Chapter 13

449 12 1
                                    

Chapter 13

Icy's pov

Simula ng gabing sinabi niya sa aking kapag pinayagan ko siyang ligawan ako ay kakantahan niya ako araw-araw at hindi nga ito nagbibiro, isang linggo niya na din ako sinusuyo at isang linggo niya na din akong hinaharana.

"Hoy manok kapag sinamahan ko ba nang pag gigitara mafa-fall kana sa akin?" pangungulit nito sa akin habang ako ay busy sa pag gawa ng activity paper namin sa isang major subject.

"Bakit marunong ka bang mag gitara?" tanong ko dito na hindi binalingan ng tingin.

"Hindi" napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.

"Ayon naman pala eh! bakit mo pa sasamahan ng gitara hindi ka naman pala marunong." napa make face ako bago itinuloy ang ginagawa ko.

"Pag-aaralan ko para sa'yo" kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili na yakapin siya.

Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mga pagpapakilig ni ibon kahit sa mga simpleng bagay, malaking turn on sa akin na nag eeffort ang isang tao para makamit ang inaasam na tagumpay, naks men! inaasam na tagumpay talaga ang term?!.

"Icy hindi ka ba na aattract sa mga guitarist?" huminto ako saglit sa ginagawa ko saka bumuntong hininga

"E sa mga pianist?" tinignan ko siya ng walang reaksyon na pinapakita.

"Sa drummer?" I blink twice bago ako tumingin sa ibang direksyon ng soccer filed.

"Aah baka naman gusto mo sa mga dancer, kung ganun pag-aaralan ko din ang pagsasayaw anong gusto mo hiphop? break dance? pop? folk dance? ballet? ballroom? Pero huwag namang ballroom pang matanda eh, Icy sabihin mo lang kung ano ang gusto mo gagawin ko." macho dancing ang gusto ko dahil gusto kong makita ang flex ng mga muscles mo. ahmp ang landi ko.

Gusto ko ng tumawa pero pinipigilan ko lang, may sumanib ba sa ibon ko at naging ganito ito? tinignan ko siya at bakas sa mukha nito ang pagpoporsige. 

"Simple lang naman ang gusto ko, ang gagawin mo lang naman ay pasayahin  ako araw-araw."

"Hoy manok 'wag nalang 'yan ang ipagawa mo hindi ako marunong sa ganyang bagay." wala naman talaga siyang sense of humor pero kapag ginawa niya na 'yun nagkakameron na.

I folded my arms over my chest saka ako ngumiti sa kanya "Just sing".

Napakunot ang noo nito habang nakasandal sa likuran ng inuupuan niya.

"Yung pagkanta mo lang ang nagpapasaya sa akin"  inayos ko ang mga gamit ko na nagkalat dito sa may bleachers saka pinasok sa bag.

Umunat muna ako bago tumingin ulit kay ibon na may ngiti sa labi, napa iling nalang ako dahil sa tingin ko alam ko na ang nasa utak niya.

"So your starting to love me?" kung alam mo lang matagal na kitang mahal, pero hindi ko sasabihin papahirapan muna kita.

"kapag ba napasaya mo ang isang tao dahil lang sa pagkanta ay nagkakaroon na ito ng pagtingin? hindi ba pwedeng napapasaya mo ito dahil wala sa tono kung kumanta ang kumakanta?" at doon na ako humagalpak ng tawa.

Sa tuwing kakanta siya sinisigurado ko na kaming dalawa lang ang tao dahil ayaw kong mapahiya siya, at sinisigurado ko din na hindi ako tatawa kapag kumakanta na siya. He's doing his best to impress me, kahit hindi siya magaling kumanta napapakilig niya pa din ako at sa pandinig ko nagiging magandang musika na ito habang tumatagal.

"Aah ganun pinagtatawanan mo ang maganda kong boses, alam mo bang ikaw palang ang unang kinatahan ko?" napahinto ako sa pagtawa ng nakikita ko siyang lumalapit sa puwesto ko.

"Akala mo naman kung sinong may magandang boses, hoy manok sa ating dalawa ikaw ang may mas panget na boses" na pataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Nalala ko ang panahon na una niya akong nilait.

"Nagkakamali ka ng narinig hindi ako ang kumakanta noon, ang ganda kaya ng boses ko kaya wag mong sabihin na mas panget ang boses ko kesa sa boses mo, capslock mo"

"Anong hindi? Tandang tanda ko pa ang boses mong inipit na boses ng manok kung kumanta." 

tinuro ko siya habang ako ay umaatras " Hoy ibon napaka mo, at hindi ko alam yang pinagsasabi mo." pagsisinungaling ko.

"Sa mall, sa escalator feel na feel mo pa. Mabuti sana kung kasing ganda ng boses mo si Sarah G. pero hindi dahil ikaw lang naman si Sirah G." naningkit ang mga mata ko pinaalala niya pa talaga.

"Hoy ikaw kung makapanglait ka akala mo kung sinong gwapo at kagandahan ang boses " nang gagalaiti kong sabi bago ko hinipan ang bangs ko.

"Gwapo naman talaga ko at may magandang boses." sabi nito na nag pogi sign at saka kinanta ang chorus ng Love ni David Choi.

Ang capslock (kapal) talaga nitong booby bird na 'to. Ipaalala niyo nga sa akin kung bakit ko 'to minahal? nagsukatan kami ng tingin at wala sa amin ang nagpapatalo sa titigan. Kahit kumurap ay hindi namin ginawa dahil wala kaming balak na putulin ang kuryenteng dumadaloy sa pagtititigan namin.

"Kapag hindi ka pa kumurap ibon sinasabi ko sa'yo ibabasted na kita ngayon din." ako na ang nang bablack mail.

Agad naman itong kumurap kaya napagiti ako, isang ngiting tagumpay mga lola.

"Tss! pasalamat ka mahal kita" mahinang sabi nito pero sapat para marinig ko.

"Hoy ibon saan ka pupunta?" tanong ko dito ng naglakad ito papalayo sa akin.

Hindi niya ako pinansin at mas binilisan nito ang paglalakad ng naramdaman niyang sinusundan ko siya kaya mas binilisan ko din ang lakad ko hindi ko ininda ang pagod sa pag mamarathon namin. Kanina lang stare game ngayon naman walking marathon ano kayang sunod nito?.

"Ibon kapag hindi ka pa tumigil sa paglalakad basted kana ngayon din" hingal na hingal kong sabi pero ang mokong mas lalong binilisan ang paglakad kaya ako namna ay tumatakbo na para mahabol siya ang haba kasi ng mga binti ni ibon para siyang ostrich.

"Seryoso ako ibon kapag hindi ka pa tumigil wala ng ligaw-li......." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may humarang sa aking isang matangkad na morenong lalaki.

"Hi my lady!" nakangiting bati nito sa akin at kitang kita ang malalim nitong dimple sa kanang pisngi 

"h-hi" nag aalanganin kong sagot.

"My lady alam mo ba kung saan ang opisina ni chancellor?" hindi ko maialis ang tingin ko sa dimple niya ang cute kasing tignan naiinggit ako, sa pamilya kasi namin ako lang ang walang dimples kahit si chubs meron ding dimple at katulad niya meron ito sa kanang pisngi.

"Nasa pangatlong palapag ng building na puro salamin."sagot ni ibon habang masamang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko, nakatalikod kasi ang lalaking ito kaya hindi niya kita ang matatalim na tingin ni ibon.

"Salamat" sagot nito na hindi man lang nagaksayang tumingin sa likuran niya nanatili lang itong nakangiti sa akin "See you later my lady" nagulat ako dahil hinalikan niya ang kamay ko bago umalis.

Pagkaalis ng lalaki ay agad kinuha ni ibon ang kamay kung saan hinalikan ng lalaki, mariin niiya itong pinunasan gamit ang dulo ng kanyang polo.

"Ibon ang hapdi na ano ba!." hinipan ko ang kamay ko dahil sa hapdi ng pag punas ni booby bird.

"Sorry" saka niya ito hinalikan. 

"Sa susunod huwag kang magpapahalik kahit saan parte ng katawan mo lalo na sa ibang tao na hindi mo kilala, nakaka panglalaki lang!" saka ito naglakad palayo.

Patay na tae! Nagselos ang ibon.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon