Chapter 3

572 15 3
                                    

Chapter 3

Icy's pov

Tae nga naman hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Sobrang lamig ng sahig na tinulugan ko hindi pa kasi dumadating ang kama namin, akala ko pa naman pagdating namin kagabi dito sa bahay na binili nina papa para sa amin ay makakapahinga na kami ng maayos at makakahiga na sa kamang malambot pero hindi eh! Natulog lang naman kami sa lapag na walang unan at walang kumot ang galing di ba?.

"Icy gising kana ba?" Bumangon muna ako bago sagutin si Sun "Papasok na ako ha!." Napailing nalang ako dahil nagpaalam pa siya e nakapasok na nga.

"Kanina pa ako gising, may kailangan ka ba Sun?." Tanong ko rito habang umuunat.

"Oo kailangan kasi natin mamili ngayon wala pa kasi tayong mga gamit sa kusina at wala din tayong pagkain." Sabi nito habang umupo sa sahig paharap sa akin.

"Aah naman! Si papa talaga bahay lang ang binili." Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

Nakalimutan kong ipaalala kay papa na bumili na rin ng mga gamit sa bahay, kapag sinabi niya kasing bahay lang ang ibibili niya 'yun lang talaga. Nagpabili ako noon ng siomai sa kanya dahil dadaanan niya lang din naman ang pinakapaborito kong siomai store at 'yun nga ibinili niya ako kaso walang sauce at meron pa sabi ko bilhan niya din ako ng buko salad bumili naman siya kaso hiwalay I mean isang buko na hindi pa bukas at isang vegetable salad. At simula noon hindi na ako nagpapabili sa kanya ng pagkain kay mama nalang.

"So Icy bibili na ba tayo ngayon?"  Tinanguan ko siya at tumayo na ito saka lumabas sa kwarto ko.

Malambot na unan papunta na ako! masaya akong pumasok sa banyo habang nakangiti ng malapad na naliligo.

After 40 minutes ng pagbyahe namin papunta sa mall na pagbibilhan hindi ko maiwasang mapangiwi sa mga nadadaanan namin. Masyadong matrapik at maraming basura na nagkalat, na miss ko tuloy ang probinsya kung saan ako lumaki.

"Maam nandito na po tayo." Sabi sa amin ni kuya Pong.

Ginising ko naman ang dalawa kong kaibigan na nakanganga pa kung matulog, pagkapasok namin sa mall agad kami sinalubong nang pakarami-raming tao.

"Ano ang una natin bibilhin?." tanong ko sa mga bestie kong abala sa pag boboys watching.

"Doon tayo Icy-chan." Sabay turo nito sa isang book store.

"Yuki hindi natin kailangan ang libro." Sabi ko rito habang nakahawak sa balikat niya " Tara na!." Pagyaya ko rito ngunit hindi pa rin umaalis ang tingin doon.

"E, kasi may cute na pumasok doon saka kailangan ko ng libro sa pagluluto." Saka ito kumaripas ng takbo papasok sa book store.

Napa made face nalang ako kay Yuki at saka bumaling ng tingin sa katabi kong busy sa pagtitext.

"So Sun saan mo gustong unang pumunta sa grocery o sa bilihan ng mga gamit?." Tanong ko rito na hindi maalis ang tingin sa cp niya.

Tumingin ito sa akin na may malapad na ngiti "Maghiwalay nalang tayo para mas mapabilis ang pamimili natin, see you around bestie." Hindi pa nga ako nakasagot at nagmadali na itong maglakad papunta sa escalator.

Sa huli ako lang mag-isa ang mamimili knowing them maglilibot lang ang mga 'yun habang masayang nag boboys watching tsk! tsk! tsk!

Hinanap ko muna ang directory nila para alam ko kung saan ako pupunta. First floor clothing apparel and grocery, second floor household wares and decorations, third floor food court entertainment area, fourth floor Wisdom Park.

Agad naman akong sumakay ng escalator papunta sa second floor para makabili ng malambot na unan mamaya na ako bibili ng pagkain namin.

Hinanap ko kaagad kung nasaan ang tindahan para sa mga gamit pang bahay, masaya akong pumasok dito pagkakita ko palang at mas lalo akong naaliw dahil sa daming nakakainganyong mga gamit pambahay.

Nagsimula akong pumili ng mga unan, kakatapos ko lang kasing mamili ng kumot at may hawak ako ngayong kulay light pink na kumot na may naka desenyong swan at may mga nakasulat na Reach for your Dream, Fly High, Never Give Up at You're Love is at your Side.

Naku naman ang daming magagandang unan at sa tingin ko palang ang sarap nilang higaan. May lima akong unan na pinagpipilian at naka ialang minuto na ako ditong naka tayo habang nakatingin ng seryoso sa limang unan na pinagpipilian ko.

"Miss may maitutulong po ba ako?" tanong sa akin ng isang sales lady na may magandang ngiti at may maliit na dimples sa kanang pisngi nito.

"Oo ate kanina pa kasi ako dito at wala akong mapili na unan kasi naman ang gaganda nila, bali kailangan ko ng dalawang unan na mag kaiba." Sabi ko rito habang siya naman ay naka ngiti lang na tumatango.

"Ano po ba ang personality niyo at hilig niyo?." Napaisip naman ako sa tanong niya kailangan niya bang malaman ang ugali at hilig ko? Nagpapatulong lang naman akong pumili ng unan hala baka may gusto si ate sa akin kaya ganyan siya ngumiti.

"Kailangan niyo po kasi ibase sa ugali at gusto niyo ang pagbili ng kahit na ano tulad nalang kung masiyahin ka kailangan mo e yung mga light colors at may nakaka relax na desenyo kapag mainitin, masungit, snobbish, at ma sekreto po kayo kailangan e yung medyo dark colors namn po at kapag unan ang bibilhin niyo yung medyo matigas." Napalakpak naman ako sa mga sinabi ni ate nakakamangha naman kasi ngayon alam ko na kung ano ang gusto ko.

"Miss nakapili na po kayo?" Tanong nito habang nakangiti, hindi ba siya nangangawit?.

"Oo at ito ang gusto ko." Sabay turo ko sa isang unan na malaki na hindi masyadong matigas at malambot kulay puti ang punda nito na may naka bordang swan na kulay ginto.

Ako na ang mahilig sa swan at tinuro ko din ang isang kulay pink na unan na pabilog na may nakasulat Dadalhin Kita sa Aking Palasyo. Binilhan ko na din sina Yuki at Sun at tulad ng sinabi ni ate binase ko sa ugali nila ang binili ko para sa kanila.Masaya akong lumabas sa store na 'yun pina deliver ko ang mga pinamili ko sa bahay namin kasi kung bibitbitin ko ito hangang mamaya sigurado akong pagpapawisan ang kilikili ko kahit na aircon ang mall.

Habang nakasakay sa escalator hindi ko maiwasan sabayan ang tugtog sa ipad ko, hindi na ako mapakali na gumabi para magamit ko na ang pinamili ko.

kahit naaa, pikit aking mata, luha'y pumapatak pa bakit ba ganito nadarama sa tuwing naiisip ka, kahit naaa, pikit aking mata,  di magawang mapigilan mapunansan ang mga luhang bumabaha sa aking unan......

[unan- Aljonee, Romel,Bhaweezee ft. Angela Bunda] 

Napahinto ang pagkanta ko ng may kumalabit sa balikat ko, napatingin naman ako sa taong nasa likod ko na kumalabit, isa itong lalaking naka sombrerong asul na may nakasulat na Go Ride at may kulay pilak na dalawang maliit na pabilog at may bituin sa tuktok nito nakasuot ito ng puting v-neck t-shirt at naka pantalon na kulay kupas at naka suot ng sapatos na may check.

"Done checking me out?." Sabi nito habang naka smirk napaiwas naman ako ng tingin dahil totoo naman.

"Ba-bakit mo pala ako kinalabit?" Tanong ko sa kanya ng hindi tumitingin, naman bakit ako nauutal?.

"Gusto lang kitang pahintuin sa pagkanta ang sakit sa tenga ng boses mo." Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay habang siya naman ay umakting pa na masakit ang tenga.

"Your not a music lover don't you? C'mon i'm a great singer actually champion pa ako sa singing contest last year." Oo champion naman talaga ako noong naglaban kami ng dalawa kong bestie, sa banyo nga lang ang stage namin.

"Oo nga naman ikaw ang champion dahil bingin ang mga audience at judges." Sabi nito habang nakangiting nakakaloko sasagot na sana ako pero tinulak ako nito at humakbang paakyat sa escalator nanlaki ang butas ng ilong ko nakapa walang modo.

"May araw ka din ibon ka." Sigaw ko rito ng makarating na siya sa third floor huminto muna ito bago tinaas ang isang kamay at laking gulat ko dahil nag f*** you siya sa akin waaaaah at nakita ko na naman ang smirk niya na nakakapang kulo ng dugo.

Gagawin kitang fried ibon kapag nakita kita ulit.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon