Epilogue

22 6 3
                                    

Epilogue

"Mahal, ang kulit mo ito ang mas bagay para kay baby."

"Hoy ibon mas marunong ka pa kesa sa akin. Mother knows best ika nga kaya ito ang mas bagay."

"Itong dalawa nalang ang bilhin natin para walang away saka pwede din namang father knows better di ba?."

"Walang ganun at nag-aaway ba tayo? Pwede ba mag tipid ka nga ang gastador mo. Isa lang ang bilhin natin para makatipid."

"Hindi tayo nag aaway, ang kuripot mo kahit kailan"

"Hindi ako kuripot, praktikal ang tawag dito, mister"

"Okay sabi mo e, misis"

"Ahmm Ma'am Sir alin po ba talaga sa dalawa ang bibilhin ninyo?. tanong sa amin ng sales lady

"Ito" napangiti ako dahil parehas kami nang itinuro.

Napayakap ako kay ibon habang kinukuha ng sales lady ang bibilhin namin. Sigurado akong magugustuhan ito ng aming anak. Narinig ko pa ang pagbulong ng sales lady bago umalis para pumunta sa cashier.

"Nag aaway pa iba naman pala ang bibilhin."

And yes, iba nga ang binili namin. Sa loob ng isang taon naging ganito ang set up namin kapag may hindi napag kakasunduan sa isang bagay ay pipili ulit kami hanggang sa magkaparehas ang nasa isip. Ang relasyon namin ay hindi kagaya sa iba na kapag gusto ni ganito ng ganun ay pagbibigyan at magpaparaya si ganito. Hindi po kasi gentleman ang ibon ko at walang ganun sa dictionary ng mga kauri niya.

Marami ang nagsasabing hindi tatagal ang relasyon namin dahil hindi raw kami opposite at bakit ba panay ang paniniwala nila na ang magkakatuluyan lang ay ang sinasabi sa kasabihang opposite poles attract? Wala iyan sa pagkaiba ng katauhan ng dalawang tao nasa puso iyan. Nothing is impossible in the name of love.

Even we discord we still walking together with one heart and dancing happily with one soul. And our heart always saying that it's you the one who let me strech my smile towards the rainbow over the sky.

Saka sino ang nagsasabing hindi kami opposite? Magkaibang magkaiba nga kami ng pagiisip kaya opposite attracts pa din. Marami kasi kaming pagkakatulad sa mga hilig at gusto pero sa pagdedesisyon diyan na kami di nagkakasudo pero dahil mahal namin ang isa't isa nagagawan namin ng paraan.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kong pinuntahan ang baby namin na mahimbing na natutulog sa gilid ng hagdan.

"Sigurado akong magugustuhan ni baby Sicy ang pasalubong natin sa kanya." Sean murmured habang nakayakap sa akin patalikod.

"Oo naman lalo na at tayong dalawa pa ang pumili." I said as I massaging the furr of our baby.

"Baka magising, Icy" bulong nito na siyang ikinakiliti ko.

"Huwag ka nang bumulong nakakakiliti, hindi iyan magigising mas inaantok pa nga iyan kapag hinihimas"

"Icy if I can make sungkit the star and give it to you would you mind fulfill my wish?"

"Ano bang wish mo? At imposibleng makasungkit ka ng bituin"

"Having a real baby..."

I give him a seductive smile, kahit hindi na siya sumungkit ng bituin ay pag bibigyan ko siya total tapos na rin kami sa pag aaral at alam ko namang imposibleng masungkit ang bituin.

"Icy, mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal din kita, Sean"

We started kissing at ramdam ko na agad ang pag init ng aking katawan. We are not married pero gagawa na agad kami ng baby and for the very first time nagkasundo kami sa desisyong ito.

"Icy, kayang kaya kong sumungkit ng bituin" aniya niya habang hinahalikan ang leeg ko.

"Tigilan mo nga ako ibon" I murmured while taking his shirt off.

"Wala ka talagang bilib sa akin, ang dami kayang star apple sa bakuran ng kapitbahay." kinagat ko ang ibabang labi niya habang nakangiti.

"Ang dami mong alam na kalokohan"

"Mahal mo nam.." hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin dahil agad ko na itong hinalikan.

Naglalakad kami paakyat sa hagdan habang naghahalikan hanggang sa may naapakan kaming isang malambot na bagay.

Pagkakita namin sa aming naapakan ay hindi namin napigilan ang pagtawa. Pati ba naman sa pag gawa namib ng baby ay hinahabol kami ng Tae.

"This is what you called blessing at binabasbasan na tayo ni Sicy sa pag gawa natin ng baby" Sean said laughing.

"At hindi na ako magtataka kung pati sa darating nating kasal ay makaapak din tayo ng tae." we both laugh before we hurriedly run in the bathroom.

And there we become one.

~Fin~

A/N:

alam kong hindi  kagandahan ang kwento ko at hindi rin marami ang mga scene tulad ng ibang kwento pero lubos pa rin po akong nagpapasalamat sa mga nag support ng HAD

marami pong salamat sa pag-gugol ng panahon sa pagbabasa ng aking kwento. sana po kahit papano napasaya ko kayo sa kwentong ginawa ko.

Love you all from the bottom of the deep of my soul!

~xerra~

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon