Chapter 7

483 15 0
                                    

 Chapter 7

 Sean's pov

Hindi naman siya kagandahan mas maganda pa si wala, masyado lang siyang maputi maihahalintulad mo na nga siya sa espasol.

"Hoy Rhon kakasabi mo lang kanina na may mahal kang babae tapos ngayon nakikipag landian ka diyan sa espasol na 'yan baka nakakalimutan mo malilate na tayo" iritableng sabi ko kay Rhon na ngayon ay minamasahe ang paa ng espasol.

"Huwag mong pansinin ang isang 'yan, dude may mahal nga ako at hindi paglalandi ang tawag dito pagtulog kagawang gawa sa ka schoolmate natin na nahulog mula sa bintana ng second floor." napabuntong hininga nalang ako saka umupo sa malapit na upuan na nakalagay sa gilid ng pintuan.

"Hoy espasol ang tanga mo naman para mahulog sa bintana mula sa second floor at anong ginagawa mo sa taas nitong abandunadong gusali ng paaralan?" seryoso lang akong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Ano kasi may hinahanap lang ako sa itaas na isang importanteng bagay kaso nga lang dahil sa pagkagulat ko sa isang malaking daga napatalon ako mula sa bintana." tsk! mga babae nga naman daming kinakatakutan, siya kaya takot din sa daga? imposible ginagamit ng mangkukulam ang daga para sa pangkukulam.

"Dadalhin na kita sa clinic miss para mas maagapan." tumango ang espasol kaya inalalayan ito ni Rhon para makatayo.

"Hoy Rhon hindi na ako sasama sa pagdala mo diyan sa clinic ayaw kong malate." saka ako lumakad papalayo sa kanila.

"Ayaw ma late o ayaw ma miss si Icy" sigaw nito.

"LOKO"sigaw ko  sa mokong.

~~

Icy's pov

Panay ang tingin ko sa relo ko at sa upuan ni Ibon malapit ng dumating si prof wala pa siya, saan naman kaya yun nagsusuot?. Arg! pakialam ko ba sa kanya, kaya niya namang lumipad dahil may pakpak siya. Kinuha ko sa bag ko ang voodoo bird doll napangiti ako dahil ang pangit ng pagkagawa ko dito kasing pangit ng ibon na'yun.

Awtomatikong napatingin ako sa pintuan ng may pumasok na isang ninalang na kanina ko pa hinahanap. Nagkatinginan kami kaya naman agad ko namang iniwas ang tingin ko.

"Sh** kala ko late na ko." sabi nito ng makarating sa upuan niya.

"Yow!" napitlag ako sa pagbati niya sa akin.

"Yeah!" Sagot ko naman dito habang nakayuko, ayaw ko siyang tignan dahil nakakapanlambot ng tuhod ang mga tingin niya.

"May bwisit kasing espasol ang nahulog sa bintana ng tinatambayan namin kaya ako nalate, pasensya na kung pinaghintay kita." napatingin naman ako sa kanya dahil sa huling sinabi niya.

"Ang kapal mo naman para sabihin na naghihintay ako sa'yo." tinignan nya lang ako ng ilang segundo bago binigyan ng smirk niyang nakakalasing.

"Hoy bakit mo kinuha ang laruan ko?" pilit kong hinahablot si voodoo bird sa kanya pero panay din ang iwas nito.

"Hey doobon pagsabihan mo nga ang amo na huwag magsinungaling dahil halata naman sa mga mata niya na hinihintay niya ako." Napakunot ang noo ko sarap nitong batukan.

"Akin na nga yang laruan ko at bakit dubon ang tawag mo sa kanya?." Pinalo ko ng malakas ang kamay na may hawak sa laruan ko at sinamantala ko ito.

"Hoy noklam pasalamat ka nga binigyan ko ng pangalan yang laruan mo, galing lang naman yun sa huling salita ng voodoo at ibon kuha mo na?." Sabi nito habang hinihimas ang kamay na pinalo ko nakita ko namang namula ito pero binaliwala ko lang, he deserve it.

"At anong tawag mo sa kain noklam? wow ibon ang panget mong mag-imbento ng pangalan." tinaas ko ang isa kong kilay habang yakap yakap si doobon.

"Pinaiksi ko lang ang manok na mangkukulam kaya naging noklam bagay naman sayo, akala mo kung sinong kagandahan." akma ko na siyang babatukan pero biglang dumating ang prof namin.

Umayos ako ng upo at nilabas ang binder at ballpen ko, nilagay ko sa kaliwang side ang bangs ko para hindi ako madistract ayaw ko siyang makita dahil isa siyang drugs. At ang drugs ay dapat iwasan at layuan pero kung katulad niya ang drugs na sinasabi ko ay malabong mangyari ang sinasabi ko kanina aaah nakakainis.

"Pwede ba ibon alisin mo ang kamay mo sa pagkakaakbay sa akin" Mahinang sabi ko sa kanya pero may diin.

"Wala namang nakasulat na bawal" nakangiti ito habang nakatingin ng diretso sa harapan.

Pinapainit talaga nito ang dugo ko, nagpunit ako ng papel sa likod ng binder ko saka sinulatan, kumuha din ako ng scotch tape sa bag ko at saka nilagay sa papel na sinulatan ko. Inis kong inalis ang kamay niyang nasa balikat ko saka idinikit sa kaliwang balikat ko ang sinulat ko kanina.

"Dare To Touch Me You'll Be A DEADMEAT."

narinig ko ang mahina at pigil nitong tawa kaya pinalo ko siya ng ballpen sa kanang pisngi nito.

"Seryoso ako ibon."

"Pasensya na.... mahal ko." 

Kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor, kung anu-ano na ang naririnig ko.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon