Chapter 18

491 13 1
                                    

Chapter 18

 Icy's pov

Sunday ngayon at heto kami ni ibon sa kwarto niya nagpipintura ng dingding na kung saan ay mag pipinta ito, papalitan na kasi namin ang unang naka pinta dito.

Habang nagpipintura ako ng dingding hindi ko maiwasang mapatingin sa katabi kong sobrang busy sa pag hahalo ng mga pintura na gagamitin niya mamaya, napakagat ako sa labi ko he's so damn sexy and hot iniwas ko ang tingin ko at nagpatuloy na lang ulit ako sa ginagawa ko. He is wearing a blue sando na masyadong fit sa katawan niya hindi naman kalakihan ang katawan nito pero mapapalaway ka sa sobrang lakas nang sex appeal napakagat ulit ako sa labi ko.

"Mahal pakikuha naman yung pulang pintura na nasa likuran mo" utos nito sa akin habang inaayos ang sketch na ginawa niya kanina.

Kinuha ko ang pinapakuha niya hindi ko maiwasan mapatingin sa legs niyang naka expose dahil naka short lang ito. Napaka manly ng kanyang mga binti, huminga ako nang malalim bago inilapag sa tabi niya ang pintura.

Tumingala ito kaya napa iwas ako ng tingin, My gulay ang init! pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.

"Manok okay ka lang?" tanong nito 

Tumango ako saka nag okay sign habang nakatingin sa ibang direksyon. Naramdaman kong tumayo ito kaya naman agad ako bumalik sa pwesto ko kanina, kukunin ko na sana ang brush na nasa sahig ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Nakangisi ito habang pinupunasan ang pawis ko sa noo at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng tena ko napalunok ako ng ilang beses at halos atakihin na ako sa puso sa sobra nitong bilis.

"Icy Freeze  Valdez"  nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang siya naman ay abot tenga ang ngiti " sounds perfectly good" dagdag niya pa.

"Bakit kasi hindi pa tayo magpakasal?" i mumbled involuntarily.

Napaiwas ulit ako ng tingin, hindi ko maiwasang mapangiti ng lihim habang iniisip na magiging Valdez ako.

"Oy ang mahal ko hindi na makapaghintay" he teased me habang pinaglalaruan ang bangs ko.

Napanguso ako dahil sa ginawa niya pero bigla kong tinakpan ang labi ko ng makita kong hahalikan niya ako. Napatawa ako dahil sa naging reaksyon niya, napakamot nalang ito sa kanyang tenga.

"Ano yung gagawin mo kanina? hahahaha oy hindi siya naka halik hahaha" I teased him habang sinundot-sundot ang tagiliran nito, panay ang iwas nito at sinusubukan niya ding hulihin ang kamay ko. Hindi na siya nahirapan dahil sa laki ng kamay niya ay madali lang niyang nahuli nag kamay ko. Kaya heto ako naman ang panay iwas sa pagkikiliti niya sa akin.

"Ibon hahaha tama na hahaha" saway ko rito pero parang wala siyang narinig patuloy lang siya sa pagkikiliti sa akin hanggang sa napadikit ako sa dingding.

"Inumpisahan mo kaya tatapusin ko" tumatawang sabi ni ibon na tila ba aliw na aliw sa kakakiliti sa akin habang ako naman ay gumugulong sa dingding na nakatayo.

tok tok

Napatigil kami s apaghaharutan ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya, bago niya pagbuksan ay hinalikan niya muna ako sa tip ng ilong ko.

"Dinalhan ko kayo ng meryenda baka kasi nagugutom na kayo" bungad na sabi ni tita pagkabukas ni Sean ng pintuan.

"Salamat ma kanina pa nga ako gutom at muntikan ko ng kainin ang isa diyan" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ibon, kinindatan niya ako bago kunin ang tray na may lamang pagkain na dala ni tita.

"hija anong nangyari sa'yo?" taka naman akong tumingin sa sariili ko at laking gulat ko ng may nakita akong pintura ang braso ko pati na rin ang sout kong puting sando at ang maong kong shorts siguro naman walang pintura ang buhok ko kasi nakatali naman ito.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang dingding na kaninang na ginugulungan ko, shizz naman bakit hindi ko namalayan na doon ako napadpad, tinignan ko ng masama si ibon habang siya ay panay lang ang pag ngiti.

"Si Sean po kasi tita" sabay turo ko sa lalaking kumakain ng pie, nagkibit balikat lang ito ng tumingin sa kanya si tita.

"Maghahanap lang ako ng damit para sa'yo iwan ko muna kayo." bago pa man makaalis ng tuluyan si tita ay nagsalita si ibon na may laman pa ang bibig.

"Ma huwag na may damit naman akong kakasya sa kanya" kinindatan ulit ako ni ibon inirapan ko lang ito.

"Okay, basta kapag may kailangan kayo sabihin niyo lang" sabi ni tita habang nakangiti sasarhan niya na sana ang pinto ng muli itong mag salita "bilisin niyong gumawa ng apo sabik na kami ng papa mo Sean" saka siya tumingin sa akin para kindatan.

Uso ba sa pamilya nila ang kindatan?. At ano? sabik na silang magka apo my gulay mas lalong magiging mahalay ang anak nila. Tinignan ko si ibon at mas lalo akong kinabahan dahil sa pagkagat labi nito.

"Hoy ibon tumigil ka, hindi lang batok ang makukuha mo sa akin kapag deniverginized mo ako ngayon, seryoso ako" pagbabanta ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa kanya

"Oh bakit ka lumalapit sa akin mahal?" tanong nito na may ngiti sa labi

"Natural kakain din gutom na ako" saka ko kinuha ang kinakain niyang buko pie.

"Manok naman ang dami pang pie dito bakit yung akin ang kinuha mo, mangaagaw ibalik mo 'yan" sabi nito pero huli na ang lahat dahil nakain ko na ang huling piraso ng pie niya.

"Hindi ko matatanggap ang pang-aagaw mo" madiin nitong sabi nanlaki nalang ang mata ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko at mariin na kinakain sa bibig ko ang pie na kinain ko.

"You naughty bird" inis kong sabi ng makawala ako sa halik niya.

"Hindi ko alam na mas masarap pa pala ang pie kapag kakainin sa bibig ng iba" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ang halay talaga nito.

Ipaalala niyo nga sa akin kung bakit ko ito minahal?. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako kumuha ng pie at saka ako umalis sa harapan niya para kainin ang buko pie na gawa ni tita.

"Aking mahal gusto ko din" hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Naramdaman ko siyang naglalakad papunta sa akin kaya naman agad akong tumakbo para makalayo sa kanya 

"Icy  sa harapan mo" rinig kong sigaw ni ibon pero huli na ang lahat dahil nadulas na ako sa sahig at unting unting dumilim ang paningin ko.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon