"Yah! Gising na guys! First day of school natin, baka ma-late pa tayo!" Sigaw ng kanilang leader na si Charlette Shane o mas kilala bilang Shane.
Kinatok niya ang bawat pinto ng mga kwarto ng kanyang mga kasama. Pinaka huli niyang kinatok ang pinto ni Catastrophe Jean o mas prefer niyang tinatawag na Jean.
Pero bago palang makatok ni Shane ang pinto ay bigla itong bumukas pero hindi na mapigilan ang kamay ni Shane kaya nakatok niya ang noo ni Jean.
Namutla bigla siya dahil alam niyang madaling magalit si Jean.
"Ah- eh- sorry Jean!" Sabi ni Shane habang umaakbang ng paunti-unti na papalayo. Ng makalayo na siya ay kumaripas siya ng takbo.
"Mag-ready kana noooo" sabi niya habang papalayo ang boses.
Shane's POV
Ihh, nakakatakot naman yung aura ni Jean! Brrr. Sabi ko sa aking sarili habang nanginginig.
"Hmm, wala man atang lumabas sa kanilang kwarto ah? Mga batang talagang ito!" Sabi ko.
Puntahan ko muna si Schianneickaj(pronounced as Sha-ney-ka) Denie pero mas kilala bilang Denie, dahil siya ang nagluluto sa amin at siya lang ang may talent nito. Well.. siya lang talaga, tinry na nga namin eh pero...
(Flashback)
"Ahhhhhh! Te! Ayoko na! Nakakatakot magluto! Uwaaaa!" Iyak ng aming pinakabata na myembro na si Luciana Blair pero prefer niyang matawag na Blair. Mula noon ay na-trauma na siya sa pagluluto.(Another flashback)
"This sucks." Sabi ni Jean na nakapoker face habang nagluluto. Nagbukas siya ng isang bote ata ng liquor at ibinuhos sa kanyang niluluto."Noooooo! Don't put that in!!!" Sigaw ni Denie, pero huli na ang lahat at boom! Simula nun, hindi na pinapunta sa kusina ni Denie si Jean.
(Another flashback)
"Pweeeeeeee! What kind of taste is this?!" Sabay sabay naming sambit nang tumikim kami sa niluto ni Kianajein Miracle pero mas kilala bilang Miracle. Few minutes later...Nagsusuka at sumakit ang aming tiyan dahil lang sa ISANG tikim sa niluto ni Miracle. Bakit kaya Miracle yung pinangalan sa kanya?
(Another flashback)
"Pfffffft! Hahahahaha! Ate! Ano ang sinusuot mong yan? Hahahaha!" Sabi ni Denie habang hinahawak ang kanyang tiyan sa kakatawa.
Dahil dun sa sinabi niya ay inalis ko ang aking shield at armour at sinimulan ko nang mamirito ng bangus. A few minutes later.....
"Ahhh! Ang sakit! Wah! Natapon!" Yan nalang ang aking nasambit.
(End of flashbacks)
Sa wakas ay nakarating din ako sa harapan ng kwarto ni Denie. Binuksan ko ang pinto at tumingin sa loob. Nakita kong wala siya dun.Nasan nakaya yun? Matignan ko nga ang iba.
Pumunta naman ako sa kwarto ni Miracle pero wala din siya. Sumunod naman ay sa kwarto ni Blair pero wala din siya.
"Oi! Nasan kayoooo!!!" Sigaw ko.
Denie's POV
"Si ate Shane ba yun? Bale, siya lang ang sisigaw na ganun" sambit ni Blair.
Nasa attic kami ngayon dahil sa dare ni Miracle. Natalo kami kasi sa game kagabi. Don't Pick the King ang Queen ata yung tawag dun. Pero kaming dalawa ni Blair ang nakabunot kaya yun, nandito kami sa attic. Dare ni Miracle na gumising kami ng maaga at pumunta sa attic.
Nandun niyan siya sa pinakadulong CR sa aming bahay na malayo sa aming mga kwarto... para daw hindi siya maistorbo kay ate Shane. Mansion kasi yung bahay namin kaya maraming pasikot sikot. Ano kaya ang connect nun? Hay bahala na.
"Tara, baba na tayo, baka mahimatay pa si ate. Hahaha!" Sabi ko kay Blair.
"Tapos na siguro yung dare ni ate Miracle no? Hahaha Oo nga, tara na." Sabi niya habang napapatawa.
Bumaba na kami at ako naman ay dumiretso sa kusina upang magluto. Nagready naman si Blair para sa school.
Nagstart na akong magluto at ang iluluto ko ay..... bacon & eggs. Yun lang.
"You hurt me~" kanta ko. Napatigil ako nang may marinig akong hakbang ng paa at mabagal pa ito.
Hmm, baka si ate Jean lang. At nagpatuloy akong magluto. Napatigil ako ng bigla itong magsalita.
"Well, well. If it isn't Schianneickaj..."
---------------------------------
Cut! Sino kaya iyon? Malalaman nyo sa next chapter! Please vote, comment and share! Yung nasa picture pala ay si Shane! Sorry sa mga typo... ^^ thanks for reading!-MoonlightGirl88
BINABASA MO ANG
Love & Conflict
Fanfiction(Exo Fanfic) Naranasan mo nabang ma-inLOVE sa taong pinaka ayaw mo? O naranasan mo naba na ang pinaka gusto mong tao ang maging pinaka hate mo? Naranasan mo nadin bang magka-CONFLICT sa taong pinaka-mamahal mo? O yung naramdaman mo na ba yung feelin...