Chapter 19

356 6 1
                                    

Chapter 19

Icy's pov

Ang sakit ng ulo ko! bakit ang bigat ng pakiramdam ko?.

Teka nasaan ba ako? bakit napakatahimik? at bakit puro puti ang aking nakikita?.

"Icy sa wakas gising ka na!"

"Loka loka ka! pinag alala mo kami ng sobra sobra."

Huh? ano bang pinagsasabi nila? ang labo naman ng mga 'to,ang sakit talaga ng ulo ko

Saka bakit naluluha pa sila? anong meron?

"Bestie alam mo bang mahigit tatlong buwan ka rin nakaratay diyan sa kama na yan, akala talaga namin hindi kana magigising pa kahit kailan mabuti nalang malakas at matatag ka, ang saya saya ko talaga ngayon." nangingiyak niyang pagkasabi saka niyakap ako ng mahigpit.

Huh? Hindi ko ma gets! anong tatlong buwan ang pinagsasabi nitong si Yuki? saka nasaan si Ibon?

"Ako rin nga payakap, kainis ka talagang babae ka! akala ko mawawalan na ako ng isang bestfriend mabuti na lang at hindi ka namatay sa aksidenteng 'yun." pagkasabi ng pagkasabi niya ng mga yun niyakap niya ako ng mahigpit kagaya ng yakap ni Yuki hala bakit ba sila umiiyak at anong pinagsasabi nila aksidente? kailan paano at saan?.

Aksidente?

omaygulay

"Nasaan si Sean? Anong nangyari sa kanya?" nanginginig kong tanong sa dalawa kong bestie.

Kahit masakit ang buo kong katawan pilit akong bumangon sa aking kama para puntahan si Sean, anong klaseng aksidente?kasama ko ba si Sean ng maaksidente ako? at anong ibig sabihin ni Yuki na mahigit tatlong buwan na akong nakaratay dito? naguguluhan ako.....

"Icy huminahon ka, hindi ka pa magaling!"

"Wala akong pakialam Yuki! Ang gusto ko lang ay makita si Sean kaya pwede ba sabihin niyo na kung nasaan siya at kung okay lang ba siya!"

Umiiyak kong tanong sa kaibigan ko hindi ko kaya na mawala sa piling ko ang taong pinakamamahal ko.

Hinawakan ko ng mahigpit sa magkabilang braso si Yuki

"Yuki-chan tatanungin kita ulit sa pangalawang beses NASAAN SI SEAN?"

"Icy nasasaktan ako at hindi ko alam kung nasaan si Sean!"

Binitawan ko si Yuki dahil mukhang nagsasabi siya ng totoo kaya naman napatingin ako kay Sun at hinawakan ang kanang braso ng mahigpit.

"Sun wag kang magsisinungaling alam kong may alam ka kung nasaan si Sean at kung hindi mo talaga alam paki text naman ang matalik niyang kaibigan na si Rhon kaya please sabihin mo na saakin kung nasaan at kung ano ang kalagayan ni Sean"

Nagtitigan lang kami ng ilang mga segundo saka siya tumawa ng malakas.....bwisit seryoso ako tas tatawanan niya lang ako, ano to gaguhan?!

"Icy ano bang pinagsasabi mo diyan? nabagok lang ang ulo mo dahil sa aksidente kung ano ano na ang pinagsasabi mo,saka sino bang Sean at Rhon ang tinutukoy mo aber?!"

"Oo nga Icy sino ba yung Sean na yun? alam mo ba nakakatakot ka kanina ng tinanong mo sa akin kung nasaan si Sean! siguro nga dala pa rin yan ng aksidente, baka sa loob ng tatlong buwan na wala kang malay nakapanaginip ka ng kung anu ano"

Sinong Sean siya lang naman yung boyfriend ko na mahal na mahal ko at anong panaginip?! hindi kaya tama si Yuki sa kanyang sinabi na panaginip lang ang lahat? pero hindi e kasi totoo talaga yun.

Naguguluhan ako bakit sinabi ni Sun na sino bang Sean at Rhon gulay sumasakit ang ulo ko.

PANAGINIP LANG BA ITO?

Wala akong matandaan na naaksidente ako...masyadong komplikado ang lahat sa ngayon mabuti pa sigurong magpahinga muna ako marahil bukas ayos na ang lahat.........

At ng pagpikit ko ng mga mata ko narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nagulat ako sa narinig ko

"Hey the two of you get out! Gusto kong solohin ang mahal kong manok." at sa pagkasabi nya ng mga salitang 'yan napadilat ako at napabangon sa higaan sabay ng pagtakbo patungo sa kinatatayuan nya.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit at hindi ko napigilang hindi umiyak naramdaman ko ang isa nyang kamay na hinahaplos ang likod ko at ang isa naman ay sa ulo ko.

"sshhhh tahan na nandito na ako Icy pakiusap huwag ka ng umiyak nasasaktan ako" inalis nya ang kamay nya sa likod ko saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka nya pinunasan ang mga luha ko gamit ang thumb nya at hinalikan ako sa noo.

"Se-Sean akala ko wa-wala kana, a-akala ko iniwan mo na ako" patuloy pa rin ako sa pagiyak at pilit nya pa rin akong pinapatahan

"No! I won't leave you"niyakap nya ulit ako saka ako dinala sa kama para ihiga "kayong dalawa anong nangyari dito habang wala ako?" saka nya tinignan ng masama sina Yuki at Sun

"Ano kasi! Yuki kaw na magsabi"siniko ni Sun si Yuki habang nakayuko pero hindi nagsalita si YUki

" Sean mahigit tatlong buwan na ba ako dito sa hospital at bakit ako naaksidente? anong nangyari? wala akong matandaan!" walang hinto kong tanong kay Sean habang palipat lipat ang tingin nya sa aming tatlo

Huminga ng malalim si ibon saka umupo sa kama at hinawakan ang kamay ko.

"Wala kang matandaan kasi epekto yan ng gamot na pinainom sa'yo, kaya ka nandito sa ospital kasi nadulas ka noong tumatakbo ka palayo sa akin at hindi mahigit tatlong buwan kana dito sa ospital kasi tatlong araw ka palang dito" after nyang sabihin 'yan ay tumingin siya kina Yuki na sa ngayon ay naka peace sign

"And for pete sake anong kalokohan 'to? Nagawa nyo pang lokohin si Icy?" halata sa boses ni Sean ang galit at ang pagka inis, parang gusto niyang suntukin ang dalawa kong kaibigan.

Tinignan ko lang silang dalawa na walang ginawa kundi ang ngumiti at mag peace sign natatawa na naaawa ako sa dalawa alam kong takot na takot na ang mga 'yan pero ano bang naisip nila at pinag tripan ako mabuti nalang talaga hindi yun totoo.

"Sorry po! Biro lang po hindi na mauulit" pagkatapos nilang sabihin 'yan ng sabay ay kumaripas na sila ng takbo kasabay ng malakas na tawa nila.

Naka kunot noong umayos ng umupo sa tabi ko si Sean, 

"Biro nga lang daw di ba?"  hinawakan ko ang pisngi nya at pinaharap sa akin, inayos ko ang kunot nitong noo akala mo namamalantsa ako para alisin lang ang gusot na nasa noo nito.

"Alam mo ba sa ginawa nilang 'to mas lalo kong nalaman ang salitang LOVE" and then I kiss him na ikinagulat nya

At nagpapasalamat ako sa ginawa nila dahil i realize how much i love him. This is really a Tae my True And Extraordinary love.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon