindi ko alam kung paano ko nabigkas ang bansag ko sa kanya na halos nilalamon niya na ang bibig ko, at dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko hinalikan ko na din siya sibayan kung paano niya ako halikan.
This is my first kiss at sa kanya ko pa nakuha, I don't know how to kiss pero ngayon alam ko na kung paano hindi nga lang ako sigurado kung tama. Gusto ko ang tanging lalaking makakahalik lang sa akin ay ang taong mahal ko at ang dahilan kung bakit kami lumipat dito sa Manila at hindi siya ang lalaking hinahanap ko.
Kahit anong pigil ko sa sarili ko na itulak siya para matapos na ang paghahalikan namin ay hindi ko magawa. Anong klaseng magic potion ang nasa laway niya na halos ma adik na ako sa halik niya?.
♥♪♥♪♥ Kiss kiss fall in love, Maybe you're my love.
I always noticed that you were by my side, but,
Is this hate? or love? or some sort of delusion?
If I could see my own feelings clearly now
A lady, a host, neither wouldn't matter to me.
Everyone has their own reason fro falling in love
It's different for everyone, Maybe you're my love ♥♪♥♪♥
Sabay kaming napahinto ni ibon sa paghalik nang biglang tumunog ang phone ko, nagkatinginan kami ng ilang segundo bago umiwas ng tingin, kinuha ko naman sa bulsa ko ang phone ko.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago sagutin ang tawag ni Yuki-chan, si Yuki din ang pumili ng ringtone call ko isa itong anime song, pero english version ang nilagay niya para maintindihan ko daw.
"Yuki napatawag ka?." medyo hingal pa ako dahil sa halikan namin ni ibon napakagat ako sa labi dahil naisip ko na naman 'yun.
[Icy-chan nasaan kana ba malapit nang dumating ang prof natin bilis na bestie.]
Napatingin naman ako sa relo ko at napasampal naman ako sa noo ko, isang matandang dalaga pa naman ang prof namin sa major subject na'to.
"Sige na Yuki tatakbo na ako, salamat sa pagpapaalala." Agad ko naman inend call ito saka nilagay sa bulsa tatakbo na sana ako kaso napahinto ako.
"Halika na." Sabay hatak ko sa kamay ni ibon.
Hindi naman ako masamang tao para hayaan nalang siyang malate, kahit pa sabihin na ninakawan niya ako ng halik sa susunod ko nalang siya sisingilin.
"Ang bagal mo." Nagulat nalang ako nang bigla niya nalang akong buhatin.
Hindi na ako pumalag pa dahil natakot ako sa kanyang pamatay na tingin. Baka halikan niya ulit ako habang tumatakbo siya na buhat buhat ako na parang bagong kasal.
![](https://img.wattpad.com/cover/370199-288-k521544.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart and Discord
Romanceheart over head, head over heart Alin ang mas matimbang? Puso o utak?