chapter 4
Icy's pov
Isang linggo na ang nakakalipas nang mag krus ang landas namin ng ibon na 'yun, akalain mo hindi ako pinatahimik ng isang booby bird dahil lang sa sinabihan niya ako na hindi maganda ang boses ko ang laking impact kaya nun para sa akin. My voice is PRIPRE 'priceless and precious' hindi lang talaga siya marunong mag appreciate.
"Hoy lalim ng iniisip." Bumalik sa wisyo ang pagkatao ko ng magasalita si Sun.
"Medyo lang naman so nasaan na ba tayo?." Tanong ko rito dahil hindi ko alam kung nasaang banda na kami ng school ang alam ko lang kasi kanina pagkalabas namin ng office ni Dean ay dumaan kami sa cafeteria.
"Papunta na tayo Icy-chan sa room natin." Sagot naman ni Yuki na puno ang bibig ng mamon na paborito niya.
Tumango-tango ako habang wala sa wisyong sinusundan sila, maganda ang school na nilipatan namin malawak ito at masasabi kong malinis at tahimik. Architecture ang korso namin at nasa second year na kami. Simula high school students palang kami mahilig na kaming gumuhit kaya ito ang napili naming korso.
"May napapansin lang ako masyado atang busy ang mga studyante dito." sabi ni Sun habang nililibot ang paningin.
Tumingin din ako sa paligid at kagaya nga ng sabi ni Sun busy talaga sila ang dami nilang dala meron malalaking kahon at meron ding may mga hawak na madaming papel. Ano kayang meron? Hindi ko na namalayan na nandito na kami sa tapat ng room namin dahil sa kakaisip kung ano ang kinabibisihan ng mga tao dito.
"Good morning, Sir, sorry we're late" sabi ni Sun pagkabukas ng pinto.
Late kami? Ang aga nga namin umalis sa bahay tapos late kami, aah kinausap nga pala kami ni Dean kanina at ang tagal kaya nun siguro isang oras at kalahati.
Unang pumasok ng room si Sun at Yuki at ako ang huli dahil nahihiya ako, bagong pakikitungo at pakikisama.
"Good morning ladies." Bati sa amin ng aming professor na nakatayo habang may hawak na stick. Napansin ko lahat ay tahimik at may sinasagutan.
"May I know your name?" kampanteng tanong nito habang ginagalaw ang makapal at mahabang stick na hawak niya mukha siyang istrikto.
"I'm Sunny Rock Lopez Sir" pagpapakilala ni Sun tinanguan naman ito ng prof.
"Konnichiwa! I'm Yuki Ryusei desu, ohayoo sir and classmate" masiglang pagpapakila at pagbati ni Yuki habang todo kaway , nginitian naman siya ni prof at ganun din ang mga kaklase namin.
"hi! I'm Icy Freeze Sandoval." Maikli kong pagpapakilala sabay ngiti sa kanilang lahat.
Pagkatapos naming magpakilala may inabot sa aming test paper si Prof. kinuha naman namin ito, nanlaki ang mata ko dahil may test agad.
"Go find a seat and answer that." Mabilis naman kaming naghanap ng mauupuan, nag unahan pa nga kaming tatlo na makaupo sa unahan dahil ito ang gusto naming pwesto lalo na ako dahil mahina ang mata ko kapag malayo.
"Sorry bestie ako nauna hanap ka nalang baka sa likod meron pa" sabi ni Sun ng maunahan niya akong makaupo sa may second row kasama niya dito si Yuki na nagsisimula ng sumagot. Kainis naman yung puwesto lang nila ang bakante na nasa unahan, sa ayaw at gusto ko sa likod ako makakaupo second to the last row.
Dali-dali kong kinuha ang ballpen sa bag at sinimulan ng sumagot, mga ilang minuto palang ay bumukas ng malakas ang pinto pero hindi ko ito pinansin dahil ayaw kong magkamali sa test na'to math is so important to me because it gives me challenge.
"Second sem na Mr. Valdez hindi ka pa rin nagbabago, take this and you only have 30 minutes so better hurry" galit na sabi nung prof.
"Hoy manok alis diyan upuan ko 'yan."
30 minutes nalang may anim pa akong sasagutan naku naman, nadistract ako sa pagsagot ng may sumipa sa paa ko, matalim kong tinignan ang black leather shoes bago tumingala para tignan naman ang nagmamay-ari nito.
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?" sabay naming sabi.
"Eheem! Where's the manner's Mr. Valdez and Ms. Sandoval? Lower down your voice." sigaw ni prof.
"Sorry po." sagot ko saka kinuha ang gamit ko para lumipat ng ibang upuan kaso sa katabi lang nito ang bakante kaya no choice, ayaw ko ng away kaya umalis na ako sa upuan niya daw.
Pagkaupo ko ay agad ko na ulit sinimulan ang pagsagot sa natitirang apat na problems. Napatingin naman ako sa katabi ko dahil kampante lang itong sumasagot habang nilalaro ng isang kamay ang lapis.
"Gusto mo talagang pinagmamasdan ako! At sa tingin ko kailangan na kitang singilin dahil mahal ang pagtitig sa akin." Inismiran ko lang siya at nagpatuloy na muli sa pagsagot, ang kapal talaga ng balahibo ng booby bird na'to.
Pagkatapos kong sagutan ang test paper ay tumayo na ako bago pa man ako makahakbang ay tumayo na din ang katabi kobat nauna pa sa aking magpasa ng test paper kay prof. hala ano 'yun? Ba't ang bilis niya? may kodigo lang?.
Bumalik ako sa upuan ko dahil hindi pa daw pwedeng lumabas. Tinignan ko si ibon na ngayon ay nakanguso habang nakalagay ang lapis na kanina niya pinaglalaro habang direstsong nakatingin sa unahan.
"Three thousand para sa tatlong beses na pagtitig sa akin na walang pahintulot." Sabi nito bago tumingin sa akin agad naman akong umiwas nang tingin at umaktong pumuputol ng split ends sa buhok ko kahit wala naman itong split ends.
"Nice try pero sa susunod pagbutihan mo ang pag-arte, wait! If i'm not mistaken may sinabi si dean na may lilipat na tatlong taga probinsiya dito so your one of them hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ka nalang kung makatitig sa akin alam ko naman na walang ganitong kasing gwapong mukha sa probinsiya niyo manok." napatingin ako sa lalaking ibon na'to at tumaas ang kilay ko ng bigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
"Hoy lalaking ibon na nababagay sa smokey mountain hindi ako manok oo probinsiyana ako pero may ipinagmamalaki hindi katulad mo kasing baho mo ang pinagsama samang bulok na prutas at gulay." Ang aga aga pinakulo nito ang dugo ko, dahan dahan kong nakikita na nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naman dahan dahan ko ding nilalayo ang mukha ko.
"Anong pinagmamalaki mo?." Sabay tingin nito sa may dibdib ko kaya agad ko naman itong tinakpan ng notebook ko.
"Ang mankyak mong ibon ka." Gusto ko siyang katayin at ipakain sa canival para tapos na kalbaryo ko.
"Hindi ako manyak isa lang akong seriel killer." napalunok ako sa sinabi niya, nagbibiro lang siya di ba?.
Nag smirk ito bago nilayo ang mukha niya sa mukha ko, napahinga ako ng maluwag, taka akong tumingin sa kanya ng may hinahanap siya sa bag nito. Nakita ko ang malapad niyang ngiti bago tumingin sa akin na may nakakatakot na tingin.
"Okay class, see you tomorrow." kasabay nang pag papalam sa amin ni prof ay ang paglabas ni ibon ng matalas na kutsilyo.
Agad naman akong napatayo at dali-daling tumakbo papunta sa pintuan, naunahan ko pa nga si prof na makapunta sa pintuan, gusto kong sbaihin kay prof na may killer kaming kaklase pero walang lumalabas sa bibig ko.
"Ms. Sandoval are you okay?" tumingin ako ng diresto sa prof namin para sabihin na may killer kaso wala talagang lumalabas sa bibig ko napalunok pa ako ng marami bago tinuro si ibon.
"What's wrong with Mr. Valdez?" lahat naman ng kaklase ko ay napatingin kay ibon.
Napanganga ako dahil umarte itong masakit ang tiyan. Agad naman na pinuntahan ni prof si ibon at inilalayan para makatayo. Ng nasa harapan ko na si ibon nakita ko siyang ngumiti na parang aso at bago sila makalabas ng tuluyan ay may ibinulong ito sa akin.
"It was a toy knife manok." narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa, napagat naman ako sa labi ko ko habang nakakuyom ang mga palad dahil sa sobrang inis.
My tae! paano ako nagkaroon ng kaklaseng psycho?
BINABASA MO ANG
Heart and Discord
Romanceheart over head, head over heart Alin ang mas matimbang? Puso o utak?